022

287 19 1
                                    

"Gaano kalaki yung bag na dadalhin mo, Sandra?" Tanong ko kay Sandra.

Magiimpake na kasi kami para bukas maaga kasi kaming aalis papunta sa Batangas.

"Yung nag iisa kong backpack na red dito" sagot niya sabay pakita sakin ng bag.

Plano ko sana makilagay nalang sakanya kaso mukhang sakto lang sakanya yung laki ng bag para mapaglagyan ng mga dala niyang damit.

"Ah ok, papalagay sana ako sayo"

"Dami mong back pack diyan."

"Pa'no gagawin daw bukas?" Tanong ko kay Sandra, kausap niya daw kasi kagabi si Mariz tungkol don.

"Sabi niya susunduin daw tayo ng van nila Neon."

"So iisang sasakyan nalang tayong lahat papunta at pauwi doon." Medyo gulat ko sabi, bigla ko kasi naalala na kasama sila Nate.

"Oo, atsaka isa sa daw sakanilang mga lalaki ang mag d-drive papunta sa Batangas."

"Ah. Sige."

"Maaga ako matutulog." Sabi ni Sandra pagkasarado ng bag niya.

"Dapat lang. 3 am daw tayo susunduin e," Natatawa kong sabi habang nilalagay ang mga damit ko sa back pack ko.

Pagkatapos namin ni Sandra mag ayos ng gamit, ay sunod ko naman na hinanda ang damit na susuotin ko.

Naka maong shorts, white flowy crop top at white flat sandals.

"Sandra, gising na hoy!" Katok ko sa kwarto ni Sandra.

Pareho kasi kaming nag alarm ng 1:30 am, dahil medyo matagal kaming mag ayos.

"Ito na!" Sigaw niya.

"Ikaw muna maligo, maghahanap pa ako ng damit e." Sabi ni Sandra pagkabukas niya ng pinto.

"Sige." Sagot ko bago umalis sa harap ng pinto niya.

Bago ako pumasok sa banyo ay nag check muna ako ng phone baka nag message sila Neon sa'kin.

Biglang bumungad sa story list ko si Nate kaya agad kong tinignan 'yon.

Naka mirror selfie siya at suot suot ang backpack niya walang nakalagay na kahit anong caption pero nilagay niya ang location ng resort nila Mark.

Pagkatapos kong mag check ay naligo na din ako agad wala naman kasing message or what.

"Oh! sabog 'yang buhok mo, Sandra." Natawa kong sabi nang makalabas ako sa banyo nadatnan ko kasi si Sandra na nakatayo sa gilid ng banyo inaantay ako.

"Masarap tulog ko, Reizel." Pabalik niyang sabi bago pumasok sa banyo.

Nagpatuyo muna ako ng buhok bago magbihis at nag lagay din ako ng konting make-up like liptint at foundation.

Nang matapos akong mag ayos ng sarili, sunod kong ginawa ay nag check ng bag baka kasi may kulang pa ako. Buti lahat ng kailangan ko nailagay ko na kahapon.

"Wow. Ganda ah." Sabi ni Sandra sa'kin habang nagsusuklay siya ng buhok.

Naka floral jumper dress siya at naka flat sandals din tulad ko.

"Bagay na bagay pala sayo 'yang dress na tinuro ko." Sabi ko sakanya.

"Fit na fit," Natawa niyang sabi.

"Kunin ko lang bag ko." Sabi ni Sandra bago pumasok ulit sa kwarto niya para kunin ang bag niya.

Umupo muna ako sa dinning table habang inaantay si Sandra.

'Neon A.'

"Neon?" Sabi ko pagkasagot ng tawag.

"Malapit na kami, Reirei." Sagot niya.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon