025

307 16 0
                                    

"Tara swimming na tayo." Pag aaya ni Cedric,nang makabalik sila.

"Tangina ang se-sexy naman ng mga ito oh!" Sabi ni Lei sa aming mga babae na nagtanggal ng mga cover up.

Nakita ko ang titig ni Mark at Dave kila Sandra. Si Neon naman ay naabutan kong naka tingin kay Ally kitang kita ang magandang korte ng katawan niya at sobrang kinis din niya.

Pero nang matanggal ko ang cover up ko napansin kong tinitignan ng iba kong kaibigan si Nate, nang tignan ko si Nate bigla niyang binaling ang mga tingin niya sa dagat.

Huli ka!

"Tara na!" Sigaw ni Lianna, nang mapansin na tapos na kaming mag alis ng cover up.

"Low tide ngayon ayos!" Sabi ni Dave.

"Hoy! ma box jellyfish ka diyan, Alex." Pagbibiro ni Cedric kay Alex na malayo layo na sa amin.

"Ulol." Ganting sabi ni Alex sakanya.

"Buti hindi mabato bato dito." Sabi ko nang makarating kami sa gitna.

"Oo nga eh, kitang kita yung white sand." Sabi ni Mariz.

"Ang tagal naman nila Nate at Neon." Natatawang sabi ni Ally habang naka tingin sa kanila sa pangpang.

"Ano pinaguusapan ng mga mokong? di man lang ako sinasali." Nakasimangot na sabi ni Cedric.

"Guys! may nakita kami ni Lei na Star fish oh!" Sigaw ni Alex sa amin.

"Sunod pating na nandiyan Alex." pangaasar ni Cedric sakanya.

Lumapit naman kami agad kina Lei, Alex at Aleckza.

"Hawakan niyo dali" Tuwang tuwa na sabi ni Lianna.

Dinampot ko agad ang malaking starfish na nakita ko sa gilid ko.

"Yun oh ang laki ng nakuha mo." Mapangasar na sabi ni Sandra sabay tingin sa likod ko.

"Oo nga eh." Sagot ko.

"Picturan kita hawak 'yan, Catelyn." Sabi nung lalaki sa likod ko kaya naman napalingon ako bigla at nakita si Nate na wala nang pangtaas, nakita ko din sa tabi niya si Neon na nakangiti.

"Wag na naiwan ko phone ko don eh." Sabi ko sakanya.

"Edi phone ko ang gagamitin." Sabi niya sabay pakita ng phone niya na nakalagay sa waterproof case.

"Sige."

"Okay, send ko din 'to sayo." Sabi niya pagkatapos akong kunan.

"Teka, selfie tayo,Catelyn." Pahabol niya, sabay hawak sa pala-pulsuhan ko dahilan para mabitawan ko ang star fish na hawak ko.

"Selfie Tayo?" Pagsisiguro ko na tama ang pagkakarinig ko.

"Yes." Nakatawa niyang sagot.

Lumapit naman ako sakanya.

Pero ibang klase 'tong crush ko inakbayan nanaman ako dahilan para mag init ang pisgi ko hindi dahil sa tirik na araw kung hindi sa ginawa niya.

"Ang sweet naman!" Mapangasar na sabi ni Ally nang makita kaming nagpipicture.

"Friends with benefits ba 'to." Dagdag na pangaasar ni Lei.

"Pang ilang picture na ba 'yan bro." Natatawang sabi Neon bago kami basain ng tubig dagat.

"Ah gago! " Napamura si Nate nang basain kami.

Umahon na din kami nang mag sunset na, nagpahanda daw kasi ng dinner si Mark.

"Zammy, picturan mo'ko ganda nung sunset e." Sabi ni Ally sakanya nang makaahon kami sa dagat. Inabot din niya ang camera niya kay Nate.

"Bakit nakaharap ka Allyana?" Pagbibirong sabi ni Neon sakanya.

"Oo nga ang dilim, di kita mukha mo." Dagdag ni Cedric.

"Patalikod nalang, Nate." Sabi niya, medyo nainis siya kila Neon.

"Okay na." Natatawang sabi ni Nate sakanya, bago ibalik ng camera sakanya.

Bumalik kami sa mga kwarto namin para mag banlaw na, dahil may dinner nga kami na pinahanda ni Mark at ng resort nila para sa amin.

Pinauna ulit ako ni Ally mag banlaw dahil mag check daw siya ng mga picture sa camera niya.

Nagsuot ako ng boho off shoulder na dress yun na din ang pang tulog ko dahil wala naman na din akong planong maligo pa sa pool.

Si Ally naman ay naka kimono cover up sa loob non ay black sando and maong shorts.

"Hoy lovebirds," Mahina kong sabi kila Dave at Sandra nang makalapit ako sakanila.

"Shhh." Sabi ni Dave.

"Mamaya pa kami mag re-reveal about diyan." Pabulong na sabi ni Sandra sa akin habang naglalakad kami papunta sa restaurant ng resort nila Mark.

"Sweet ng crush mo, Zel ah." Singit ni Dave.

"Oo nga eh, binibigyan ako ng pag asa." Pabulong kong sabi, medyo kinikilig ako nang sinabi ko 'yon.

"Tiwala lang, ma crushback ka din niyan." Sabi ni Dave sabay tapik sa likod ko.

"Wow. Boodle fight!" Sabi ni Aleckza nang makita ang set up na hinanda ng resort nila Mark.

"Gutom ka girl?" Natatawang sabi ni Mariz.

Bago kami kumain ay nagdasal muna kami syempre pinagkaisahan ako ng mga kaibigan ko,  ako kasi ang mahilig mag volunteer mag dasal pag may mga okasyon.

"Coke kayo mga mamser." Sabi Alex habang kumakain kami.

"Buksan mo na, Alex." Sabi ni Nate sakanya.

Nasa tapat ko nakapwesto sila Nate.

"Pahingi na din ako, nabibilaukan na ako dito." Dagdag ni Ally na sarap na sarap kumain.

Isa isang nilagyan ni Alex ang mga baso namin buti tinulungan siya ni Cedric i-abot ang mga baso.

"Nagpahanda pala ako ng bonfire mamaya." Sabi ni Neon sa amin nang matapos kaming kumain.

"Pahanda ako ng snacks." Dagdag ni Mark, bago umalis para kausapin ang staff nila.

"Nakahanda na daw yung bonfire sa harap ng dagat." Sabi ni Mark pagkabalik niya.



Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon