040

341 17 0
                                    

Cruz,Reizel Catelyn S.
Cum laude of BS Architecture.

Umakyat ako sa stage kasama sila Mommy at Daddy sila din ang nag sabit nang medal ko, habang si Nate naman ay nasa harap siya ang kumukuha ng picture sa amin.

"Congrats, Anak!" Naiiyak na sabi ni Mommy sa akin habang inaayos niya ang paglalagay nang medal ko bago kami kuhanan ng picture.

Nakita ko kung gaano kasaya sila Mommy dahil sulit lahat ng pagsasakripisyo nila para sa akin, alam kong hindi pa sapat 'to sa lahat ng paghihirap na ginawa nila para sa akin kaya mas lalo ko pang pagiigihin ang pag take nung board exam ko at sa magiging trabaho ko para sakanila.

Sunod din na tinawag si Sandra na cum laude din, tuwang tuwa din siya habang umaakyat sa stage, kasabay din namin si Mariz na mag graduate dahil related kami ng course. Mamaya pa ang graduation nila Dave at Mark dahil engineering sila, si Mark daw cum laude sa BSCE.

"Congrats, Sandra at Mariz!" Masaya kong bati kila Sandra at Mariz pagkatapos nung graduation.

"Sa inyo din congrats, mga cum laude haha." Natawang sabi ni Mariz sa amin ni Sandra.

"Wala ang mga jowa natin." Nakatawang sabi ni Sandra.

Ang mga parents kasi namin nag uusap samantalang si Nate nasa tabi ko tahimik lang.

"Ikaw lang wala haha, hindi pa kami ni Mark." Natatawang sabi ni Mariz kay Sandra.

"Okay, kailan mo ba sasagutin 'yon? ayaw mo bang gawing graduation gift sakanya 'yon tutal cum laude siya haha." Natatawang sabi ni Sandra sabay akbay kay Mariz, napailing naman si Mariz habang natatawa sa sinasabi ni Sandra.

"Congrats Sandra, Mariz." Biglang singit ni Nate.

"Thank you. Uy congrats din sayo ah! soon to be doctor Nate haha." Sabi ni Mariz kay Nate.

"Paano ba 'yan kita-kits nalang tayo sa party bukas ah," Sabi ni Mariz bago umalis.

Halos ka sunod lang din niyang umalis si Sandra, may mga kanya-kanyang party kasi kami ngayong araw tapos kinabukasan naman yung party sa aming magkakaibigan kasama din sila Nate doon.

Pag uwi namin sa bahay ay abalang abala ang mga tao don dahil nag aayos sila ng mga pagkain na dadalhin sa venue na nirentahan nila Mommy para sa double celebration namin ni Dave mamaya.

Nag pahinga muna kami ni Nate sa kwarto ko dahil mamaya pa naman ang party.

"Congrats," Sabi ni Nate habang nakasandal kami sa headboard ng kama ko.

"No, Congrats to the both of us, Nate." Sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

"Thank you, Catelyn, for coming to my life." Sabi ni Nate bago isandal ang ulo sa balikat ko.

"Ay namumula yung baby ko haha," Mapangasar na sabi ni Nate sabay turo sa mukha ko at hinalikan ako bigla sa pisngi.

"Parang hindi ka namumula, pag tinitignan kita ah," Ganti ko sabay pisil sa pisngi niya.

"Hindi naman ako guilty." Naka ngisi niyang sabi bago ako yakapin.

"Congrats sa anak niyo, Engineer. Cruz." Narinig kong bati nung kaibigan ni Daddy bago umupo.

Dumami na din ang dumadating na bisita sa venue, dumating din ang mama ni Nate at si Jaiden sa party pero wala ang Papa niya may duty daw kasi ngayon sa hospital. Nagkasundo naman sila Mommy at ang Mama ni Nate halos sila na nga lang ang mag kausap sa party.

" hindi mo 'ko mapipilit sa Harvard o kaya sa Oxford." Narinig kong sabi ni Nate na may kausap sa phone. "Dati 'yon, sige na Pa, ako na bahala kila Mama." Sabi ni Nate bago ibaba ang tawag.

Nagulat si Nate nung lumingon siya dahil nakita niya akong nakatayo sa likod niya.

"Kanina ka pa diyan?" Gulat niyang tanong bago itago sa ibulsa ang phone niya.

"Kakarating ko lang." Pagsisinungaling ko.

"Halika ka na sa loob." Aya niya sa akin, sabay hawak sa kamay ko.

Pagkatapos nung party ay na una na kami ni Nate umuwi dahil medyo napagod ako dahil kanina pa ako nakatayo dahil nag e-entertain ako ng mga bisita, sa condo ako uuwi ngayon yung kasi ang usapan namin ni Sandra huling isang linggo nalang kasi namin dito.

"Congrats to all of us!!" Sigaw naming lahat habang nakataas ang mga hawak naming alak.

Nandon sila Ally, Cedric at ang buong homies kasama ko din si Nate.

"And congrats din sa mga with honors diyan!" Dagdag ni Lei bago kami mag cheers.

"Pero yung pinaka brainy sa ating lahat si soon to be Attorney haha"Pagpaparinig ni Neon bago i-abot ang pink na paper bag kay Ally.

"High honors pa nga haha," Natawang sabi ni Nate kay Ally na nasa tabi namin.

"Ano 'to?" Tanong ni Ally kay Neon habang inaalog ang pink na paper bag na binigay ni Neon sakanya.

"Regalo naming homies 'yan sayo, Ally haha" Nakangiting sabi ni Mark sakanya.

"Hala! thank you." Excited na sabi ni Ally.

Napag isipan kasi namin nila Neon na isang regalo nalang kaming lahat dahil hindi kami makaisip ng maireregalo kaya ayan sinabi nalang ni Neon ang gusto ni Ally kaya nag ambagan nalang kami. Thank you gift na rin namin sakanya dahil lagi siyang naka support sa aming Homies pag may kailangan kami.

Dumating din ang boyfriend ni Ally na si Zayden may kasamang tatlo pang lalaki at ang isa doon ay bestfriend daw ni Mark, napansin ko din na nag iba yung mood ni Neon nung dumating 'yon. Sumunod din na dumating yung dalawa pang kaibigan nila Nate na si Simon at Alex.

Nagkaroon kami ng kwentuhan bago sila pumunta sa dance floor para sumayaw ang iba namann sa amin may tama na.

"Palamig muna tayo." Pag aya ni Nate sa akin, medyo nakakarami na kasi siya ng inom, magmamaneho pa naman siya mamaya pa uwi.

Tumambay muna kami sa sasakyan niya, habang umiinom ng hot coffee na binili namin.

"Masakit ulo mo?" Tanong ko kay Nate na tahimik lang.

"Hindi naman, medyo mainggay lang sa loob." Tinignan niya ako.

"Mahirap malasing, magmamaneho pa ako." Pagdagdag niya.

"For you." Abot ni Nate sa maliit na white paper bag, sabay tingin sa ibang direksyon.

"Graduation gift ko sayo, kinakabahan akong ibigay sayo kahapon e," Pagpapaliwanag niya.

Binuksan ko agad yung maliit na white paper bag at sinilip ang laman no'n, mayroon isang white box na naka ribbon na pink kaya agad kong kinuha 'yon at inalis ang ribbon para mabuksan ang box.

"Na-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa tuwa.

Binigyan niya kasi ako nang necklace na gusto ko, actually bibili sana ako nung birthday ko kaso na out of stock 'to.

"Suot ko sayo." Sabi ni Nate, inabot ko sakanya yung box para siya ang kumuha no'n doon at maisuot sa akin.

"Thank you," Malambing na sabi ko kay Nate sabay yakap sakanya ng mahigpit.

Hinawakan ko ang necklace na may design na sun and moon.

Bumalik na rin kami agad sa loob para samahan yung iba naming kaibigan, pero hindi na masyadong uminom si Nate dahil takot siya malasing.

"Reizel." Sabi ni Ally nang umalis saglit si Nate para silipin si Cedric sa dance floor.

Medyo kinakabahan na boses ni Ally at nilalaro ang kamay bago ako tignan.

"Labas tayo bukas." Sabi ni Ally. 

"I need to tell you something, pero please ikaw lang ang nakakaalam, Reizel." Kinakabahan na sabi ni Ally sabay hawak sa kamay ko.

Bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi ni Ally.

"Sige, chat mo na lang ako." Sabi ko bago dumating si Nate.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon