039

283 15 0
                                    

Nate Zamuel Garcia, Cum laude.

"Picture kayo ni Reizel dali," Sabi ni Ally kay Nate pagkatapos nang graduation ceremony niya.

"Nate, pa suot mo kay Reizel yung toga mo para cute tignan sa picture." Singit ng Mommy ni Nate.

Agad naman pinasuot ni Nate yung toga niya sa akin. Sunod naman ay nag picture sila ni Ally at ang huli ay yung family ni Nate bago kami pumunta sa restaurant kung saan ay may hinandang small gathering ang parents niya, iyon kasi ang request ni Nate dahil ayaw  niya ng mga grand celebration dahil hindi pa naman daw siya isang ganap na doctor.

"Congrats,Nate." Bati sakanya nang Kuya ni Ally, yung sumunod sa panganay na kapatid ni Ally si Kuya Tristan.

"Thank you, Attorney. Sanchez." Natawang sabi ni Nate sakanya, sabay yakap.

Ang nandoon lamang sa small gathering ay ang pamilya nila Ally at yung family side ng Daddy niya, halos mga malalapit lang niya ang nandoon.

Next week kasi ay may pa graduation party na hinanda si Neon para sa aming magkakaibigan.

"Nate, tuloy na tuloy ka na ba mag med school sa ibang bansa?" Tanong ni Tita Liz yung Mom ni Ally, habang kumakain kami.

Si Nate naman napatigil sa pagkain dahil sa sinabi ni Tita Liz, napabuntong hininga siya at napapikit.

Med school sa ibang bansa? bakit wala siyang binabanggit sa akin tungkol doon.

"Lizelle, not now." Pagpigil ni Tita Michelle sakanya, sumenyas din sakanya and Papa ni Nate.

"Ah... Oo nga pala." Sabi ni Tita Liz and smile awkwardly.

Bakit? anong meron? may dapat ba akong malaman?

Nakita ko din na nakatitig lang si Jaiden at Ally kay Nate na seryosong kumakainin sa tabi ko, hindi niya rin ako kinakausap, hindi din siya sumasali sa mga usapan habang kumakain kami, sasagot lang siya pag talagang kailangan lang.

"Nate?" Nagaalalang sabi ko kay Nate.

Nilingon niya ako at binigyan ng maliit na ngiti.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sakanya.

"Alis na tayo dito pagkatapos mong kumain ah." Walang reaksyon niyang sabi.

Sinunod ko nalang ang sinabi niya, binilisan ko nalang ang pagkain ko.Habang kumain ako ay tumayo bigla si Ally at kinalabit si Nate, may paguusapan lang daw sila sa labas kaya naiwan ako kasama ang ibang bisita ni Nate.

Tinitignan ko sila Ally at Nate na naguusap sa labas, parang may pinagpipilitan si Ally kay Nate, hindi ko nalang sila pinansin at baka nagkukulitan lang naman sila, ganon naman 'yon palagi kaya naman sanay na ako.

Pero may nararamdaman akong bigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit.

Pagkabalik nila Nate ay nakita ko si Ally na nakatingin sa aming dalawa ni Nate para siyang nagaalala para sa aming dalawa dahil sa mga tingin niya at pati yung ngiti niya sa akin.

"Are done eating?" Tanong ni Nate.

"Yeah." Sagot ko.

"Let's go." Mahina niyang sabi bago mag paalam sa magulang niya. Sumenyas din siya sa iba niyang bisita bago ako lapitan ulit.

Tumayo naman ako ka agad pagkalapit niya, nagpaalam na din ako sa mga bisita niya at sa parents niya. Bago pa man kami makalabas ni Nate ay napansin kong napailing si Ally habang nakaupo at maging ang papa niya na naka cross arm.

"Celebration mo 'yon, bakit na una tayong umalis?" Tanong ko kay Nate pagkapasok namin sa sasakyan niya.

Nakasandal siya sa salamin at mukhang malalim ang iniisip.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon