043

356 17 0
                                    

"Reizel?" Tawag nung Mommy ni Neon sa akin habang naglalakad ako papasok sa office ko.

"Tita Clara, bakit po?" Tanong ko pagkalapit ko.

"Hinahanap kita kanina eh, nga pala mayroon ka kasing meeting sa Garcia about sa project natin sakanila."

Magkikita kami ulit na kaming dalawa lang?

"Ako lang po?" Tanong ko.

Akala ko ba si Sandra ang maghahandle sa project ng mga Garcia?

Nandoon si Nate.

"Oo, ikaw lang naman ang kailangan kausapin tungkol sa plano na gusto nila, Architect." Sabi ni Tita Clara.

"Saan po ba magkikita?" Sunod kong tanong.

"Binigay ko na yung number mo kay Nate, siya nalang daw ang magsasabi kung saan daw kayo magkikita."

Binigay na ni Tita Clara yung number ko?!

"Pero panigurado sa hospital kayo mag memeeting." Dagdag ni Tita Clara.

"Pero Tita Clara pwede ko bang mahingi yung number niya, para masabi ko pong papunta na ako." Sabi ko.

Malay ba ni Nate kung papunta na ako o kaya hindi ko siya i-meet. Joke.

"Sure, sandali lang bigay ko sayo yung calling card niya." Agad naghalungkat si Tita sa bag niya para kunin yung calling card na sinasabi niya.

"Thank you po," Sabi ko pagkaabot ni Tita nung calling card.

"Sige po, kunin ko lang yung gamit ko sa office, tapos alis na po ako agad." Sabi ko bago mag madaling pumunta sa office ko para kunin ang bag at portfolio ko.

Bago ako sumakay sa sasakyan ko ay tinignan ko ang calling card ni Nate.

"Dr. Nate Zamuel Garcia," Nakangiti kong sabi.

Isa na talaga siyang ganap na doctor. Nakakaproud kahit hindi na kaming dalawa, kahit hindi ko nasaksihan yung final graduation niya at kung ano ang naging lagay niya noon habang nag aaral siya sa ibang bansa.Ang mahalaga nalaman ko na naging maganda ang takbo ng karera niya ngayon and he's successful on his own.

May tama at mali akong nagawa para sa aming dalawa at para sa sarili ko.

Iyon ang nasa isip ko habang tinignan ang calling card niya. Bago ako sumakay sa kotse ko ay nag message muna ako kay Nate.

To:

Papunta na ako sa hospital para sa meeting - Architect. Cruz

Habang nagmamaneho ako papunta ay biglang may nag message.

 Unknown

5th floor, Room 307 :))
-Dr. Garcia

"Gaya gaya talaga,"  Natawa kong sabi.

Bago ako makapasok sa hospital nila Nate ay saktong may dumating na ambulansiya kaya medyo nagkagulo doon papasok sa emergency room.

"Emergency!" Sigaw nung nurse sa kapwa niya nurse.

Pinagtulungan nung mga nurse na ipasok sa loob ang duguan na bata na dala nung ambulansiya.

nakakaawa yung bata, umiiyak pa siya habang ang nanay naman niya ay nakasunod sakanila bakas sa mga mata niya ang sobrang pag aalala. Pumasok na din ako sa loob baka naghihintay na si Nate sa akin.

"Anong nangyari dito?" Tanong nung pamilyar na boses na nasa harap ko.

Hindi ko makita ang itsura niya dahil nakatalikod siya, pero sobrang pamilyar ang boses niya.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon