06

445 22 1
                                    


It was a busy week dahil naghahanda na ang lahat for the last semester finals at yung iba ay busy din dahil sa mga kulang nila naplates na dapat nang ipasa. Buti nalang ay maaga namin na napasa ni Sandra ang mga plates kaya nag prepare nalang kami para sa finals.

"Uwi agad tayo sa condo ah." Paalala ni Sandra sa'kin.

"I know ,relax ka lang papasa tayo umabot ka nga ng 3rd year e." Pabiro kong sabi kay Sandra,

"Tse! kahit na 'no." Sabi niya.

"Sana all kila Mark at Dave 'no. Nauna silang mag finals." Sabi ko sakanya habang naglalakad kami sa hallway ng school.

"Oo nga eh, mga kupal na 'yon nag gagala na." Inis na sabi ni Sandra.

"Amarisse Villanueva!" Sigaw ni Sandra nang makita niya si Mariz na naglalakad papunta sa direksyon namin.

"Oh? Bakit miss mo ako Cassandra?" Mataray na sagot ni Mariz kay Sandra.

"Hindi gaga! kausap lang kita kagabi, Sis." Naka taas na kilay na sabi ni Sandra kay Mariz.

"Oo ginulo mo'ko nag rereview kaya ako kagabi." Sabi ni Mariz kay Sandra.

"Kakatapos niyo lang mag exam?" Tanong ko kay Mariz.

"Oo Zel. Medyo mahirap nga eh kaya kabado ako hahaha." Sagot ni Mariz sa akin.

"Akala ko ka sabay mo kami." Sabi ko sakanya.

"Eh,yung prof namin may family trip next week kaya, napa aga ang finals namin." Masayang sagot niya.

"O sige, una na ako, Sandra, Reizel, may pupuntahan pa kasi ako." Sabi niya bago tuluyang umalis.

Bago kami umuwi ay bumili kami ng pagkain dahil hindi na kami makakapaghanda pa ng pagkain.Pagdating sa condo ay nilapag ko na ang mga pagkain sa lamesa ,si Sandra naman ay dumiretso sa kwarto niya para magkapagbihis gayun din ako, nilpag ko ang laptop ko sa coffee table at sa sofa naman pumwesto si Sandra. Mahigit  6 hours kami nag review ni Sandra para bago mag finals ay makapag pahinga kami at pati ang utak namin. More on memorization at computation ang kailangan namin pag aralan sa test naming mga Archi students.

"Break muna tayo, Zel, sumasakit na ulo ko." Pagod na sabi ni Sandra habang hinihilot ang ulo niya.

"Teka,tatapusin ko lang 'tong practice test na sinasagutan ko, Sandra." Sagot ko sakanya habang abala ako sa pagsasagot ng mga natitirang tanong.

"Sige handa ko na 'tong pagkain na binili natin." Sagot niya bago pumunta sa lamesa kung saan nakalapag ang mga binili namin na pagkain.

Agad na rin akong sumunod, buti nalang wala kaming huhugasan dahil nga ready to eat na yung binili namin na pagkain ni Sandra, nag ligpit lang kami ng konti at bumalik na din agad sa pagrereview, inabot na kami ng alas dose ng umaga kaya. Hindi namin namalayan na nakatulog na pala kami ni Sandra sa sala dahil sa sobrang puyat at pagod dahil sa pagrereview ,ganyan talaga kami ni Sandra magreview simula noong umapak kami sa college, kaya worth it naman lahat ng iyon.

Mabuti nalang ay nag-alarm ako ng maaga kung hindi ay absent kami sa school actually okay lang ang di kami pumasok ngayon, dahil busy ang lahat sa finals at puro collecting lang gagawin  sa school, pero dahil ayaw namin magkaroon ng absent ayun papasok pa din kami.

Nagsuot lang ako ng simple oversized t-shirt na black at fited jeans and white shoes, di na kami nagdala ng maraming school stuff dahil wala naman nang lecture, ang tanging dala lang namin ay laptop at reviewer dahil na isipan namin ni Sandra na magreview sa coffee shop pagkatapos namin sa school.

"Catelyn,papasok pa kayo?" Tanong ng blockmate namin na si Harold.

"Reizel nga ang kulit mo Harold ah." Inis kong sabi.

"Sorry po Reizel haha." Pagtama niya..

"By the way. Oo,para sa attendance. Uuwi din kami pagka-check nang attendance eh." Sagot ko sakanya.

"Ah, pareho pala tayo, sige una na ako kukuha pa ako ng mga libro sa library." Sagot niya bago pumasok sa library.

"Uy si Harold 'yon 'no?" Tanong ni Sandra na kakabalik lang dahil hinanap niya ang class secretary namin para i-count kami sa mga pumasok.

"Oo, kumuha daw ng reviewer sa library." Sagot ko sakanya.

"Nasabi ko na na pumasok tayo." Sagot niya habang inaayos ang bag niya.

"Diretso review na ba tayo?" Tanong ko sakanya.

"Ahh oo, daanan lang natin yung pina photocopy ko na reviewer." Sagot niya sa'kin.

"Ok." Maikling sabi ko.

Gaya ng sabi niya dumaan muna kami sa computer shop sa tapat ng Lasalle. Pagkatapos  ay dumiretso na kami sa coffee shop, naglakad nalang kami ni Sandra dahil malapit lang 'yon.

"Ako na mag oorder hanap kana lang upuan" Sabi ko kay Sandra.

"Wowerzs naman sis! libre naman pala, basta lam mo na sa'kin ah." Pangaasar na sabi ni Sandra.

Nag order ako ng isang Iced coffee latte para sa'kin at Iced mocha naman ang kay Sandra, nag order na din ako ng churros para may mapapak kami habang nag rereview. pagkatapos kong mag order ay pumunta na ako sa table kung saan naka pwesto si Sandra.

"Maalala ko lang, remember nung nakaraang linggo nawala ka diba, san ka nagpunta, Zel?" Nagtatakang tanong ni Sandra sakin, dahilan para mag kanda ubo ako sa tanong niya.

Naalala ko tuloy yung lalaking na meet ko sa park si Nate at yung friend niyang si Cedric.

"Hoy Reizel?! parang ewan ano nga hahaha?" Sabi niya at sabay sabunot sa buhok ko.

"Ah eh.. nagpahangin ako no'n eh." Dagot ko sakanya.

"Daya mo! di mo kami sinabayan na mag inom ah." Sabi niya na may halong pagtatampo.

"Sandra." Tawag ko sakanya.

"Oh?" Sagot niya sakin kaya habang busy na siyang mag notes.

"Ang cute ko." Pabirong sabi ko sakanya.

"Potek ka yun lang, mag review ka na nga lang Catelyn!" Inis niyang sabi.

Medyo napikon ako, dahil bigla niya akong tinawag sa second name ko. 

Hindi naman sa ayaw ko ah, pero di ko lang trip ang Catelyn..

Inabutan na kami ng dilim ni Sandra sa coffee shop ,dahil nagpaturo pa siya ng iba't ibang techniques sa pag gawa ng building, alam niya kasi na marami akong natutunan sa mga tutorial na napapanood ko.

"Sana all, masipag mag aral ng iba't ibang sketch may pa journal ang Tita mo ,kaya pala lagi kang puyat girl ahahah." Sabi niya sakin,nang ipakita ko ang journal ko ng puno ng mga tips at sketches.

"Advanced kasi ako mag isip." Pabiro kong sabi.

"Halata naman,high school palang 'no." Sagot niya sakin, habang binabasa ang tips na nakasulat sa journal ko.

"Send mo nga mga link ng mga pinapanood mong Archi tips ahahaha ,para  naman may alam din ako, Reizel." Sabi niya.

"Sige-sige hahaha." Natatawa kong sabi,habang tinitignan siya na seryosong-seryoso intindihin yung mga nakasulat doon sa journal ko.

Pinagpatuloy nalang ni Sandra sa condo ang pag babasa sa journal ko dahil inabutan na kami ng closing ng shop .Iniwan ko nalang siya sa sala para mapagaralan niya 'yon, samantalang ako ay nagbasa nalang ng mga novel na hiniram ko sa pinsan ko dahil tapos na ako magreview.







Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon