04

510 31 6
                                    

"Hoy Madam! Gising na amputcha ka 2pm na ho!" Sigaw ni Sandra habang hinahampas ako ng unan.

"Reizel, jusko mag-aayos pa tayo. Traffic kaya later, Sis ." Dagdag pa niya at patuloy ang pangungulit niya sa'kin.

"Ito na babangon na." Yamot kong sabi sakanya.

Medyo hilo-hilo pa ako dahil late na ako nakatulog mga bandang 4am na siguro ako natulog dahil naga-ral at sketch pa ako kagabi at nakalimutan ko din na mag-alarm ng maaga.Mabuti nalang din ay naisipan pa akong gisingin ni Sandra.

"Nagpuyat pa kasi ang gaga." Inis niyang sabi sakin bago siya tumayo sa kama mo.

"Sorry naman, 'di ako makatulog kaya nag aral nalang ako dzuhh," Sabi ko at sabay irap sa kanya.

"Sige na kumain kana, nauna nako sayo kanina pa," Sabi niya.

"Mag skin care lang ako at ako na mag p-plantsa ng susuotin natin mamaya mahal na prinsesa." Dagdag niya sabay tawa bago lumabas ng kwarto ko.

"Thank you." Sabi ko at binigyan siya ng maliit na ngiti.

Bago ako tumayo sa pagkakahiga ko ay nag check muna ako ng mga messages.

Notifications🔔

Homies🍻

@lei_antonio: hey don't forget my grand opening later...see you guys later😽

@itsdavestro: yeah👍🏻

@sandraaa: sent a photo.

@Neonzx: Wow,sarap naman ng tulog nung bata ah hahaha✌🏻

@LiannaJanine: (2)

@sandraaa: oo nga e, update kakagising lang niyan ngayon hahahaha.

"Gago ka Cassandra Sarmiento!! " Inis kong sabi, pagkakita ko ng picture na sinend ni Sandra sa group chat.

It was me sleeping hugging my mini we bare bears stuff toy.

"Pisyow hahaha, peace offering ko na yung pag plantsa ng damit mo para mamaya hahahaha!" Sigaw niya sa'kin sabay tawa ng malakas.

Hindi ko na siya pinansin at agad na akong kumuha ng damit ko at dumiretso sa banyo para maligo habang si Sandra ay abala na sa pag plansta ng susuotin naming dalawa mamaya.

Pagkatapos ko maligo ay kumain nako ng nilutong adobo ni Sandra, medyo marami-rami akong kinain gawa nang hindi ako nakapag almusal.

"Oh, tubig baka mabulunan ka Zel!" Pangaasar ni Sandra sa akin habang sinasalinan ng tubig ang baso na nasa harap ko.

"Gaga! Sarap mo kasi magluto eh," Sabi ko sakanya.

"Well dapat nag culinary nalang ako." Pabiro niyang sabi.

"Chos! di ko bet 'yon. Sanay lang ako mag luto pero thank you, Reizel hahaha." Sabi niya sa'kin bago umalis sa harap ko.

"Hoy panoorin na natin 'tong horror pampalipas ng oras maya-maya pa naman tayo mag-aayos." Pag aya ni Sandra na nasa sala, siguro napansin niyang tapos nako kumain.

"Sige-sige hugas lang ako." Sagot ko sakanya.

Halos dalawang oras mahigit yung horror movie na pinanood namin kaya saktong-sakto pagkatapos namin ay nag-ayos na kami ni Sandra.

Nag make up kami ni Sandra ng simple lang. Ako ang nag make up saming dalawa.

Nag messy bun lang si Sandra dahil iyon daw ang bagay sa off shoulder dress niya na dark blue, heels at and blue sling bag bagay na bagay sakanya ang suot niya ngayon, sa totoo lang kahit simple lang ang suot ni Sandra maganda pa din siya at syempre dahil maputi siya.

Healing Art Of Love (SLS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon