|2|

11 7 0
                                    

Chapter 2

Kwintas

---

Habang nag lalakad papasok sa kwarto ay bigla akong napahinto nang maalala ang nangyari kaninang umaga.

Pagkayari noon ay nag madali akong mag lakad papasok sa kwarto.

Kinuha ko ang papel kung saan isinulat ko ang number niya na isinulat niya sa palad ko kanina.

Baka kasi mabura.

"Kulang ng isa? Nabura ba?" Tanong ko pa sa sarili ko. Naka ilang bilang pa ako para kumpirmahin.

"Papahirapan pa 'ko nito. Stupido."

Sige kung gano'n may paraan naman...

Bago ang lahat, matanong ko lang, kinakausap ko ba ang sarili ko?

Sabi ko nga eh.

---

At nag simula na nga akong mag dial nang mag dial hanggang sa naka abot ang random number ko sa 6.

Mag dadial na sana ulit ako ng kasunod ngunit biglang tumunog ang cellphone ko at may nag mensage kung kaya't dali-dali ko naman iyong tinignan.

Napa kunot na lang ang noo ko nang mabasa kung sino ang nag text.

"TNT"

"Naubos na ang balance mo para i-check ang iba pang balance dial *123# for free kaya try na!"

"Ha?!" Sabi ko pa.

Hatdog.

Kinuha ko ang wallet ko para sana mag pa-load ulit ng pang tawag, ngunit napag isip-isip ko na...

Oo nga pala bakit kailangan kong mag ubos ng load para sa stupido'ng 'yon?

"Cute lang naman yung mata niya..."

"Matangkad at maputing chinito lang naman siya..."

"Hmp. Maganda lang naman ang buhok niya at mukhang mabango,"

"For sure pangit 'yon pag walang mask!"

"Tsk!!" Hinampas ko pa ang wallet ko sa aking ulo pagkayari.

Nag sasalita nanaman ako mag isa.

Imbis na mag aksaya ng oras ay napagpasyahan kong mag ayos na lang ng aking k'warto.

Kinabukasan ay excited akong pumasok at habang nag lalakad sa hallway ay may tumawag sa akin.

"Kaycie! Ky!" Pagkayaring marinig iyon ay agad ko namang hinanap ang direksyon ng tumatawag sa akin.

Pag harap ko ay bumungad sa akin ang bestfriend kong si Kive.

"Hoy Ky!" Tumawa pa siya. "Kamusta ka na tagal din natin hindi nag kita ah," Bungad na bati niya sa akin kasabay ng kan'yang priceless na mga ngiti.

Nag taas ako g kilay dahil sa sinabi niya. "Anong tagal ka riyan, eh nag kita tayo sa Villas noong nakaraang linggo lang." Sabi ko naman sa kan'ya.

"Last week pa 'yon e." Sabi niya naman at pagkayari ay ngumuso.

"Nga pala, Heto okay naman ako. Teka nga, ang akala ko ba ayaw mo ditong mag aral sa Moavill?" Sabi ko naman.

"E kasi ang akala ko, sa Crevo ka mag aaral, pero..." Sabi nya naman.

"Pero? Pero..." Lumapit pa ako nang kaunti sa kan'ya.

"Pero nalaman kong dito ka pala mag aaral. Kaya kahapon sabi ko kina Mom at Dad lilipat ako dito sa Moavill." Sabi niya pa.

Nineteen Fourty-Two Where stories live. Discover now