|6|

10 6 0
                                    

Chapter 6

Kapatid

---

"Klave?" Tawag ko sa pangalan niya.

"Yes?" Maikling tugon niya naman.

"So mag kapatid din kayo ni Kive?" Tanong ko.

Umiling siya. "Hindi. Pinsan ko Kive." Sagot niya naman.

Tama. Magka iba rin kasi sila ng apelido.

"Gano'n ba. Napansin ko parang close ng doctor si Khiro kanina? Close ng family niyo?" Tanong ko pa.

Nakita ko namang tumawa nang mahina si Klave at ngumiti.

"Actually, yes. Pero hindi lang basta close." Sabi niya naman.

"Ha?" Sabi ko naman.

Teka, bakit pala ako nag tatanong? Curious lang.

"Yung doctor kanina, Daddy
namin siya ni Khiro." Sabi niya naman.

Bahagya namang kumunot ang noo ko at nagulat dahil sa narinig ko.

"So mag kakakilala lang pala kayo?" Sabi ko naman.

"Yes." Maikling sagot niya naman.

Coincidence?

Tumango na lamang ako at hindi na nag tanong pa, baka isipin masyado akong interesado sa pamilya nila.

Nag paalam na muna ako kay Klave para bumili ng prutas para kay Kive.

Habang bumibili ay may isang lalake na gumilid nang bahagya malapit sa akin.

Napatingin naman ako sa kan'ya nang saglit at mula ulo hanggang paa. Mukhang paa.

Charot, syempre pogi. Itim na buhok, Mapulang labi at matangos na ilong. Samahan mo pa ng tangkad niya at pormahan.

Mukhang malinis, mukhang mabango. In fairness naamoy ko kasi yung perfume e, sobrang lapit naman kasi, enebe.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kan'ya ay lumingon naman siya sa'kin.

Umiwas naman ako ng tingin at tumingin sa tindahan na kunwari ay may hinahanap.

Narinig ko pa ang pag tawa niya nang mahina pagkayari noon.

"Bibili ka rin?" Tanong niya.

Aba syempre, aano ako rito makiki-tae? Mamamalimos?

"Ha? Ah, o-oo." Sagot ko naman.

Ano naman isasagot ko sa kan'ya, Medyo?

"Miss, heto na yung pinamili mo, 296 iyan lahat, Ganda." Sabi naman ng tindera.

Agad ko namang kinuha ang binili ko at nag bayad na.

Syempre nag bayad ako habang nanginginig.

Nahulog ko pa nga yung limang piso kaya nanginginig pa akong pinulot iyon.

Sayang, limang Mentos din 'yon.

Pagkayari kong mag bayad ay napatingin naman ako saglit sa lalake kanina dahil narinig ko ang pasimpleng pag tawa niya.

"Ma-mauna na ako," Sabi ko sabay turo pa sa daan.

Ba't ba ako nag papaalam sa'yo?

Nang sana ay patawid na ako sa kalsada ay sumigaw pa ito.

"Ingat Miss!" Sigaw niya pa ngunit narinig ko ang pag tawa sa gitna nang mga sinabi niya.

Napalingon ako sa kan'ya at saka ngumiti nang bahagya.

Nineteen Fourty-Two Where stories live. Discover now