|11|

10 6 0
                                    

Chapter 11

Ale

---

"Ky Ky...!" Sigaw ni Mama.

"Pooo!?" Sigaw ko naman pabalik.

Lumabas si Mama mula sa kusina at tumungo sa akin sa salas.

"Bumili ka ng sibuyas doon sa labas." Utos niya.

"Ayoko pong lumabas, 'Ma, si Kaye na lang. 'Tsaka 'di ba namalengke kayo kahapon nila Kuya? Naubos na agad?"

"Nakalimutan kong bumili. Kaya bumili ka na dahil wala kang no choice." Napa kunot ang noo ko dahil sa huling sinabi ni Mama.

Walang no choice? Natawa na lang din siya.

"May malapit na tindahan diyan sa labas 'di ba? Sige na, bumili ka at bilisan mo lang,"

Mag iinarte pa sana ako ngunit inambahan ako ni Mama na papaluin ng sandok.

Wala na lang akong nagawa kun'di mapakamot sa ulo at mapatayo sa upuan.

Paglabas ko ng bahay ay wala naman akong natanaw na tindahan. I sighed.

Kalilipat lang namin ng bahay kahapon. Ganito ba talaga kahirap kapag bagong lipat?

Sa laki ng mga bahay dito mahihirapan talaga akong mag hanap nito.

Pumasok ulit ako sa loob ng bahay at hinanap ko si Kuya.

"Kuya pahiram naman ng motor, bibili lang ako." Sabi ko.

"Marunong ka ba niyan?" Tanong niya naman.

"Oo naman." Tinawanan ko pa siya dahil ayaw niyang maniwala.

Ibinigay niya naman sa akin ang susi kung kaya't agad akong dumeretso sa motor niya.

Maya-maya pa habang nag da-drive ay may natanaw akong isang sari-sari store sa hindi kalayuan.

Agad naman akong nag tungo roon upang bumili.

Hinubad ko ang helmet na suot ko at inilapag sa upuan ng motor upang maka bili ng maayos sa tindahan.

"Pabili po..." hindi pa nakakalapit nang mabuti ay isinigaw ko na upang marinig agad ng tindera.

Maya-maya pang kaunti ay may lumabas na tindera at tinanong kung ano ang bibilhin ko.

"20 Pesos na sibuyas at isang Royal po." Sabi ko nang mamataan ang taong pumasok sa tindahan.

Habang kinukuha ng tindera ang binibili ko ay inilibot ko naman ang paningin ko.

Well, maganda naman at tahimik dito sa bagong village na nilipatan namin.

Isa pa, dati naman kaming taga-rito noong bata pa ako. Iyon nga lang malaki talaga ang pinag bago ng lugar na ito.

Napahinto ang tingin ko sa isang binatang nakita kong palabas ng gate ng bahay sa tindahan na binibilihan ko.

Natignan ko na lang siya dahil akay-akay niya ang isang mountain bike.

"Ijah, heto na yung pinamili mo." Sabi ng tindera.

Ini-abot ko naman ang bayad ko pagkayari.

"Ay ijah, wala ka bang one hundred? Wala akong maisusukli sa one thousand mo eh." Nang hindi ako naka sagot at nag salita ulit siya. "Kung okay lang sayo ibigay mo na lang yung bayad mamaya dahil wala talaga akong panukli, ijah..." ngumiti pa siya nang tipid.

"Ah, ano po kasi eh... malayo po yung bahay namin dito kaya mukhang matatagalan ako sa pag balik," Sagot ko naman.

"Ay nako, ano ka ba Ijah, okay lang, o'sya mag hihintay na lang ako, babalik ka naman, 'di ba?" Paninigurado niya.

"Opo," sagot ko at tumango tango pa.

Mukha ba akong scammer?

"Ma!" Sigaw ng lalaking may bike kanina.

Napatingin din ako sa kan'ya at nakitang palapit siya sa harap ng sari-sari store na pinag bibilhan ko.

"Sasama na lang ako rito sa Ale para kuhanin yung bayad. Tutal wala naman akong ginagawa."

Ale?

Ale!?

Pagkayari noon ay tumingin naman ako ng seryoso sa kan'ya.

"Ale?" Pag uulit ko.

I sighed and nodded while raising my eyebrow.

Dumeretso na ako sa motor at saka inistart iyon.

Binagalan ko naman ang pagpapatakbo para maka sabay siya.

Nang makarating sa bahay ay pinag hintay ko na lang siya sa labas.

"Ma, wala raw silang panukli," Sabi ko sabay abot ng one thousand kay Mama.

"Paano ba naman kasi Ate, sibuyas lang yung bibilhin mo e' isang libo iyang dinala mo." Singit ni Kaye.

Inirapan ko naman si Kaye pagkayari.

Kasalanan ko bang iyon yung ini-abot sa akin ni Mama na pambayad?

"Oh paano na 'yan babalik ka roon para mag bayad?" Tanong ni Mama.

"Hindi na po. Nandiyan yung anak ng tindera sa labas nag hihintay sa bayad." Sagot ko naman sa kan'ya.

Lumabas naman si Mama para ibigay ang bayad at ako naman ay naupo na sa sofa pagkayari.

Maya-maya rin ay bumalik si Mama.

"Oh Kaycie mag handa ka ng meryenda." Utos niya sa akin.

"Ako?" Tanong ko pa.

"Oo ikaw." Sagot agad ni Mama.

Tumungo na lang ako sa kusina pagkayari para mag handa ng meryenda.

Paglabas ko ng kusina ay bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa nakita ko.

"Kilala mo siya, 'Ma?" Tanong ko.

"Oo naman. Siya yung sinasabi kong anak ng kaibigan ko rito noon." Sagot ni Mama. I nodded at her but my curiosity keep on hunting me.

"Kilala mo si Mama?" Tanong ko pa sa lalaking iyon.

"Yes? Anak ka pala ni, Tita." Tumawa pa siya pagkayari. I nodded as a response.

Of course. Ano nila ako rito, kapit-bahay? Katulong?

Inilapag ko na ang meryenda sa lamesa at ngumiti nang bahagya pagkayari.

"Si Kaycie pala, tapos yung isa naman doon ay si Khayeena, may isa pa akong anak, si Klevince, kaya lang nasa kwarto siya, baka nag papahinga." Sabi naman ni Mama.

"Hi... I'm Lucas Anderson." Pagpapakilala niya.

"Anderson?" Ulit ko naman sa apilido niya.

"Yes. French si Papa, si Mama naman pure Filipina." Sagot niya at tumango ako.

"May I ask?" Tanong ko.

"Sure," sagot niya agad.

"Ilang taon ka na?"

"I'm 18 and turning 19 next year," Sagot niya agad at saka ngumiti.

"Mag kasing edad lang naman pala tayo pero kung maka Ale kanina akala mo dekada ang layo ng edad ko sa'yo." Sabi ko naman.

"Sorry about that," Natawa pa siya. "By the way, ang astig mo kanina sa motor..." Sabi niya pa.

"Thanks, and of course," nag flip hair pa ako.

Simula noon ay naging close na rin namin si Lucas at si Tita Reina rito.

Paano ba naman kasing hindi e' halos araw-araw nandito si Tita Reina at kung minsan pa ay kasama si Lucas.

Nineteen Fourty-Two Where stories live. Discover now