|4|

11 6 0
                                    

Chapter 4

Bata

---

Tuluyan na silang naka layo habang ako ay naiwan sa gilid ng gate ng school.

It was like my soul scape my body and my pride wanted me to buried myself from where I was standing. Nakaka hiya!

Maya maya lang ay dumating na rin si Kive at hinatid niya na ako pauwi.

Hanggang pag uwi ay hindi mawala sa utak ko ang isang nakakahiyang senaryo na nangyari kanina.

Hindi ako makatulog dahil sa hiya ko.

Kahiya ka.

Hanggang sa tuluyan na nga akong maka-tulog dahil sa antok.

~

Nagising na lang ako na sobrang dilim ng paligid 'ko.

Tumayo ako kahit na bahagya akong nahihilo.

Pag tayo ko ay may bumungad sa harapan kong dalawang lalaki. I can't seem to see their faces but they're surely around my age, I just knew it.

Malayo sila nang bahagya sa akin dahilan para hindi ko makita ang mga mukha nila.

Napansin kong ilang minuto na silang naka tayo at wala namang ibang ginagawa.

"S-sino kayo?" Tanong ko.

Nagulat na lang ako nang ilahad nila parehas ang kamay nila sa akin pagkayri.

---

Tunog na lang ng alarm ko ang gumising sa akin mula sa mahimbing na pagkaka-tulog ko.

Napa bangon naman agad ako at napa-upo sa kama.

Pumikit ako nang saglit at naramdaman kong biglang nandilim ang paningin ko at sumakit ang ulo ko.

Humiga ulit ako dahil hindi ko kinaya ang dilim na nakikita ng mga mata ko.

Siguro kulang lang ako sa tulog o baka nabigla lang ako sa pag gising? May gano'n ba? Dapat ba dahan dahanin ang pag gising o pag mulat ng mga mata?

Maya-maya pa ay nawala rin ang sakit ng ulo ko kung kaya't bumangon na ako.

Nakatulog na pala ako kagabi kaiisip.

Natigilan naman ako nang may biglang mag sink in sa utak ko.

Bakit buong panaginip ko naka tayo lang kami pare-prehas?

Nakaka ngawit 'yon.

Pinilit kong alalahanin ang ibang senaryo sa panaginip ko ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang sumasakit ang ulo ko.

Dahilan kaya itinigil ko na ang pag-iisip tungkol sa napaginipan ko kagabi.

Baka nasobrahan ako sa pag iisip kahapon kaya siguro ngayon hindi ako makapag isip ng tama.

Tsss.

-

Kasalukuyan akong naka sakay ngayon sa Mini-bus pa-uwi.

Sabado ngayon at inutusan ako ni Mama para bumili sa palengke ng mga rekado sa lulutuin niya para sa tanghalian.

Huminto saglit ang Bus sa gilid dahil may sasakay na mga pasahero.

Pinag-masdan ko lang ang mga taong sumasakay.

Kinuha ko ang earphone ko at nakinig na lang ng musika habang naka sakay sa Bus.

Saglit akong pumikit dahil naka ramdam ako ng antok.

Maya maya pa ay muling huminto ang Bus para maka baba ang ibang mga pasahero nito.

Nineteen Fourty-Two Where stories live. Discover now