|9|

10 6 0
                                    

Chapter 9

Hatid

---

Bago ako makapasok sa loob ng room ay bumungad sa akin ang isa pang peste sa harapan ng pinto.

Peste all the time yiee. Hell everyday!

"Uy Kaycie." Sabi nito habang naka sandal sa gilid ng pinto at pagkayari ay itinaas pa ang kanang kamay niya nang bumati.

Ngumiti lang ako sa kan'ya at pagkayari ay dumeretso na sa loob ng room.

"Ky! Ky!" Sigaw pa nito.

Ky ky? Nasabi ko ba yung nickname ko?

"Not now Klyden. Please lang, lubayan mo muna ako." Sabi ko naman at pagkayari ay itinaas ang kanang kamay.

Nagulat na lang ako nang pumasok ito sa loob ng room.

"Kly! Umaano ka rito!?" Sabi ko ng pabulong sa kanya.

Tumingin naman ako sa paligid at nakitang nakatingin sa akin ang ibang mga  kaklase ko.

"For here," Sabi niya at pagkayari ay pinakita ang Zesto flavored Pineapple na hawak niya.

"Hindi akin 'yan at wala rin naman akong pinabili sa'yong gan'yan." Sabi ko naman.

"Alam ko." Sagot niya naman.

"Eh para saan 'yan?" Tanong ko at pagkayari ay itinuro ang Zesto.

"Hmm, for sorry about last week? Kaya take this." Pagkayari ay inilagay ang Zesto sa kamay ko.

"Pero-" May sasabihin pa sana ako nANg bigla nitong inilabas ang Siomai na nasa 20 pesos ang halaga.

"Siomai, pang pa haba ng pasensya, pero maaga kang mamatay pag napa sobra." Sabi niya pa at pagkayari ay ngumiti sa akin.

Bakit ang cute.

Wala na akong nagawa dahil inilapag niya na sa table ko iyon at pagkayari ay  umalis na.

Pero noong nasa pinto pa lang siya ay bigla itong bumalik.

"Ano, nanaman!?" Tanong ko naman.

"Trenta 'yan. Eat well, " Sabi niya pa.

Hahampasin ko na sana ito nang nabigla ako sa ginawa niya.

Hinawakan niya ang aking ulo at saka maragan na ginulo ang aking buhok.

Buti na lang at tumunog na ang bell kaya tumayo na rin ito at umalis.

Stupido, sinong may sabing pwede mong hawakan yung buhok ko, ha?

Napangiti na lang ako nang makita ko ang Zesto at Siomai sa table ko.

Thank you Kly. Minsan naman pala mabait ka. Sana ay humaba ang buhay mo.

Maya-maya lang ay may dumating nanaman sa room.

"Klave?" Sabi ko nang makita ko siyang nag mamadali papasok sa room.

Inilapag niya naman ang isang Chuckie Chocolate Drink sa ibabaw ng table ko na may kasamang Fries.

"Para saan 'to?" Sabi ko naman.

Napansin ko namang hingal na hingal ito. Siguro nag mamadali talaga siya, time na rin kasi.

"Thank you," Sabi niya at pagkayari ay ginulo rin ang buhok ko.

Thank you? Para saan?

Teka, sino bang may sabing hawakan at guluhin niyo ang buhok ko, ha?

Umalis na ito pagkayari at nang tanawin ko ito ay tumatakbo ito sa hallway malamang ay pabalik sa kan'yang silid aralan.

Ako naman ay naka tulalang tinititigan ang pagkain na nasa desk ko. Paano ko 'to lalamunin lahat, ha?

"Uy Bes, pahingi naman, hindi mo naikwento sa akin na may mga gwapings ka palang manliligaw," Sabi ni Aizelle.

Kaibigan kong buraot na may kaunting halong pagka-chismosa. Gandang lahi naman pala no'n, Be.

Wait. Hindi ko naman manliligaw yung mga 'yon eh.

Ikaw Aizel tamang chismis ka lang din talaga eh, 'no.

Mabilis na dumaan ang mga oras at uwian na agad. Wala si Kive ngayon kaya ako lang mag isa ngayon.

Pag labas ko sa gate ay may sumalubong naman sa akin.

"Ky Ky," Sabi ng isa.

"Kaycie," Sabi naman ng isa pa.

Napatingin naman ako sa kanilang dalawa.

Ang weird niyo.

Kabute lang ang peg lumilitaw kung saan saan.

"Hm? Ano 'yon?" Tanong ko sa kanila.

'Wag niyong sabihing pababayaran niyo yung binigay niyo sa akin kanina.

Nakita ko namang nag tinginan lang silang dalawa pagkayari.

"Hatid na kita," Sabi ni Kly.

"Ihahatid mo rin siya?" Tanong naman ni Klave kay Kly.

"Oo?" Sagot naman ni Kly.

"Ihahatid ko rin siya." Sabi naman ni Klave.

"Akala ko ba may sasabihin ka lang?" Tanong ni Klave kay Kly.

"Oo nga, sasabihin ko na ihahatid ko siya, e' ikaw? Akala ko ba may ibibigay ka lang sa kanya?" Tanong naman ni Kly.

"Meron nga, eto oh." Sabi ni Kly at pagkayari ay pinakita ang Piatos kay Klave.

"Oh ibigay mo na." Sabi lang ni Klave.

Ini-abot naman ni Kly ang Piatos sa akin at kinuha ko naman iyon

"Ayan na naibigay ko na." Sabi ni Kly sabay turo sa Piatos na nasa kamay ko.

"So pwede ko na ba siyang ihatid?" Sunod niya pa.

"Sabi mo ibibigay mo lang hindi mo sinabing ihahatid mo siya." Sagot ni Klave.

"Naibigay ko na diba?" Sabi pa ni Kly.

Pa lipat lipat ang tingin ko sa kanila habang nag papalitan sila ng nga tanong at sagot.

Sige mag tanungan na lang kayo, punyeta kayo eh.

"Teka teka teka. Ano bang problema niyo, ha!?" Sabi ko naman.

Nag tinginan silang dalawa pagkayari.

Maya-maya lang ay may bumisina sa kalsada dahilan para matuon namin ang pansin namin doon.

Naka itim na MV Agusta F4CC itong motor at naka helmet din na itim.

Wait parang kilala ko 'tong motor na 'to?

Maya maya pa ay tinanggal nito ang helmet niyang suot at tumingin sa amin.

"Kuya!" Sabi ko at pagkayari ay tumungo sa kan'ya at niyakap siya.

"Kuya kailan ka pa naka-uwi?" Tanong ko pa.

"Kanina lang, Surprise!" Tumawa pa siya pagkayari.

"Bakit hindi mo sinabi?" Tanong ko pa.

"May surprise bang sinasabi, Ky?" Ngumuso ako at tumango tango na lang dahil napag tanto ang sinabi niya. Natawa naman siya sa akin.

Napatawa na lang ako nang kaunti pagkayari.

Lutang ka talaga self.

Tumingin ako sa paligid at nakita kong naka tingin ang maraming babae kay Kuya.

"Tara na umuwi na tayo. Bago pa kita isumbong kay Mama." Sabi niya lang.

"Oh, pano ba 'yan Klave at Kly? Uwi na 'ko, nandito na pala yung sundo ko. Thank you na lang sa offer niyo!" Masaya pa ako habang sinasabi iyon.

Bago ako sumakay sa motor ni Kuya ay hinampas ko pa silang dalawa sa braso nila at tumawa nang mahina pagkayari.

Pag sakay ko sa motor ay nakita ko pa si Cassilyn. Tinaasan ko naman siya ng kilay at pagkayari ay ngumiti sa kanya at nag flip hair pa.

Nineteen Fourty-Two Where stories live. Discover now