|13|

10 6 0
                                    

Chapter 13

Consent

---

"Kaycie pupunta pala sila Klave at Kly dito kasama si Khiro," Sabi ni Kive.

"Ahhh Sige." Sagot ko naman sa kanya.

Napahinto naman ako nang matauhan at pumasok sa utak ko ang sinabi ni Kive.

"W-wait? What? Sila Kly at Klave!?" Sabi ko pa.

"Yup, with Khiro, may sasabihin daw sila sa'yo," Sabi niya naman.

"Ano daw?" Tanong ko naman at pagkayari ay lumapit pa ng kaunti sa kanya.

Nakita ko namang natahimik ito kaya inulit ko ang tanong ko.

"Ano daw yung sasabihin nila?" Tanong ko pa ulit.

"A-ah. I..." Sabi niya naman at pagkayari ay pumikit pikit at umiwas ng tingin sa akin.

"I don't know." Sabi niya naman pagkayari.

Maya maya pa ng kaunti ay sunod-sunod na pag katok ang narinig namin.

"Saglit lang!" Sigaw ko naman.

Ang ingay kasi katok ng katok amputa. Nag mamadali kayo, ha?

"Ano ba 'yon pu-" Putol na sabi ko naman ng makita si Mama.

Buti na lang hindi ko natuloy yung mura ko hehe.

"Ano 'yon? Pu?" Tanong ni Mama.

"Ahhh. Pu... Pu. Pusang gala 'Ma! May pusang gala kanina Ma, oo haha." Palusot ko naman. Nakita ko ang hindi makuntentong mukha ni Mama dahil sa sagot ko.

"Kaynino ba kasing pusa 'yon..." Wika ko pa.

"Ming..." kunwaring tawag ko sa pusa kahit wala naman talaga.

"Pusa lang pala akala ko kung ano na. May nag hahanap sa'yo doon sa labas." Sabi naman ni Mama.

"Sino daw 'Ma?" Tanong ko naman.

"Ang sabi lang niya kaibigan mo daw siya," Sagot naman ni Mama.

Siguro si Cassilyn nanaman 'to, naamoy nanaman siguro si Kive na nandito.

Agad naman akong lumabas para tignan kung sino iyon.

Pagbukas ko naman ng maliit na pinto ng gate ay wala naman akong nakitang tao doon.

"Ma! Wala namang tao eh!" Sigaw ko naman.

"BoOoh," Pang gugulat naman ng peste sa akin.

Aba't nag tago pa talaga sa halaman ni Mama itong pesteng 'to.

Tinignan ko naman siya ng seryoso pagkayari kong magulat.

"Hello Ky? Are you still there?" Sabi niya naman kahit nakikita ako ng maderpader.

"Malamang, hindi mo ba ako nakikita, hello? Dzuh. Teka nga, umaano ka naman diyan sa gilid ng halaman?" Sabi ko naman.

"Edi nag hihintay duh. Sabi ni Tita Mama dito raw ako mag hintay e." Sabi niya naman.

Tita Mama? Sumobra na yata ang kapal ng mukha mo.

"Duh. Bakla." Pang aasar ko naman.

"Bakla? Ilan ba gusto mong anak, ha? Tatlo? Lima? Pito? Baka--" Putol na sabi naman nito.

Ibinaba ko ang isang daliri niyang naka taas.

Paano kasi, yung pito naging walo sa bilang niya sa daliri niya.

"Ayan, pito 'yan Kly. Matuto kang mag bilang grade 12 ka na." Sabi ko naman pagkayari.

Napatigil naman ako ng may mapansin sa kamay niya.

Nineteen Fourty-Two Where stories live. Discover now