|3|

10 6 0
                                    

Chapter 3

Thank you

---

"Kive, siguro nahulog ko yung k'wintas ko habang naka pila ako kanina sa canteen," Sabi ko.

"Siguro nga, paano naman kasi nakipag away ka pa yata kanina." Sabi niya naman sa akin.

"Kasi naman yung lalaking 'yon kanina eh." Depensa ko.

Nag pasya si Kive na sa loob ng canteen mag hanap at ako naman sa labas para mas mabilis naming mahanap ang k'wintas ko.

Habang nag hahanap ay may biglang umabalang boses mula sa likuran ko.

"Miss?" Ulit ulit na tawag nito kung kaya't nairita ako dahil abala ako sa pag hahanap.

Humarap naman ako upang matiyak na ako nga ang tinatawag niya.

Of course, me. Only me. My self. Ako lang naman naroon.

Alangan yung semento yung tinatawag niya, diba?

"Bakit?" Tanong ko.

"Ah, kasi napansin kong parang may hinahanap ka." Sabi niya naman.

"Ahh oo. Nawawala kasi yung kwintas ko, nag babaka-sakali akong nandito." Sagot ko naman.

Pagkayari noon ay lumingon lingon ulit ako at nag hanap.

"Ahhh Miss?" Tawag niya ulit.

"Ano...!?" Sagot ko at pagkayari ay kumamot pa sa batok at humarap sa kan'ya.

Nakita ko namang nagulat siya sa pag taas ng boses ko.

"Ay este, ano ba 'yon... May kailangan ka ba?..." Mahinahon ko namang tanong sa kanya.

Should I call him Kuya or what? He doesn't look that old though.

"Kung pera wala akong maitutulong pasensya ka na, God bless..." Bulong ko naman.

Napansin ko naman ang pag pigil niya ng kan'yang tawa. Siguro narinig niya.

Stupid self, sabing hinaan mo lang.

"Kasi may napulot akong k'wintas kanina. Baka ito yung hinahanap mo?" Sabi niya at pagkayari ay ipinakita ang k'wintas.

"Woah! Ikaw naman. Bakit hindi mo agad sinabi na na sa'yo naman pala yung hinahanap ko." Sabi ko naman at pagkayari ay dinampot ang kwintas sa kamay niya.

Napa kamot naman siya sa batok. Even though he has face mask on, his smile behind it was very evident because his eyes prove it to me. Why does his eyes looks...

Napansin ko namang naka lahad pa rin ang kamay niya at naka tingin siya sa palad niya.

"Ahhh, may kapalit ba?" Tanong ko.

Lumingon naman siya sa akin kaya ngumiti ako sa kan'ya at bahagyang itinaas ang dalawang kilay ko at pumikit-pikit pa.

Pa cute ka, bitch.

Nakita ko naman ang pag pigil niya ng tawa kaya bigla namang naging seryoso ang mukha ko at pagkayari ay umubo pa nang kunwari.

"Kailangan mo ba ng bayad? I mean, kasi yung kamay mo..." Sabi ko naman at pagkayari ay itinuro ang kamay niya.

"Hindi Miss. I just want to ask, if by any chance, you saw a necklace, may hinahanap din kasi akong k'wintas." Sabi niya.

"Hm? Anong klaseng k'wintas ba?" Tanong ko naman.

"Yung katulad ng sa'yo Miss. Katulad na katulad ng sa iyo." Sabi niya naman sa akin.

Bahagyang napa kunot naman ang noo ko dahil sa kan'ya pala kwintas ang napulot ko kanina.

Nineteen Fourty-Two Where stories live. Discover now