|7|

8 6 0
                                    

Chapter 7

Lollipop

---

"Khiro, I want to ask you something." Sabi ni Klave.

Bumaba naman si Khiro sa kama ni Kive at lumapit kay Klave.

"Po?" Tanong ni Khiro kay Klave.

Kinandong naman ni Klave si Khiro at pagkayari ay inayos niya pa ang buhok nito.

"Bakit ka umalis sa bahay? 'Diba ang bilin namin doon ka lang dahil maraming masasamang tao sa labas?" Tanong niya kay Khiro.

Yumuko naman si Khiro pero hindi niya sinagot si Klave.

Umupo naman ako sa lapag at itinaas ko nang kaunti ang ulo ni Khiro.

"Khiro, nag aalala sa'yo sina Kuya Klave, Kuya Kive at Kuya Klyden, 'wag mo nang uulitin 'yon, ha?" Sabi ko naman sa kan'ya.

Kahit ako ay nag alala rin.

"Opo," Sagot niya naman at pagkayari  ay tipid na ngumiti sa akin.

Yumuko naman ito pagkayari.

"Khiro? Look, hindi galit si Kuya Klave, nag aalala lang siya sa'yo. Paano na lang kung wala kami? Baka kung anong gawin ng bad guy na 'yon sa'yo..." Sabi ko naman sa kanya.

"Sorry po Kuya... Ate...," tumingin rin siya sa'kin. "Mag hahanap lang po sana ako ng kalaro kasi wala akong kasama sa bahay kung 'di si Yaya lang. wala akong kalaro 'tsaka ka usap. Sila kuya busy sa school tapos si Daddy busy sa hospital tapos si Mommy naman nasa ibang bansa. Kaya naisipan kong mag hanap ng kalaro sa labas..." Sabi niya naman.

Tumingin naman ako kay Klave pagkayari.

Kinuha ko si Khiro at binuhat.

"Kiro, I'm here," Sabi ko naman sa kan'ya at pagkayari ay ngumiti ng kaunti.

"For now..." Sagot niya agad.

Tumingin naman ako kay Klave pagkayari.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Khiro at saka ginulo ang buhok nito.

"Kiro, Ate Kaycie will always be here for you. Tawagan mo lang ako, tapos pupuntahan kita para may kalaro ka at kakwentuhan," Sabi ko naman at pagkayari ay ngumiti.

Lumiwanag ang mukha niya nang marinig iyon. "Thank you po Ate Kaycie," Sabi niya at pagkayari ay ngumiti rin.

-

Noong mapansing gabi na ay napagpasyahan ko nang umuwi dahil baka hinahanap na rin ako.

Malamang hinahanap ka na talaga stupidist.

Nag paalam na rin ako kina Khiro, Klave, Klyden at Kive.

Sabi rin ng doctor hindi mag tatagal ay makaka labas na rin si Kive.

-

"MAMA! Si Ate Ky nandito na!" Sigaw ng impaktitang kapatid ko nang makita ako.

Nakita ko naman si Mama na lumabas sa kusina at nag mamadaling tumungo papunta sa akin.

Iiwas sana ako sa gagawin nito pero napa-kunot nang bahagya ang noo ko dahil iba pala ang inaasahan kong salubong niya.

Niyakap niya ako at hinimas pa ang likod ko.

Maya maya rin pagkayari nang ilang segundo ay humiwalay din agad siya sa pagkaka-yakap sa'kin at hinampas ako sa braso.

"Naka ilang miss call ako sa'yo! Saan ka galing bata ka, ha!?" Sermon ni Mama.

"Eh kasi 'Ma... Ano eh... Ano..." nangangapa pa ako ng salita para makapag paliwanag nang maayos.

Teka hindi ako nakapag prepare...

"Ano? Ano? Puro ka ano! Anong oras na ba't ngayon ka lang!?" Tanong pa ni Mama.

Pagkayari ay hinampas niya pa ulit ako sa braso.

"Aray! naman e, Mama... mag papaliwanag po ako." Sabi ko naman.

"Oh ano mag paliwanag ka, yung maayos para hindi kita sabunutang bata ka!" Halos mapa takip ako sa tainga ko dahil sa mga sigaw niya.

Inilabas ko naman ang toyo at mga rekadong pinabili niya sa akin kanina.

"Eto yung toyo mo, 'tsaka yung mga rekado mo 'Ma..." Sabi ko habang nanginginig pa na ini-aabot kay Mama ang mga pinabili niya sa akin kanina sa palengke.

Pa dabog niya iyong kinuha mula sa kamay ko. "Mabuti at hindi nabulok 'yang pinamili mong bata ka! Bakit ngayon ka lang!? Buti naisipan mo pang umuwi!?" Sabi niya naman.

Pinigilan ko naman ang pag tawa ko pagkayaring marinig ang mga sinasabi ni mama na halos mabulol-bulol pa siya.

"Aba't tumatawa ka pa talagang bata ka? May nakaka tawa ba sa sinabi ko?" Tanong niya naman.

"Wala po, 'Ma..." Sagot ko naman habang nag pipigil ng aking tawa.

Lumakad naman ako papuntang kwarto pagkayari.

"Hoy Ky Ky hindi pa 'ko tapos! babatuhin kita ng sandok diyan!" Sigaw niya naman.

"Mag papaliwanag ako mamaya 'Ma... Love you...!" Sigaw ko naman pabalik.

Maya-maya rin ay lumabas na ako ng k'warto at ikinwento kay Mama ang dahilan kung bakit hindi agad ako naka-uwi.

Naintindihan niya naman ang dahilan ko at kinamusta niya pa si Kive.

Kilala ni Mama si Kive, dati kasi noong hinatid niya ako sa school ay nakita namin si Kive na umiiyak sa gilid ng gate habang may hawak na dalawang lollipop.

Cute.

Kinausap siya ni Mama at sinabay namin siya sa pag pasok. Simula noon parang naging anak niya na rin si Kive, simula rin noon naging close na kami ni Kive.

Bata pa lang kasi si Kive nasa ibang bansa na yung parents niya kaya wala siyang kasama lagi kun'di ang maids lang nila sa bahay. Well, yes, naririnig ko ang parents niya sa kan'ya noon, pero hindi ko pa talaga iyong personal na nakikita, sa family picture lang nila.

-

"Hoy Kaye hinaan mo nga 'yang tv! Napaka lakas, bingi ka ba!?" Sabi ko.

Napaka ingay kasi manood.

Maingay na nga yung tv mas maingay pa siya.

Napaka laking Baka.

Bata, I mean.

Lalo pa nitong nilakasan ang tv at tumawa nang malakas.

Binigyan ko naman siya n0lg isang malakas na sipa kaya nahulog siya sa kama.

"Tae naman eh! Minsan lang ako manood!" Sabi pa nito.

"Tae, ha, Tae?! Napaka ingay mo nag babasa ako!" Sabi ko naman.

"Ate pala." Nag peace sign pa siya at tumawa nang bahagya. "Pwede mo namang palampasin 'yan pero itong pinapanood ko hindi." Sabi niya pa.

"Gaga ka ba? Umiiyak na 'ko dito sa binabasa ko tapos ikaw tumatawa ka riyan? Parang tanga lang." Sabi ko naman.

"I. DON'T. CARE." Sabi pa nito at pagkayari ay dumila.

Tumayo naman ako sa pagkaka higa at hinampas ang noo niya pagkayari.

Stupid, wanna try it again? Sakalin na kita sa susunod.

"Aray! Mama...! Si Ate!" Sigaw niya naman.

Ininis ko na lang siya pagkayari.

Papatalo ba 'ko sa'yo? Stupida, umiiyak na ako rito tapos ikaw tumatawa riyan ng napaka bongga, ihagis kaya kita sa bintana.

Nineteen Fourty-Two Where stories live. Discover now