|1|

17 7 0
                                    

Chapter 1

Number

---

Sisimulan ko ang pag kukwento sa aming storya noong hindi pa kami magkakasama at magkakakilala.

December 06 2020.

Kung saan hindi pa kumpleto ang mga bida sa storya.

---

"Ay piste ya-" Putol na sabi ko.

"Yawa..." Pag papatuloy ko naman.

Muli kong pinulot ang cellphone ko na nabitawan ko dahil sa pagkagulat kanina.

"Bwiset ka talaga Kaye! Piste ka talagang bata ka!" Sabi ko pa nang pabulong.

---

12:30 A.M.

pagkayari kong mapanood ang sinend sa'kin ni Kaye na video, kung saan biglang gumapang si Sadaku papunta sa harap ng camera ay nag pasya na akong matulog.

Gabi na rin at baka mapagalitan ako.

Isa pa baka mamaya biglang lumitaw si Sadaku sa k'warto ko.

Eme...

Maya-maya lang ay naramdaman kong bumigat na ang talukap ng mga mata ko at tuluyan na nga akong naka tulog.

~~~

"Ate? Ate?" Pa ulit ulit na tawag sa akin ng isang bata.

Humarap naman ako at tinignan siya.

"Ate doon po tayo? Doon oh!!" Sabi niya sa akin habang hinihila ang dulo ng damit ko.

Agad naman kaming nag tungo sa parke at doon ay na-upo sa may gilid.

Binilihan ko ng lobo ang batang iyon sa isang lalaking tindero na natanaw ko sa hindi kalayuan.

Sobrang dami rin ng bumibili ng lobo kung kaya hirap ako sa pakikipag siksikan upang makabili ng para sa kan'ya.

Noong makabili ng lobo ay nakangiti akong pabalik sa kinaroroonan ng batang pag bibigyan ko nito.

Dala ko ang lobo na may desenyong Pikachu sa palabas na Pokémon.

Ngunit pag balik ko ay wala na ang batang mag mamay-ari sana ng lobong binili ko.

Agad ko namang hinanap ang batang iyon sa parke.

Hanggang sa pag hahanap ay hawak ko pa rin ang lobo na binili ko at hindi binibitawan.

Naikot ko na ang buong parke ngunit hindi ko nakita kahit anino ng batang kasama ko kanina lang.

Sa pag hahanap ay napadpad ako sa gilid ng parke kung saan ay maraming tao ang naroon.

Nahihiya man ay nag pasya akong humingi ng tulong sa kanila sa pag hahanap.

Malungkot naman akong tumalikod sa kanila dahil kahit isa sa kanila ay hindi ako pinansin.

"Saglit lang, Binibini!" Sigaw ng isang hindi pamilyar na boses mula sa aking likuran.

Pagkayari ay naramdaman kong may humawak sa aking kaliwang braso.

Natigilan naman ako sa aking pag lalakad at humarap sa aking likuran.

"Tutulungan kita," Sabi ng isang lalake sa akin.

Nagulat naman ako at natitigan na lamang siya.

Nineteen Fourty-Two Where stories live. Discover now