|5|

13 6 0
                                    

Chapter 5

Best-Friend

---

Pa-silim na ngunit tinutulungan pa rin ako ni Klave na mag hanap sa batang nawawala.

Hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang lobong gusto ng batang iyon.

Habang nag lalakad at nag hahanap ay may pilit na pumapasok sa isip kong mga pangyayari ngunit hindi iyon buo at hindi rin malinaw.

Pilit ko ring inaaala na parang nangyari na ang ganitong eksena. Pero hindi ko maalala kung kailan, hindi ko rin tukoy kung nangyari na nga ba talaga o iniisip ko lamang iyon.

Maya-maya pa pagkayari nang mahabang paglalakad ay nakarating kami sa isang lumang bahay.

May nakita kaming lalaki na mga nasa edad kuwarenta na ang papasok na sana bahay.

Lumapit naman si Klave at nag tanong.

Ngunit hindi raw siya sinagot ng lalaki at iniwasan lang daw siya nito.

Pa alis na sana kami ni Klave nang biglang sumigaw ang lalaking iyon mula sa aming likuran kaya napalingon kaagad si Klave.

Natigilan naman ako habang naka-talikod pa rin.

"Hindi pwede..." nanginginig na ako at nanlalamig ang mga kamay ko habang unti-unting naaalala ang bawat detalye sa aking panaginip, ilang araw lang ang nakalipas. Panaginip lang 'yon. Hindi 'yon mangyayari.

Lalakad na sana si Klave palapit sa lalaki nang hawakan ko ang braso nito.

"Wag Klave." Mahina lang iyon.

Humarap ako sa kan'ya at nakita ang sunod sunod na pag tulo ng mga luha mula sa kan'yang mga mata.

Nakita kong nahihirapan si Khiro sa pagkakahawak ng lalaking iyon sa kan'ya.

Napansin ko ring hawak pa rin ni Khiro ang ibinigay ko sa kan'yang Cream-o biscuit.

"Klave?" Tawag ko sa pangalan niya.

"Khiro..." Sabi niya naman.

"Kilala mo siya Klave?" Tanong ko naman sa kan'ya.

"Oo... He's my younger brother..." Sabi niya naman at pagkayari ay nag punas ng luha.

Lalo naman akong nang hina pagkayaring marinig ang sinabi ni Klave. Napa atras ako nang bahagya at sumulyap kay Khiro.

Kaya pala sa panaginip ko ay pilit niyang inililigtas ito.

"Klave, ako na ang pupunta at kukuha kay Khiro. Mabilis lang 'to. Diyan ka na lang Klave." Sabi ko sa kan'ya.

Ngunit bago pa ako maka hakbang ay hinawakan ako nito sa braso at pinigilan katulad nang nangyari sa panaginip ko.

Tinignan ko naman siya nang deretso at bigla na lang kumawala ang mga luha mula sa mga mata ko dahil naalala ko ang eksena sa panaginip ko.

"Klave..." Sabi ko pa.

"Okay lang Kaycie... Kapatid ko si Khiro, I'll do everything for my young brother's sake..." Sabi niya naman at pagkayari ay ngumiti ng tipid sa akin.

Dahan-dahan ko namang binitawan ang pagkakahawak sa braso niya at hinawakan siya sa kamay.

"Klave, mag iingat ka." Sabi ko.

Tumingin naman siya nang deretso sa'kin at pagkayari ay ngumiti nang bahagya.

Katulad ng nasa panaginip ko ay lumapit si Klave sa lalaki ngunit imbis na undayan niya ito ng isang suntok ay dalawang suntok ang ginawa niya.

Pumiglas naman si Khiro at agad na lumapit sa akin at niyakap ko ito.

Pagkayari noon ay agad ko namang ibinalik ang tingin kay Klave.

Nag tamo rin siya ng dalawang suntok sa kan'yang sikmura kung kaya't napa-higa siya sa lupa at hirap na rin siyang makalaban.

May nakita naman akong isang kahoy na bahagyang malaki sa gilid at walang anu-anong pinulot ito at ipinang hampas sa lalaking iyon.

Binigyan ko ito ng dalawang pinaka-malakas ko ng hampas.

Pagkayari noon ay tinulungan kong maka-tayo si Klave at pumunta naman siya sa kapatid niya upang matignan ang kalagayan nito.

Hinitak naman ako papalayo ng lalaki at itinutok ang kutsilyo sa akin.

Hindi maikakailang malakas itong lalaking ito dahil halata naman sa pangangatawan niya.

Naka deretso lang ako ng tingin sa kanila at hindi maka galaw, natatakot na rin ako sa mga susunod na mangyayari.

At least hindi ganoon ang natamo ni Klave katulad ng sa panaginip ko.

Narinig ko naman ang biglang pag hampas na malakas na bagay sa bandang likod ng lalaki, narinig ko rin ang daing nito. Kinuha ko ang chance na iyon upang maka takas sa kan'ya.

"Kive!" Sigaw ko kay Kive dahil siya pala ang humampas sa likod ng lalaking iyon.

Ngumiti naman siya sa akin, ngunit nagulat na lang ako at nanlaki ang mga mata nang makita ang lalaki na unti-unting tumayo at inundayan ng saksak si Kive.

"Kive!" Sigaw ko sa kan'yang pangalan ngunit huli na sapagkat nagtamo na ng saksak si Kive sa kan'yang likod.

Nagulat din si Klave at dali-daling kinuha ang pamalo na nabitawan ni Kive kanina at saka hinampas ang lalaki ulit ng malakas.

Umiiyak naman akong nag tungo sa kinaroroonan ni Kive.

Nakita ko itong nahihirapan na sa pag hinga at hirap na rin siyang makapag salita.

May sinasabi ito sa akin ngunit hindi ko maintindihan.

Lumapit naman si Khiro at nagulat na lang ako nang halikan niya si Kive sa noo.

"Kuya Kive..." Pa ulit-ulit na tawag lang ni Khiro sa kan'ya habang umiiyak at niyugyog si Kive.

Kuya? Kuya ni Khiro si Kive?

Napa-kunot naman ang noo ko at napa-isip habang tinitignan si Khiro na umiiyak habang hawak ang kamay ng kan'yang Kuya Kive.

Maya-maya rin ay may dumating ng mga pulis at nahuli na ang lalaking iyon.

May dumating na rin na abulansya para mag dala kay Kive sa pinaka malapit na hospital.

Pagkayari ng mahigit dalawang oras ay may lumabas na doctor mula sa kwarto kung nasaan si Kive.

"Doc. Ano ang lagay ni Kive?" Agad na tanong ni Klave sa doctor. Dama ko ang pag aalala sa boses nito.

"Doctor okay na po ba si Kuya Kive? Pwede na po ba kaming umuwi kasama si Kuya Kive?" Tanong naman ni Khiro at pagkayari ay tumayo pa sa upuan para bahagyang mapantayan ang doctor.

Ako naman ay napatayo na rin at hinintay ang sagot ng doctor sa amin.

"Sa ngayon ay na-operahan na si Kive, wala namang natamaan na organs sa kanya pero maraming nawalang dugo sa katawan niya." Sabi ng doctor.

"At Khiro, hindi pa p'wedeng umuwi si Kuya Kive, masakit pa yung sugat niya, kailangan niyang mag pa galing..." Sabi ng doctor at pagkayari ay ginulo pa ang buhok ni Khiro at ngumiti nang bahagya.

Dumeretso naman kami sa k'warto kung nasaan si Kive.

Naabutan namin siyang nag papahinga at tulog.

Umupo kami ni Klave sa gilid malapit sa kama ni Kive habang si Khiro naman ay lumapit kay Kive.

"Kuya Kive mag pagaling ka na mag ba-bike pa tayo, " Sabi ni Khiro habang hinihimas ang buhok ni Kive.

Patuloy na kinakausap ni Khiro si Kive kahit na alam niyang hindi naman siya sasagutin ng Kuya Kive niya.

Get well soon Kive.

I love you, My Best friend.

Nineteen Fourty-Two Where stories live. Discover now