|10|

11 6 0
                                    

Chapter 10

Pagpapakilala

---

Nang makarating na kami sa bahay ay bumungad agad sa akin si Kaye.

Si Mama naman busy sa pag luluto sa kusina.

"Ky, sino yung dalawang lalaking kausap mo kanina?" Tanong sa'kin ni Kuya.

"Ahh, friend." Maikling sagot ko lang.

"Who?" Tanong niya pa.

"Klave and Klyden Villacorta," Sagot ko naman.

"Ah, Villacorta." Sabi lang ni Kuya.

Wait?

"Kuya?" Naka kunot ang noo ko sa kan'ya. Kuryoso sa sagot niya.

"Bakit? Hindi ba Villacorta si Kive? Middle name ni Kive iyon, 'di ba?" Sabi niya lang. Tumango naman ako sa kan'ya pagkayari. It makes sense, bakit hindi ko na isip iyon dati.

-

Habang nag aayos sa harap ng salamin sa salas ay biglang sumulpot si Kuya.

"Ang tagal mo Ky, akin na nga." Sabi niya pa.

Kinuha niya naman ang plantsa ng buhok sa lamesa at plinantsa ang buhok ko.

Natatawa naman ako habang pinag mamasdan si kuya sa salamin. Bakit? Secret.

"Ano ba to Ky, sira na ba 'to? Bakit hindi umiinit? Parang wala namang nangyayari sa buhok mo." Sabi niya naman.

Kinuha ko naman ang wire ng plantsa para ipakitang hindi pa ito naka-saksak.

Natatawa naman ako habang isinasaksak ang flag ng plantsa sa saksakan.

Bakit kasi hindi mo sinaksak Kuya? Haha.

"Bakit hindi mo agad sinabi, kanina pa 'ko plantsa nang plantsa dito ng buhok mo hindi pala naka saksak." Reklamo niya agad.

Natawa na lang ako at hindi na naka sagot sa kan'ya.

"Kuya! Kuya! Anong mas bagay," Sabi naman ni Kaye.

"Eto ba? O eto?" Sabi niya pa at pagkayari ay pinakita ang magka-ibang rubber shoes na naka suot sa mag kabilang paa niya.

"Parehas," Sabi naman ni Kuya.

"Parehas mo raw suotin Kaye, yung dalawang pares daw sa kamay mo naman ilagay tapos takbo ka na." Tumakbo pa ako pagkayari para mas effective ang pang aasar ko.

"Kuya ohh," ngumuso pa siya.

'Wag mong ipag patuloy Kaye, mukha kang kambing na naubusan ng pagkaing damo.

"Nyenyenye," Pang aasar ko pa sa kan'ya.

"Pst. Ky, Kaye, hindi na kayo mga bata, ha." Sabi naman ni Kuya.

"Narinig mo Kaye? Hindi ka na raw bata. Isip bata lang." Tumawa pa ulit ako nang malakas.

Last na talaga Kaye.

By the way, his name is Klevince Salistia, our brother. 27 years old at isang doctor sa ibang bansa. Sweet but sometimes may pagka kalog.

Itong si kuya lahat ay gagawin niya hanggat kaya niya, kahit gawaing babae pa. Katulad ng pag iipit sa amin noong bata pa kami, at pag pili ng damit namin ni Kaye ay siya ang gumagawa.

Wala kasi si Mama noon, nag tatrabaho rin.

Ang swerte ng magiging asawa at mga anak nito.

-

Pag baba ko pa lang ng kotse ni Kuya ay sinalubong agad ako ng bagong taon.

Charot ang dami kasing pagkain eh.

"Ky." Sabi nito habang buhat ang Yakolt, Cream-o at mga sweet gummy candies na naka lagay sa isang maliit na kahon.

Sarap.

"Kaycie." Sabi naman ng isa pa habang buhat ang isang maliit na box ng mga tsokolate. KitKat, Galaxy, Dairy Milk Bubbles at Chuckie Chocolate Drink.

Ini-aabot naman nila sa akin ang mga pagkaing iyon.

Mukhang sasakit ipin ko nito mamaya.

Teka nga, balak niyo ba akong patayin sa diabetis, ha? Ano bang meron, ha?

Hindi ko naman birthday mga sabog ba kayo, ha?

Sabihin niyo lang kung papatayin niyo na ako, para makain ko na agad lahat 'yan, hehe.

"A-ano 'yan?" Tanong ko pa kunwari.

"Pagkain. Obvious ba?" Sabi naman ng isang punyetang ma-atittude.

Kly, ang tino-tino mo talaga kausap.

"Para kanino? Sa'kin?" Maang-maangan ko pang tanong.

"Yes." Sagot naman ni Klave.

"Hindi, baka para sa aso niyo." Sabi pa ng isang punyetang hinayupak.

Namumuro ka na talaga Kly, lumayo layo ka sa'kin at baka matadyakan kita.

"Ky, sino 'tong mga ito? Mga manliligaw mo ba 'yan?" Nagulat na lang ako nang biglang sumulpot si Kuya sa likuran ko.

"Ah, eh... Kuya kasi... Hindi... hindi ko alam?" Sabi ko naman.

Ano ba kasing isasagot ko, ha? Medyo?

Nakita ko namang napa-isip si Kuya sa isinagot ko sa kan'ya kaya napa tikom na lang ako ng bibig.

"Hello po Kuya, Klyden Villacorta," Pagpapakilala ni Kly at pagkayari ay ngumiti at hinawakan ang kamay ni Kuya na parang close.

"Hello, may Kuya pala si Kaycie. By the way, I'm Klave Villacorta, nice to meet you, Kuya," Pagpapakilala naman ng isa at pagkayari ay ngumiti at nag bow pa nang bahagya.

Ano ka Koreano?

Alam niyo ba tinatahak niyong daan mga bitch? Baka hindi na kayo maka-abot niyan sa graduation.

"Hello, I'm Klevince Salistia, kayo pala yung kahapon, I already know you two, na ikwento na kayo ni Ky." Sabi ni Kuya at pagkayari ay ngumiti sa kanila.

Nag pakilala ba siya nang maayos? Tama ba ako ng narinig?

Noong si Kive pinakilala kong kaibigan ko bakit ngumiti lang siya nang kaunti tapos umalis na agad?

Naisuka ata ni Kuya yung kasungitan niya sa eroplano.

"Kuya hindi ka ba magagalit? Mag susungit? O kaya mag wo-walk out?" Tanong ko naman kay Kuya ngunit pabulong lang.

"Hindi. Bakit naman magagalit? May ikakagalit ba ako? May dapat bang ikagalit?" Tanong niya naman.

Ang bait naman pala. God bless, pag palain ka pa sana nawa Kuya.

"Wala, wala, 'no. Bakit ka magagalit? Wala naman dapat ikagalit diba?" Sabi ko naman.

"Inulit mo lang yung sinabi ko Ky," Sabi niya naman.

Sabi ko nga eh.

"So, paano ba 'yan? Mauna na ako?" Sabi pa ni Kuya.

Bago umalis si Kuya ay tinapik niya pa si Kly sa braso at nginitian niya naman si Klave.

What's wrong with you Kuya?

Bigla namang tumunog ang bell kaya nataranta ang dalawa.

"Heto, kuhanin mo na 'yan Ky. Eat well, mauna na ko. Bye!" Sabi ni Kly at kumaway pa bago kumaripas ng takbo.

Ibinigay niya sa akin ang hawak niya kaninang box na may lamang mga pagkain.

"Mauna na rin ako Kaycie, baka ma-late ako, ikaw na ang bahala riyan, it's all yours." Sabi rin ni Klave sabay bigay ng box na hawak niya kanina

Wala na lang akong nagawa kun'di bitbitin ang mga iyon papunta sa room.

Kasalukuyan akong nag lalakad sa hallway habang bitbit-bitbit ang napaka daming pagkain.

Mukhang galing pa sa sama ng loob 'to.

Baka mamaya isumpa pa 'ko rito ah.

Hindi ba sasakit tiyan ko rito?

Baka sumakit ipin ko rito pag kinain ko 'to lahat ngayon.

Sa bahay na lang.

Nineteen Fourty-Two Where stories live. Discover now