||Prologue||

21 8 0
                                    

In the heart of the night, Kaycie found herself sprinting through the dense forest, the echo of a mysterious woman's footsteps haunting her from behind.

Her frantic escape halted abruptly at the edge of a steep precipice. She was cornered, with nowhere left to run.

The enigmatic woman finally caught up, her approach slow and deliberate. She reached out, her fingertips gently tracing Kaycie's tear-streaked cheek.

Upon realizing the woman was weeping, Kaycie tenderly removed the handkerchief obscuring half of the woman's face.

A warm smile graced Kaycie's lips as she softly brushed her hand against the woman's stunning visage.

Suddenly, she stepped back, her body surrendering to the pull of gravity as she plunged into the abyss.

Her descent was slow, almost surreal. Tears welled up in her eyes, trickling down her cheeks in a silent lament.

As she fell, she lost sensation in her body, but the path of her tears on her face was a poignant reminder of her reality.

Hours later, she awoke with a start, her heart pounding. Relief washed over her as she realized her ordeal had been nothing more than a vivid nightmare.

---

Isang malakas na pagputok ng baril ang narinig ko bago pa maabot ng bata ang sorbetes na ibinibigay ng tindero sa kanya.

Agad naman akong napalingon at nakitang nagkakagulo na ang lahat.

"INA! AMA!" Sigaw ng batang nasa gilid ko nang makita ang kanyang Ina na hawak ng isang lalaking may baril.

Tatakbo na sana ang Ama ng bata para iligtas ang kanyang asawa ngunit nabaril siya mula sa kanyang likuran.

Sumunod naman ang Ina at sabay silang tumumba.

Walang anu-ano ko namang binuhat ang bata para sana tumakbo ngunit huli na ang lahat.

Naramdaman ko na lang na nag init ang bahagi ng bandang likuran ko at nanghina ako. Pagkayari pa ng ilang sigundo ay naramdaman ko ang mainit na likidong lumabas sa aking bibig.

Maingat kong ibinaba ang bata at hinawakan ko ito sa mukha bago ako tuluyang matumba.

"Ate..." Huling rinig ko sa boses ng kapatid ko.

Nag balak akong tumayo ulit ngunit binaril ulit ako ng isang lalake sa bandang balikat ko.

Kahit na malabo na ang paningin ko at nahihilo na ako ay naririnig ko pa rin ang ingay sa paligid ko.

Pilit kong iminumulat ang mga mata ko upang tignan ang kapatid ko sa gilid, ngayon ay naka higa na rin ito at unti-unti na ring nawawalan ng hininga.

Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na tinawag siya kahit na ako mismo ay hindi na rin makahinga ng maayos.

"S-s-santiag-o..." Tawag ko sa kanya.

Kahit na manhid na ang aking katawan ay naramdaman ko pa ang luhang pumatak mula sa aking mga mata.

Para akong nasa isang teleserye, yung teleseryeng mamamatay ang bida.

Pagkayari pa ng ilang minuto ay tuluyan na akong nawalan ng malay at hindi na alam ang sumunod na mga nangyari.

[Year 1963]


-----
-----

"Uy Ellise sabay ka sa'min mag tanghalian ah," Saad ni Cleah sa akin.

"Uy Cleah libre mo naman ako!" Sigaw naman ni Marui sa hindi kalayuan.

"Osige!" Sagot naman ni Cleah at pagkayari ay lumapit kay Marui.

"Basta piso lang." Dagdag pa ni Cleah at pagkayari ay ipinakita ang piso na hawak niya.

"Ang kuripot mo talaga Cleah. Miles, samahan mo na lang nga akong bumili ng turon sa labas!" Saad na lang ni Marui at minwestra su Miles sa hindi kalayuan.

"Uy bebe Jairone, sama ka lunch mamaya ha," Si Cleah, sa bago naming kaklase.

Nakita ko namang tumango si Jairone at pagkayari noon ay tumingin sa akin si Cleah, ngumiti ito at nag thumbs up pa pagkayari.

"Okay class, wala tayong klase ngayon kaya maaga kayong makakapag lunch," Wika naman ni bebe Sir Matthew sa amin pagka-pasok sa room namin.

Bata pa si Sir, 22 pa lang.

Nag ingay naman ang buong klase namin pagkayari.

Mayroon pa ngang nag babatuhan ng binilog na papel at mga nag kakalampag ng desk ng upuan.

Mahirap mang paniwalaan ngunit mga kolehiyo na kami, sadyang mga isip bata lang.

Maya-maya pa ay biglang anunsyo mula sa  speaker ng school. Sandali naman kaming natahimik nang dahil doon.

May mga na-upo sa desk at ang iba naman ay bahagyang lumapit sa pinto para mas marinig ang ina-anunsyo.

Mayroon daw bomb threat sa school namin. Ang lahat naman ay nabahala at nag takbuhan ng marinig ang inanunsyo sa speaker.

Sa sitwasyon ganito hindi mo talaga mapapanatili ang pagiging kalmado.

Siksikan naman sa hagdan at dahil na rin nasa 3rd floor kaming lahat ay hirap kaming maka-baba.

Nag tutulakan pa at nag kakadapaan sa pagmamadaling makalabas.

Hanggang sa isang malakas na tunog ang nag pahinto sa aming lahat.

Ang lahat naman ay nagulat at napatili ang iba.

Hindi na napigilan ng ibang studyante na tumulo ang luha pagkayari ng pag sabog na iyon.

Takot at pangamba ang nararamdaman naming lahat ngayon.

Hindi na namin alam baka ilang Segundo na lang mawala na rin kami sa mundo.

"5," Saad ng isa kong kaklase na si Marui habang tulala.

"4," Sinundan iyon ni Cleah habang nag pupunas ng luha. Natatawa pa siya nang bahagya dahil sa kalokohan ni Marui kahit na alam naming katapusan na namin.

"3," Saad ni Jairone at Miles.

"2," Mahinang saad naman ng katabi kong babae at pagkayari ay yumuko.

"1," Mag kasunod naman na saad namin ni Sir Matthew.

"Hanggang sa muli... Mahal na mahal ko kayo..." Mahinang saad ko.

Mangiyak-iyak na lang kaming pinag mamasdan ang isa't isa habang nag tatanguan at ngumingiti ng tipid.

Claverinos University.

[Year 1995]

-----
-----

Ang sabi nila tatlong beses ka lang daw mabubuhay.

Ako? Kami? Hindi namin alam kung ilang beses na nga ba kaming nabuhay .

Ilan na nga ba? Pangalawa, pangatlo o baka pang apat na. Hindi rin namin tiyak kung pang ilan na nga ba.

Lintek na Author ng mundong 'to! Lagi na lang kaming pinapatay. Kailan ba namin mararanasan na mabuhay nang matagal?

Mabuhay nang matagal at mamatay nang mapayapa...

Siguro mamamatay nanaman kami tapos mabubuhay and then, mamamatay tapos bubuhayin nanaman.

Ang masasabi ko lang naman ay... nakakapagod na... napapagod na ako... napapagod na kami...

Nineteen Fourty-Two Where stories live. Discover now