|12|

13 6 0
                                    

Chapter  12

Miss

---

(Treat you better // Shawn Mendes)

"I know I can treat you better, than he can..."

Sinabayan ko pa ang kanta na pinapatugtog ni Kaye.

Tumingin naman siya sa akin at umiling-iling pagkayari.

"Tell me why are we wasting time, on all your wasted craying, when you should be with me inste---"

Sinasabayan ko pa ang kanta nang bigla niya naman itong ilipat.

Bastos kang bata ka!

"Baka mamaya umiyak ka pa riyan Ate Ky." Sabi niya naman at pagkayari ay tumawa nang mahina.

Ginigigil mo talaga ako, Kaye.

(Chivary is dead // Trevor Wesley)

"Girl just put your hair down..."

Tumingin pa sa'kin si Kaye pagkayari. Akala mo hindi ko alam 'no, bitch.

"Lets paint the whole town, life is our playground, yeah~"

"But I'm not a kid no more so I must open doors and make you feel like the lady, you are..."

Tumawa naman siya nang marinig ang pag piyok ko.

Happy ka riyan sa piyok ko, ha?

"Kaycie nandiyan si Kive sa labas. Hinahanap ka," Sabi ni Mama dahilan kaya napa hinto ako sa pag kanta.

"Ahh... Si Kive." Wala sa sariling sabi ko lang.

"Po? Si Kive Mama?! Naka labas na sa hospital si Kive!?" Napatayo pa ako nang matauhan.

Agad kong binuksan ang pinto at lumabas para makita ito.

"Yiee si Kuya Kive..." Narinig ko pang sabi ni Kaye.

Gago yata? Hagis kita sa sa labas, eh.

Inalalayan ko si Kive papasok sa loob at saka pina-upo ito.

"Thank you..." Sabi niya pa at ngumiti naman ako sa kanya.

"Though I can tell that's not you're used to..." Kanta ko pa.

Tumawa naman si Kaye ng mahina habang umiiling-iling.

Dumeretso naman ako sa kusina para mag handa ng meryenda ni Kive.

"Kamusta ka na? Magaling ka na ba, ha?" Tanong ko pa pagkayaring i-abot ang orange juice at slice bread na may palamang cheese wiz sa kan'ya.

"Okay na..." napangiti ko dahil sa sagot niya.

"Nakita na kita e..." Sunod niya pa at pagkayari ay tumingin sa akin nang may seryosong mukha.

Umiwas naman ako ng tingin sa kan'ya pagkayari.

Korni.

Tumawa pa siya nang mahina kaya hinampas ko siya.

Hindi ko naman alam na nahampas ko pala yung sa bandang sugat niya.

Hindi naman kasi ako nakatingin noong hinampas ko siya. Sorry, my mistake.

Take two, yung naka tingin naman ako hehe.

Charot.

"Ahh! Aray... Ssss..." rinig kong inda niya.

Napa tingin ako sa kan'ya kaya nagulat ako nang makitang nasasaktan nga siya.

Agad ko naman siyang pinatahimik at kunwari pang hinihimas ang balikat nito at buhok.

"Shhh... sorry, sorry..." patahan ko sa kan'ya na mulang na lang ay kandungin ko siya at aluin sa hita ko.

Nang tumahimik  ito ay tumingin ako sa kan'ya at nakita siyang nag pipigil ng sariling tawa.

Hinampas ko  siya sa braso at hinitak ang patilya niya nang bahagya pagkayari.

"Ah! Aray..." Inda niya.

Arte mo Kive.

"I miss you, Ky..." Bulong nito sa tenga ko.

Nanlaki naman ang mga mata ko, hindi dahil sa pag bulong niya kun'di dahil sa sobrang lapit niya sa tenga ko.

Natetano ba 'tong bata na 'to sa kutsilyo, ha?

Natawa pa siya habang pinapanood ang expression ko.

Ngayon lang siya lumapit ng ganoon sa'kin. Sobrang seryoso rin ng boses niya.

Hindi ko naman alam kung bakit humarap pa ako sa kan'ya.

Pag harap sa kan'ya ay napa titig na lang ako sa mga mata niya at ganoon din ang ginawa niya sa akin.

Bakit gan'yan ka ba Kive, ha? Naapektuhan ka yata ng sobra sa pagkaka saksak sayo.

"Oh tubig para sa mga sweet kahit walang label." Singit naman ni Kaye.

Natauhan kaming dalawa at napa-ayos na lang ng upo.

Na tigil ako nang marinig na tumawa si Kive. Happy pill mo 'ko, ha?

"Nakakatawa?" Pag tataray ko pa sa kan'ya.

"Hindi, hindi. Tumatawa ba ako? Hindi naman, 'di ba? Wala namang nakakatawa eh." Sabi niya naman habang naka taas pa ang dalawang kamay niya.

Pagkayari niya itong sabihin ay hindi niya na napigilan ang tawa niya kaya tumawa pa ulit siya.

Punyeta ka Kive wag ka pa sanang mamatay.

Tinaasan ko nanan siya ng kilay pagkayari.

Tumayo ako para tumungo sana sa kusina ngunit hinawakan nito ang kamay ko at hinila ako pa-upo ulit.

Hinarap niya ako sa kan'ya at pagkayari ay pinindot niya ang ilong ko gamit ang hintuturo niya.

"Ang cute mo Ky-Ky." Pinisil niya pa ang isang pisngi ko.

Bigla kaming nagka layo ni Kive nang may marinig kaming boses.

"Anong meron dito?" Tanong ni Kuya Klev.

"Wa-wala. Wala naman," Sabi ko lang, nangangapa ng salita.

"Sino 'yan? Manliligaw mo?" Tanong pa nito nang makita si Kive.

Ilang taon lang noong umalis si Kuya hindi niya na agad kilala si Kive? Sabagay bata pa kasi kami noon eh.

Tumingin ako kay Kive at nakitang nanlalaki ang kan'yang mga mata nang bahagya habang pinipigilan pa rin ang tawa niya.

Sige lang tumawa ka, bitch.

"Mama...!?" Tawag ni Kuya kay Mama. Mukhang mag susumbong pa yata.

Maya-maya rin pagkayari ng ilang segundo ay dumating si Mama.

"Ano 'yon?" Tanong naman ni Mama.

"Ahh... Si Kive 'yan." Sabi lang ni Mama kay Kuya.

"Kive? Manliligaw ni Kaycie? 'Di ba bawal pa 'yan mag jowa, 'Ma?" Tanong pa ni Kuya.

Itchoserang frog ka, ha.

Napa irap pa si Mama sa sinabi ni Kuya. "Kaibigan 'yan ni Kaycie." Sagot ni Mama at pagkayari ay hinampas ng bahagya si Kuya sa braso.

Nakita ko namang nag thumbs up si Mama kay Kive kaya napa kunot naman ang noo ko sa kanilang dalawa.

Ngumiti lang si Kive sa akin at tinaasan ako ng kaliwang kilay.

Tinatarayan mo 'ko, ha?

"Ahh friend... Kive?" Sabi pa ni Kuya.

"Kive Salvador po." Sagot ni Kive at pagkayari ay tumayo at nakipag shake hands pa kay Kuya.

Aba? Bait ka na niyan? Wala ka pa ring plus points. Ang dami mo raw utang sa langit sabi ni San Pedro.

Nineteen Fourty-Two Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu