|8|

9 6 0
                                    

Chapter 8

Cassilyn

---

Hindi nag tagal ay nakaramdam na rin ako ng antok kaya natulog na ako kasunod ni Kaye.

Kaye umusog ka nga roon! Mahuhulog na 'ko eh!" Sabi ko habang tinutulak tulak siya pa-layo.

"Oo na, eto na! Istorbo natutulog na yung tao eh." Sabi niya naman.

Aba't sakalin ko kaya to ng matulog na talaga siya forever.

~

"Theresa..."

"Elisse..."

"Elane..."

Sari-saring mga pangalan ang naririnig ko at iba't ibang tao rin ang nakikita ko.

Para iyong isang transition ng mga ala-ala na nag daan, mabilis lang iyon ngunit parang napaka tagal na ng panahon dahil sa pagbabago ng mga imahe sa likod ng mga taong iyon.

Palagay ko ako ang tinatawag nila.

Ngunit hindi rin maari dahil hindi ko naman pangalan ang mga nabanggit.

-

"Ate? Ate!!" Gising sa akin ni Kaye.

"Ano ba!" Sabi ko naman.

"Umusog ka!" Sabi niya naman.

Hinitak ko naman nang bahagya ang dulo ng buhok niya pagkayari.

"Ikaw nga yung malaki ang pwesto riyan eh. 'Tsaka wow ha, sino bang nakikitulog? May kwarto ka naman bakit ba dito ka natutulog, ha?" Oo nga! May kwarto ka naman!

"Natatakot ako r'on eh, feeling ko may something doon sa kwartong 'yon..." Sabi niya naman at pagkayari ay lumapit pa sa akin ng kaunti.

Duwag.

Maya-maya lang ay biglang lumakas ang hangin dahilan para hanginin din ang kurtina sa bintana.

Hindi pala naka-sarado yung bintana.

Agad naman na dumikit sa akin si Kaye.

Nanginginig pa ito at natatakot.

"Kaye isarado mo nga yung bintana!" Utos ko sa kan'ya.

"Ayoko nga, baka mamaya may biglang humitak sa'kin diyan eh. Ikaw na kaya..." tumingin pa siya sa akin ngunit tinaasan ko lang siya ng kilay. "Tutal ikaw naman ang nag utos." Dugtong niya pa.  Mukha pa siyang Lumpia dahil balot na balot ng kumot.

Sabog ka bang bata ka? Utos ko tapos ako rin gagawa, gano'n?

"Stupida! Nood pa ng horror, ha." Sabi ko naman.

Tumayo naman ako at pagkayari ay tinignan siya na naka balot pa rin ng kumot at natatakot.

Mukha kang shanghai na kinulang sa rekado.

Tumungo naman ako sa bintana at isinarado ko ito.

Tumingin ako sa kan'ya saglit ngunit ibinalik ko ulit ang tingin ko sa bintana.

Ngumiti naman ako nang kaunti pag talikod ko at saka nag madaling bumalik sa kama pagkayari.

"Piste ka, ikaw na mag sasarado no'n sa susunod." Sabi ko naman.

Tumingin naman ako sa bintana at nanlaki pa ang mga mata nang bahagya kunwari.

Hm...

"Ate? Ate? Ano 'yon?" Tanong niya naman habang niyuyugyog ako.

Ipinag patuloy ko lang ang ginagawa ko at kunwaring natatakot at nanginginig pa nga nang bahagya para mas mukhang makatotohanan.

Pagkayari pa nang ilang segundo ay bigla namang namatay ang ilaw.

Nineteen Fourty-Two Where stories live. Discover now