TPD:Chapter 3.7 pt.1

485 49 6
                                    

First update for 2021 sa story na to. Sorry at natagalan. But hoping you will still continue your support to this story even on this year ^__^

Anyways, skl may Fb pala ako, kaya naman baka gusto niyo maging friends tayo at magchikahan sa messenger. Search at eadd niyo "MNchanWp" . Ginawa ko ang account na iyon para mas mapalapit sa inyo kaya feel free to message me in there or here sa wattpad ^^.

Enjoy Reading!

Gabby POV

"Matrix! Gabby! Dito dali!"

Napalingon kami sa kaliwa at nakita si Sir Sev na nakatago sa isang malaking bato dito sa gubat.

Nakita din ni Matrix si Sir Sev kaya mabilis niya ako hinila papunta dun. At nang makapagtago halos sabay kami nakahinga ng maluwag.

"Damn! That was close!" Mahina sambit ni Matrix at inilapag ang backpack sa harap.

Habang ako napaupo dahil sa pagod. Akala ko talaga katapusan na iyon kanina! The fudge! Yung kaba ko sa pag uulan ng bala, hindi mapantayan! Para akong maiihi sa takot!

Kaya naman dun ko narealize na mas mabuti pa kung multo ang hahabol sayo dahil takot lang ang ibibigay nito. Kaysa bala na buhay ang kapalit.

"Ok lang ba kayo? Nasugatan ba kayo kanina ha? Magsabi kayo sa akin, dali! Para magamot agad!" Ramdam ko ang pag aalala ni Sir Sev at nakikita ko rin iyon sa ekspresyon niya.

Nakalabas na ang kanyang first aid kita at hawak na niya ang isang alchohol at cotton.

"Ok lang po ako, Sir Sev. Wag kayong mag alaala." Sagot ko sakanya para mapanatag siya.

Nakita ko na nakahinga siya ng maluwag nun at ibinaling ang paningin kay Matrix na kasalukuyan nilalabas ang baril na gadget namin.

Busy na busy siya sa pag assemble nito kaya kinailangan ko pa kalabitin saka muli tanungin.

"Im fine! Don't worry about me." Tumingin siya kay Sir Sev saglit saka ibinalik dun sa kanyang ginagawa.

"Mabuti naman at wala kayong galos. Teka- may nakasunod ba sa inyo?" Ani ni Sir Sev

Then he took a peek behind the stones in order to check if we have been followed.

"Mukhang wala. Mabuti! Mabuti!" sabi niya.

Oh,Thank God wala!

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Sir Sev pero saka din napansin ang pamumuo ng makapal na fog sa paligid.  Hindi man nito binalot ang buong Mizuki Forest dahil hanggang binti lang to.

Ngunit nagiging sagabal pa rin ito! Hindi mo na makikita nilalakaran mo kaya maaring lumalakad ka na sa dulo ng bangin.  Plus, it's really getting dark now here in the forest. Ngayon ko lang napansin ang paninilim sa paligid at iniisip kung bakit ganito kabilis?

A moment ago there was still light peeking through the trees. But unlike now, it's really total darkness. Napapaisip tuloy ako kung dahil sa nandito na kami sa puso ng gubat at makakapal na ang mga dahon sa kahoy. That could be a possible reason.

Or it could be may time warp dito sa gubat. Possible iyon, kasi sabi nga nila kung ano ano kababalaghan nangyayari dito. Kaya maari bumibilis ang oras!

OMG!

Hindi na ako nag aksaya ng panahon na kumilos at echeck ang akin relo kung anong oras ng maisip ko ang theorya na iyon. And as I saw the time, para na lang din nito pinapatunayan theorya ko.

Alas sais ng gabi ang nakita kong oras sa relo, pero aakalain mo alas dyes na sa dilim. Not to mention, the eerie feeling of the surrounding on how it is so quiet. Its like walang mga hayop nakatira dito.

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon