TPD: Chapter 1.2

1K 58 13
                                    

Nag enjoy ako esulat ang chapter na eto. Sana kayo rin ^^. Thank you sa lahat na sumuporta sa season two, nakakatuwa at kahit 2 chapters pa lang magroroad to 100 reads na tayo. Maraming salamat.

Dedicated to owwztin kung hindi dahil sa cheer at reminders mo sa akin para sa season two, baka matatagalan pa ang season two ng TPD. Thank you sa support☺

Enjoy reading!

Kye POV.
"One hundred fifty pesos po lahat mam." Sabi ng cashier sa akin .

Agad ko naman ibinigay ang pera ko tsaka inabot din ng cashier ang pinamili ko.

Kinuha ko iyon at pinuntahan ang pwesto ni Mikko na nagpapagas sa labas.

Naisipan namin dumaan sa  gasoline station dahil medjo malayo pa ang byahe papunta Gertrude Academy. Mahigit apat na oras ang lalakbayan pa namin bago marating iyon. Kasama na ang traffic.

At swerte na ang gasoline station na ito ay may malapit na 7/11 store. Kaya sumaglit na din ako sa pagbili.

Papalapit na sana ako kay Mikko ng madaanan ko ang isang poste at napansin ang mga nakapaskil ng daan daan Missing poster.

Ang dami naman nito. Anong nangyari at nawala ang mga taong to?

Halo halo ang edad na nawawala may mga bata, teenagers at matanda. Yung iba nga parang ang luluma ng poster kasi burado na halos ang nakasulat.

Nalungkot ako sa akin nakita dahil naiisip ko pa lang ang mga pamilya na naiwan ng mga iyon. Panigurado grabe ang pagdadalamhati nila.

"Anong tinitingnan mo dyan Parekoy?" Nagulat ako sa biglaan pagsulpot ni Mikko sa akin tagiliran, hindi ko man lang narinig ang yapak niya.

"Wala mga missing posters. Nagulat ako sa dami nito." Sabi ko sa kanya tsaka ibinalik ulit ang tingin sa poster

"Kaya nga eh. Nakakalungkot naman. Sana makita na sila, dahil panigurado naghihintay ang pamilya nila." Ani naman ni mikko "Akin na yan dala mo. Ako na magdadala."

Hindi na ako hinintay ni Mikko na makasagot dahil agad niya kinuha ang paper bag sa kamay ko.

Agad din naman kami bumalik sa van, habang si Mikko nagbayad pa para sa gas.

"Ano binili mo Kye?" Tanong ni Patrick na nasa front seat

"Snacks lang para sa atin. Gusto mo kumain?" Alok ko sa kanya.

Hindi din naman tumanggi ang lalaki na ito at agad na kinuha ang chips na binili ko. Inalok ko din si Haylee na nasa likod at tumanggi siya.

Habang nakita ko naman si Nyle na mahimbing na natutulog. Pagod na pagod ang koya Nyle niyo. Kanina pa natutulog yan.

"Ok, wala na ba magCCr kasi lalarga na tayo." Sabi ni Mikko ng pumasok na siya sa sasakyan.

Umiling lang ang lahat at hudyat na iyon para umalis na kami.

Tahimik lang ang aming byahe, walang nagsasalita at ang ingay ay nangagaling lang sa music sa stereo.

At dahil bored na bored ako naisipan ko na tumingin na lang sa bintana. Nakikita ko sa labas ang mga malalawak na lupain dulot na ang lugar ng San Isidro ay malayo sa mga syudad.

Nasa mataas na Bundok kasi iyon kaya naman ang daan pababa ay wala kang ibang makikita kundi malawak na lupain, konting konti bahay at mga bundok sa malayo.

Kung sa iba ang boring ng tanawin na makikita dito pero sa akin, binibigyan ako nito ng kapayapaan. Iba kasi ang dulot ng tanawin na gawa ni inang kalikasan kaysa mga matatayog na building.

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon