TPD: Chapter 1.4

809 47 9
                                    

Sorry at ngayon lang naka update. Mahaba haba kasi ang update ngayon ^^

Dedicated ang chapter na eto sayo Aries_Yan , for the support in comments lagi in every UD at sa story na eto. Thank you ^^

Enjoy reading!

Kye POV.
"Gabby, punta muna ako sa kwarto ng mga lalaki. Hihiramin ko lang ang powerbank ni Mikko." Ani ko habang sinusuklay ang aking buhok

"Ok. Ako na muna maliligo dahil, ang sarap ng tulog ni Haylee."

Tumango lang ako sa sinabi ni Gab. At sinara ko agad ang pinto tsaka nilakad ang mahabang pasilyo.

Nag text kasi si Mikko na ang kwarto nila ay nasa left wing ng palapag na eto.
At para marating iyon kailangan ko tumawid sa grand double staircase, na kaharap sa malawak nila na dance floor

Grabe talaga ang bahay na eto, may dancefloor na, may pa wing wing pa. Parang napkin lang hahah.

"Imba din talaga ang mga kagamitan dito sa mansion ni Ansel. Sino kaya ang kinuhang interior designer dito?" Hindi ko maiwasan mamangha habang iginigala ang aking mata sa malapad na pasilyo na eto.

Lahat na nakikita ko sa bahay na eto ay nagsisigaw na karangyaan at misteryo na para bang kay daming sikreto itinatago sa loob ng mansion na ito.

Sa mga paintings pa lang na nakasabit sa dingding na parang may nakabantay sa kilos mo palagi. Sheyt lang! Kaya ayoko masyado titigan ang mga iyon kasi nadala na ako nun sa picture ni Sir Sev nung una misteryo, baka biglang ngumiti ito.

Pero naastigan ako sa mga knight armour na display nila dito sa hallway. Lakas maka medieval eh, ika nga ni Nyle kanina ng pumasok kami sa bahay.

Nasa kalagitnaan na ako ng pagtawid sa Grand double staircase nila ng makita ko ang ilang kasambahay na naglilinis dun.

Ouh! May mga tao nga talaga pala dito, gaya ng sinabi ni Ansel. At sosyal nakauniporme talaga sila. Naku! Sigurado na ako, ang yaman yaman ni Ansel.

Biglang napatingin ang isa sa kasambahay sa akin, at agad ko sila binigyan ng ngiti at bati.

"Hel-Huh?" Hindi ko pa sila tapos batiin pero nagulat na lang ako ng nanlaki ang mata niya at agad na umalis.

Tumingin yung kasamahan niya sa aking pwesto at ganun din ang kanilang reaksyon.

Putek! Anong problema nila? Bakit sila umalis? Natakot ba sila sa akin? Nakng kalabaw! Ganun ba ako kapanget?

Agad ko isinuklay ang kamay ko sa aking buhok, at sinubukan ayusin iyon.

Naghanap din ako ng pwedeng gawin salamin para tingnan ang sarili kong repleksyon. Wala ako makita, kaya naman hinayaan ko na lang.

Bahala na nga. Paki kung natakot sila sa akin. Tsk!

"Eto ouh, parekoy." Sabi ni mikko sabay abot sa akin ng powerbank.

"Salamat. Sige balik muna ako sa kwarto namin, nandun phone ko eh."

"Hatid na kita? Baka mawala ka." Presinta ni mikko sa akin.

"Wow, sweet naman. Pero alam ko may ibang pakay ka. Gusto mo lang siya makita, diba?"

Tumawa ang mokong sa akin sinabi, at di ko maiwasan di mapailing. Haay naku Mikkoy.

"Konti lang." Sabay kamot sa batok niya "Pero, gusto din kita ihatid. Ano ka ba parekoy, syempre malaki ang bahay na ito at ayoko ikaw mawala. I care for you din kaya."

"Care for you, daw. Che! Maniwala ako, sige na bumalik ka na dun at wag mo na akong ihatid. Kaya ko na, ako pa. Magkita na lang tayo mamaya. " Saka tumalikod kay mikko.

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon