TPD: Chapter 1.1

1.9K 69 16
                                    

Hi po kamusta na ang lahat? May nagbabasa pa ba sa storya to? Kung meron man gusto ko po sana kayo makilala at maging kaibigan para pasasalamat sa pagbibigay ng chance sa story ko. 😘

Dedicated to twinkleberry26 ang gumawa ng cover ngayon at Bff ko. Thank you sis. Check out her profile guys, may story din siyang ginagawa dun.

Enjoy reading!

Patrick POV

"Ahhhhhh!!! Lumayo ka!! Lumayo ka!!! Dun ka naman kay Kye humabol! Bakit parati ako?!!!!" Sigaw ko sa bwesit na humahabol sa akin na Maranhig

(M/N: Maranhig ay sikat na urban legend sa amin dito sa Visayas, pero sa Luzon tinatawag din siya bilang Amalanhig. Mahahalintulad eto sa isang Zombie. Ang sabi kasi ng mga Lola at Tita ko, isang tao eto na pinaglalamayan na kung saan nakatulog ang mga tao na dapat nakabantay sa patay. Dapat daw kasi may nagpupuyat para bantayan ang patay dahil kung hindi maari pasukan ang katawan ng patay na masasamang espiritu. Kaya naman kapag may lamay, wag hayaan maiwan magisa ang patay ;) )

Hindi ko alam kung bakit hindi lumulubay sa akin? Tangina! Crush ata ako ng Maranhig na eto eh!

Tokneneng! Di kami talo, lalaki siya tol at straight ako, Kingina buhay!!

Nararamdaman ko na parang nauubos na ang stamina ko. Dahil nagtutunog baboy na paghinga ko, pucha!!

At di nakakatulong ang dilim, mga bato at yung mga ugat ng punong kahoy dito sa gubat para mapadali ang pagtakbo ko!

Muntikan pa ako mapasubsob kung hindi ko lang naetukod yung kamay ko sa kahoy na malapit sa akin.

Kinailangan ko na talaga seryosohin ang training namin pagbalik dahil nahahalata ang pagiging weak ko nito. Panigurado, kapag narinig nina Matrix at Mikko ang tunog baboy ko na paghinga, tatawanan ako nun.

"Patrick, this is nyle." Bigla may nagsalita sa earpiece ko na nasa kaliwang tenga

Ouh, tumatawag pa ang mga to sa akin. Mukhang may kailangan pa ata. Nakng! Busy ako!

Hindi ako sumagot pero rinig naman ata ni Nyle paghinga ko.

"I know you are in a very tiring situation right now. At ayoko man sana na dagdagan pa ang problema mo pero kailangan mo malaman to."

Problema ng isang to? Bakit may papause pause pang nalalaman. Di na lang diretsuhin ang sasabihin!

"Patrick, nasa likod mo na ang Maranhig. So, run faster!" Biglang dugtong ni Nyle .

At dahil sa sinabi niya, medyo may pagkatanga din ang ginawa ko dahil sinilip ko pa talaga ang aking likuran.

Nakng pucha!!

Isang metro na lang pala ang pagitan namin!! AHHHHHH!!

Kaya naman nataranta ako at mas binilisan ang pagtakbo.

GROARGH!!

"Ahhhh!!! Mama kooo, nandyan na siyaa!KINGINAAA!" Napasigaw talaga ako ng marinig ang tunog na iyon na galing sa Maranhig na eto

I swear parang sinilaban ang pwet ko sa bilis ng aking takbo. Hindi na ako lumingon sa akin likod dahil natatakot ako makita ulit ang itsura nito!

Imaginin niyo hinahabol kayo ng isang lalaki naka barong, na naagnas ang mukha, tapos ang maranhig pa na eto nakalawlaw pa ang isang mata niya! Bwesit! Kapag matapos talaga ang mission na eto makikitulog ulit ako kina Mikko.

Kasi alam ko hindi ako papatulugin ng itsura ng maranhig na eto!!

"Patrick, bilisan mo sa pagtakbo! Dahil konti na lang maabutan ka na niya!!" Umingay ulit ang ear piece ko at narinig ko ang sinabi ni Gabby

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon