TPD: Chapter 2.11 pt 2

719 51 0
                                    

Sorry, if this took so long to post. And thank you for waiting.

Warning: long update ahead. Kaloka road to 8k words >__< . Sana di kayo mabored.

Enjoy reading!

Gabby POV

Dahan dahan ko iminulat ang aking mga mata, at agad ako sumalubong sa akin paningin ang puting kisame.

Napakurap pa ako ng ilang beses dahil hindi pamilyar sa akin ang kisame na to.

Nasaan ako?

Ikinusot ko ang aking mga mata para tuluyan na magising. At dun napansin ang swero sa akin braso.

Bakit may ganito ako? What happened to me?

Medyo gulong gulo ako sa pangyayari dahil hindi ko alam kung bakit may dextrose ako. Kaya I tried to roam my eyes in my surrounding and saw that I am in an unfamiliar place.

Medyo maingay ang paligid, ibat ibang boses ang aking naririnig. And I saw curtains on both sides and a table on my left. May nakita din ako sa paanan ko na may dumadaan na mga nurse and doctors.

Napakunot naman ang noo ko sa akin nakikita, kaya naman balak ko sana bumangon. But something hit my right hand.

It was someone's head. Sleeping on my bed.Nagulat ako ng masagi ko iyon pero agad ko din nakilala ng gumalaw ito at tumagilid para mapaharap sa akin ang kanyang mukha.

Matrix.

And when I saw his face, agad naman may pumasok na memorya sa akin isipan. To where it answers on why I am here in this place.

Oo,nga pala. Sinundan pala namin sila dun sa warehouse at tyming nung pagpasok namin ay nakita ko ang paparating na sapot kay Matrix.

Hindi niya iyon napansin, at mabibiktima na sana. But I push him out of the way. I remember now getting hit by the spider's web at tuluyan nawalan ng malay dahil sa higpit ng pagkabalot.

Siguro nasa hospital ako ngayon, dahil sa nangyari sa akin. Baka nawalan ako ng malay gaya nung mga tao sa NSL na nabalot din sa sapot.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung may kakaiba nangyari pa sa akin.

But besides my sprained feet mukhang wala naman ganun nagbago sa akin.

Hmm...muntik ko na nakalimutan. Nasprain nga pala ang paa ko. Pero ang bilis ko nakatakbo kanina hindi ko na inalintana ang sakit,para maitulak si Matrix palayo sa sapot na yun.

Grabe kasi ang dagundong ng puso ko ng makita na mapapahamak siya. I can't stand to watch him get wrap up on that spider web. Kaya naman hindi na ako nag aksaya ng oras para takbuhin at itulak siya nun.

"Alam mo bang grabe ang kaba ko nang makita mabibiktima ka ng spider na web na yun," bulong ko habang tiningnan ang natutulog na Matrix. "Parang bumalik sa akin ang alaala nung nasa Isla verde tayo eh. Yung nabiktima ka ng halimaw. At ayoko na maulit yun muli."

Napailing na lang ako sa akin nasabi saka bahagya napangiti. Hayy naku, Gabriella, kahit anong galit galitan mo sa kanya, lumalabas pa rin talaga ang tunay mo na nararamdaman.

At dahil sa pangyayari na ito, bigla ko na napagtanto na siguro oras na para ipalabas ko na ang totoo kong nararamdaman.  Tama na ang pagtanim ko ng sama ng loob sa kanya, dahil sa nakaraan. Kasi alam ko naman na kahit ganun na ang ginawa niya sa akin patuloy pa rin naman ang nararamdaman ko sa kanya.

Walang nagbago at kailanman di nawala. Kahit anong sabi ko na nakamove on na ako.

Aigoo, Gabriella! Bakit kasi napakapabebe mo! Kinailangan mo pa mabalot sa sapot para marealize iyon eh. Kaloka ka!

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon