TPD: Chapter 2.3 pt.1

652 42 5
                                    

Sa kinailangan ko putulin ang chapter na to, kapag kasi eiinsert ko pa ang isang scene baka maging 10k words na siya. Kaloka pag ganun, epilogue word count na ghorl! 😆 pero wag mag aalala kasi popost ko din agad ang kadugtong, baka bukas ;)

Dedicated to GoddessMoon. Hey D, alam ko nasa Season 1 ka pa lang hehhe pero dedicate ko na sayo ang chapter na to dahil sa bonggang bongga mo na support. Tenchu 😘

Enjoy reading!

Mikko POV
"CANON BALL!!!" Sigaw ni Patrick tsaka  tumalon sa pool.

"Litseee!! Patrick!! Sabi ng wag mo akong basain!" Inis na sigaw ni Parekoy na naka upo sa gilid ng pool kasama si Gabby.

Natawa na lang ako sa pagkainis ni Parekoy kung kaya't lumapit ako sa kanya at tinapunan siya ng tubig galing sa pool.

"Mikko! Ano ba!"

Natatawa ako sa aking ginagawa dahil parang pusa umiilag ang parekoy ko habang sinabuyan ko ng tubig  "Maligo ka na kasi. Ang sarap ng tubig dito sa pool ouh! Gabby, ikaw din."

"Nah, I'll pass. Masyado malamig ang tubig. Bukas na lang tutal matagal pa naman ang overnight natin dito." Ani ni Gab habang naka talukbong ng towel para hindi siya direktang nababasa.

"Come on Kye and Gabby join us in the pool its fun!" Yaya ni Haylee sa kanila habang nakasampa sa donut niyang salbabida.

"Oo nga! Halina kayo dito ang sarap sarap ng tubig!! Whiiiii!!" Sambit ni Patrick saka tinatapunan ng tubig sina Gabby at Kye.

"Ano ba, tigilan mo yan Patrick!" Reklamo ni Kye tsaka mabilis nakatayo "Bakit ba ako ang binabasa niyo. Puntahan niyo kaya ang kaibigan niyo dun nasa kwarto niyo at siya ang basain niyo ng tubig!"

"Hehehe nakakapagod na umakyat sa kwarto Kye para gawin iyon kay Nyle. Kaya ikaw na lang. Hahahah" tuwang tuwa si Patrick sa ginagawang pagsaboy ng tubig kay Kye.

Maganda naman talaga kasing tuksuin yung mga tao na ayaw maligo pero pumupunta sa gilid ng pool. Kaya hindi ko masisisi si Patrick sa ginagawa niya kay Parekoy.

Nagpatuloy si Patrick sa pagsaboy ng tubig dito. At sinabayan ko pa siya.

"Ayaw niyong tumigil ha! Sige hintayin niyo ako dyan sa pool dahil lulunurin ko kayo!!" Galit na sabi ni Kye sa amin

Kaya naman napatigil kami dahil parang nakikita namin na umuusok na ang ilong ni Kye sa inis. Mabilis niya hinubad ang kanyang cover up at nakapagpalit siya agad ng panligo.

"B-bespren mukhang lagot ata tayo." Lumapit si Patrick sa akin tsaka nagtago sa likuran ko

Napalunok naman ako sa kanyang sinabi at binabantayan ang kilos ni Kye.  At nang tumalon na siya sa pool sabay kami napasigaw ni Patrick at naghiwalay ng direksyon sa paglangoy.

"Saan kayo pupunta? Bumalik kayo dito!!" Sigaw ni Kye at mabilis na nahawakan ang mga braso namin ni Patrick.

"Kye! Kye! Sorry di namin sinasadya! Ahhh! Di na kita babasain, pramis!" Nagmamakaawa sabi ni Patrick kay Kye

"P-parekoy, joke joke lang naman iyon kanina." Saka tumawa ako ng hilaw "Kumalma ka please."

"Kalma your face!!" Sigaw niya tsaka sabay hinawakan ang mga ulo namin ni Patrick

"Teka! Teka! Te-blblblblbbbb," yan na lang talaga ang nasabi ko dahil hindi na kami hinayaan ni Kye magsalita pa.

Kingina babaeng to!! Ang lakas lakas.

Nakalublob kami pareho ni Patrick sa ilalim ng tubig at ng magtagpo ang mga mata namin hindi ko maiwasan sipain siya. Kasalanan niya to eh!

Nagtaka naman si Patrick sa akin ginawa, at mukhang nakalimutan niya na nasa tubig siya dahil nagsalita ang gago.

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon