TPD: Chapter 2.6

669 53 10
                                    

Hindi ako best in Chemistry, but I did try my best para sa chapter na to. Kaya medyo natagalan,  dahil nagresearch pa ng konti si ateng niyo . Though kinakabahan ako dahil baka may mamali pa rin sa mga impormasyon. So kung alam niyo ang tama imessage niyo lang ako, para macorrectionan ko agad.

Time check: 1:18 am. Amazing!

Enjoy Reading!

Mikko POV
"Pasencya na. Pero hindi kayo pinahintulutan na pumasok dito." Pagpigil ng Guard sa amin dito sa NSL.

"Importante po to! Please, sabihin niyo kay Dr. Neumann. Kailangan namin siya makausap." Pakiusap ni Gabby dito. Sinubukan niya makapasok pero hinarang siya ng isang security guard

"Busy si Dr.Neumann, kaya naman hindi niyo siya pwede makausap ngayon."

"Hindi niyo ba nabalitaan ang nangyari kagabi? Papunta ang mga gagamba dito sa NSL, kaya naman-"

"Pakialam namin sa mga gagamba na iyon. Kayang kaya namin ito barilin!" Putol ng isa, sa pagsasalita ni Patrick.

"Pero Sir, may kailangan lang kami tanungin kay Dr. Neumann. At importante-"

Di natapos ang sinabi ni Gabby, dahil agad na sumingit ang isa pang security guard

"Ang kulit niyo! Kanina pa namin sinabi hindi pwede!" Asik nito, head ng security ata. Umuusok na ang ilong at nakakuyom na ang mga kamao.

Mukhang gigil na gigil na siya sa amin. Hinawakan ko sa balikat si Sir Sev para pigilan sa pagsalita. I think we should not anger them more, dahil baka pagsisipain kami nito paalis.

"Mikko, bitawan mo ako! At kakausapin ko ang mga mukhang bulldog na security guard na to! Naiinis na ako sa kanila." Tinanggal ni Sir Sev ang aking kamay.

At di ko na napigilan pa ang pagsalita niya, "Mga manong, bakit ba hindi kayo nakakaintindi ha! Sinabi ng importante eh! Buhay natin lahat nakasalalay dito!" Matapang na sagot ni Sir Sev dito, tsaka kumilos ng malalaking hakbang patungo sa head. At tumingkayad para magpantay sila. "Kaya naman sabihin niyo kay D-ack!"

"Sir Sev!!" Napasigaw kami lahat ng sinakal nito si Sir Sev sa kwelyo tsaka tinulak.

Mabilis din naman namin siya nasalo bago pa napaupo sa sahig.

"Hindi nga pwede sabi! Umalis na nga kayo dito, dahil kung hindi mapipilitan kami gumamit ng dahas!!" Sindak nito sa amin, tsaka sumenyas sa mga kasamahan nila na security guard.

So hindi pa dahas ang pagtulak ng ganun kalakas kay Sir Sev?!

Agad nagsilapitan ang mga iyon tsaka isa isa kami pinaligiran.

"Teka! Teka!" Magsasalita pa sana si Sir Sev pero nahawakan na siya ng dalawang security sa magkabilang braso

"Boss! Dahan dahan sa pagtulak!" Reklamo naman ni Patrick habang tinutulak ng marahas ng security guards.

"Hey, watch it! Bitiwan niyo braso ko!!" Iniwakli ni Nyle braso niya ng hinawakan siya ng security.

Ganun din si Gabby, mabilis nito kinalas ang braso niya ng mahawakan,"Di niyo kailangan itulak ako, ok? Sasama ako ng maayos!"

Habang si Matrix tahimik lang, pero nakatingin ito ng matalim sa security guard na humawak kay Gabby kanina.

"Hoy ikaw! Ano pa tinutunganga mo dyan! Ayaw mo umalis ha!"

Napatalon ako ng marinig ang boses na iyon, di ko inaakala na may katabi na pala ako na security guard.

Agad nila hinawakan ang aking mga braso ng mahigpit. Pucha! Ang sakit!

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon