TPD: Chapter 1.8

668 45 8
                                    

Happy Fathers day sa papa ko at sa lahat ng tatay sa mundo. ^^ Akala ko mapopost ko kahapon, pero hindi ko natapos. Nirevise ko kasi ang chapter na to. At nahirapan konti sa mga susunod na eksena. Mabuti na lang at nainspired ako sa mga comments niyo habang nagtatype natapos ko din ang chapter na to. Thank you ^^

This chapter is dedicated to @ simplesityG . Hi po, Thank you for giving my story TPD a chance. At sa patuloy na pagsuporta sa story ko po. Your support really means alot. ^^ 

Enjoy Reading!

Patrick POV

"Bespren!!!" Sigaw ko at agad na niyakap si Mikko ng makaalis ako sa pesteng quicksand na iyon.

"Ackk! P-patrick! A-ano ba ang higpit." Reklamo niya sa akin tsaka kinalas ang yakap ko

"Grabe ka talaga Mikko hindi mo man lang naapreciate ang yakap ko sayo. Alam mo bang grabe yung pag aalala ko  sa inyo ng hindi namin kayo makita kaninang umaga. Tapos ganito ang igaganti mo sa akin. Grabe siya ouh!" Sabay hawak sa dibdib

"Tigilan mo ako sa pagdadrama mo Patrick kasi kung hindi, ebabalik kita dun sa Quicksand."

Kita mo na ang sama talaga ng ugali ng lalaking to! Pasalamat siya at Bespren kami!

"Haylee, mabuti naman at maayos lang ang lagay niyo. Pero paano kayo nakapunta dito? Ano ba ang nangyari at nawala kayo kaninang umaga?" Puno ng pagtatakang tanong ni Gabby

Bago sumagot nagkatinginan muna sina Haylee at Mikko na ikinagulat ko . Uie! Bakit may tinginan na ganun? Naks! Umamin na ba ang Bespren ko?

Sila na ba ng dream girl niya?

"Bespren ha! Hindi mo naman sinabi na natutunan mo na pala maging totoo sa nararamdaman mo. Mabuti at uma-"

"Tumahimik ka Patrick! Ano bang pinagsasabi mo!" Putol ni Mikko sa akin

Napaisa naman ang kilay ko at naguguluhan na tumingin sa kanya at kay Haylee

"Huh? Hindi mo pa ba nasasabi na may cru-hmmph!" Mabilis na tinakpan ni Mikko ang bibig at ilong ko.

Pucha! Di ako makahinga!

"Tumahimik ka Patrick, dahil hindi ang iniisip mo ang nangyari sa amin." Bulong niya sa akin tenga.

Ohhh, hindi pa pala siya naka amin! Ampucha! Akala ko graduate na siya sa pagiging torpe.

"Mikko, Patrick is everything alright? What happened?" Sumilip si Haylee sa akin direksyon at agad naman binitawan na ni Mikko ang takip niya sa bibig at ilong ko.

Langya ka Mikko! May plano ka ata patayin ako! Muntik na ako maging kakulay ni Barney dahil sa lack of oxygen.

"Hayaan mo na lang yan sila Haylee. Dahil umaandar lang ang ka abnormalan nila,"komento ni Matrix

"Agree. Instead why dont you tell us what happened to you guys. And how did you find us?" Tanong ni Nyle sa kakambal

"I will tell you everything that had happened. And you need to see this also. Follow me." Biglang lumakad si Haylee kaya naman agad kami sumunod sa kanya.

At habang naglalakad kwinento niya sa amin ang kanyang weirdo na panaginip na kung saan nandun si Kye, at ang painting na kasama nito si Adriano.

Sinabi din ni Mikko na kagabi gusto niya lang daw bisitahin si Kye pero nakita niya si Haylee lumabas at sinundan ito para puntahan ang painting. Tapos daw bigla silang naramdaman sa kanilang likuran at nakita nila ang isang parang asul na bolang umaapoy.

"Santelmo? Yung bolang apoy na nanghahabol ng tao?" Sambit ni Gabby ng mabanggit ang tungkol sa asul na apoy.

"Hindi eh. Kakaiba ang bolang asul na apoy na yun. Nung nakita ko nga siya pakiramdam ko parang may sinasabi siya sa akin, may pinapahiwatig kumbaga," sabi naman ni Mikko

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon