TPD: Chapter 2.7

661 50 10
                                    

Sorry natagalan ang update. ✌ di bale long update ahead.

Enjoy reading!

Gabby POV

Hindi ko mapirmi ang aking kamay sa paggalaw. Pakiramdam ko ang kati kati nito kaya pinaglalaruan ko ito habang naghihintay na magawa nina Nyle ang chemical na makapagpatunaw sa supot na nakadikit sa amin ni Matrix.

Konti lang kami nasa loob ng kwarto na to, dahil napagdesisyunan na mas mabuting hindi maging crowded ang loob ng Lab C-4 para mas mapabilis ang pag gawa.

Tanging sina Nyle, Sir Sev, Miss Clau at kami ni Matrix ang nandito sa loob. Habang nasa cafeteria ng NSL sina Kye. Gustuhin ko man sumama kina Kye  pero hindi pwede,kasi kami ang experiment subject sa chemical na ginagawa nila. Sa tuwing may nagagawa sila agad nila ito binubuhos sa supot sa likod namin upang malaman kung natunaw ito o natanggal man lang.

And so far, wala pa rin nakakapaghiwalay sa amin na chemical. I am still stuck with Matrix.

I have been stuck with him for fifteen hours already. At gustong gusto ko na maghiwalay kami. I felt awkward with him by my side this close.

Simula nung nagkadikit kami nagiging abnormal na ang tibok ng aking puso. Not to mention, I always need something to look at to distract myself from looking at him. Coz if I do, agad na iinit ang aking pisngi at tenga.

Kakainis talaga ang gagamba na iyon! Kung kailan nagkakomprontahan kami ng nakaraan ni Matrix, dun pala talaga niya kami pinagdikit sa isat isa. Ang awkward tuloy!

At ang malala pa dito, I know since last night gusto niya ako kausapin. He tried to, but I always conjure up excuses. So that, I wont talk to him.

Hindi pa ako handa na pagusapan muli sa pangalawang pagkakataon tungkol sa nakaraan namin.

Though he did say that he wants to start anew, may kung ano pa rin bumabara sa akin puso na naduduwag para sumang ayon dun.

For I know if I let myself do that,then most likely that the feelings that I have forgotten will come back.

Nakakatakot balikan iyon, sabi ng isa kong pagiisip.

Pero sigaw naman ng isa ay, 'Kailan ba ito nawala Gab?'

Ahh! Aigoo!

Binubuking na ako ng aking pag iisip. Panigurado ang sanhi nito ay ang pagiging malapit namin ngayon.

Kailangan na talaga magawa nina Nyle ang chemical na makapag hiwalay sa amin. For I don't know whether I could still stop it.

"Nyle! M-meron na?" Di ko maiwasan di mapatayo ng makita papalapit siya sa amin.

Inilagay pa ni Nyle ang kamay niya sa batok at sinubukan patunugin. Senyales na napapagod na siya. With his lab coat, and goggles place on top of his hair, medyo di ko maiwasan di makomento sa akin isipan na bagay na bagay kay Nyle ayos niya. Bagay ang Koya Nyle niyo maging Scientist.

"I don't know if this will work, but it's worth a shot." Agad na pumunta si Nyle sa likod namin.

Sinubukan ko ito lingunin, with my fingers cross.

Dahan dahan niya ito binuhos, and we waited for the result.

But to no avail, it didn't work.

"Sorry," Nyle sigh.

Di ko din maiwasan di madismaya. Shemay! Mapaghihiwalay pa ba kami nito?

"Ok lang yan, Nyle. May oras pa naman eh," saka tumingin ako sa orasan. Alas tres na pala ng hapon. Mahabang oras na pala ang dumaan simula gumawa sina Nyle ng solvent. "I am sure by the end of the day magagawa niyo rin iyon."

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon