TPD: Chapter 2.9 pt.2

606 42 15
                                    

As promise! Part two is here! Sana magustuhan niyo.

Enjoy Reading!

Gabby POV

"Ahh!" I heard a scream near me at hindi ako nahirapan hulaan kung kanino galing iyon.

Dalawa lang naman kaming babae dito, kaya obviously sa kanya galing iyon.

And I was right!

Currently, hinahabol si Ginger ng mga gagamba, dahil nabitawan niya ang kanyang gagdet na ibinigay namin. It was the ballpen that can turn into a pole na may hidden tazer.

Hindi na namin siya binigyan ng katana dahil limited lang ang bilang nito. Saka alam din namin di siya sanay gumamit. Kaya yung pole ang ibinigay namin, para kuryentehin ang mga iyon, at kung sino man malapit sa amin ay yun na ang maghihiwa sa gagamba.

I was against of her joining this. Pero pumayag ang magaling na asungot, and he promise that he's gonna protect Ginger in this battle.

Pumayag na lang din ako, dahil sabi niya siya bahala eh!

Kaya naman ngayon, malaking katanungan sa akin kung nasaan na ang asungot na yun? Bakit niya pinababayaan ngayon na habulin ng gagamba ang cheerleader niya!

"Ahh! Help!" Sigaw nito ulit at patuloy sa pagtakbo at pag iwas ng mga supot na binabaril ng gagamba.

Tinapos ko muna ang laban ko sa isang gagamba na to, bago ko tinakbo ang direksyon ni Ginger.

Agad ko tinalon ang gagamba na humabol sa kanya, saka sinaksak para di na makagalaw.

"Oh my gosh! That was close! Thank you so much, Gabby!" Pasasalamat ni Ginger sa akin habang hinahapo.

Isang tango lang ang sinagot ko sa kanya dahil naiinis ako harapin siya. Alam ko naman wala siyang ginagawa sa akin. Pero naiirita lang ako sa pagtanggol ni Matrix sa kanya, tsk!

Kalma, Gabby. Ginusto mo to, kaya panindigan mo.

Paulit ulit ko iyon sinasambit sa akin utak, saka nagpakawala ng buntong hininga at kinuha ang nahulog niya pole tsaka inabot sa kanya.

Kinuha niya iyon habang may ngiti pa rin sa labi. Iba din ang babaeng to, nasa kalagitnaan ng pag atake ng mga gagamba pero nagawa pang ngumiti.

Pinapanindigan niya talaga ang award niya noon Christmas Party, ang "Best Smile on Campus". Psh!

Napapailing na lang ako at pinilit na mawala ang bad vibes sa akin katawan.

Gabby, be kind! Wag patubuin ang sungay mo.

"Ginger, bakit ikaw lang mag isa? Nasaan si Matrix? Diba dapat nasa malapit ka niya ngayon?" Di ko maiwasan di tanungin siya sa kung bakit nandito na siya sa pwesto ko.

At bago siya sumagot, sinakop niya muna ang kanyang buhok saka inilagay sa kanan balikat niya na may naiilang na ngiti, "Well you see, Gabby. Gusto ko kasi makatulong. At habang nasa tabi ako ni Matrix, di niya ako hinahayaan na gumalaw. So, pumunta na lang ako dito sayo. Para girl power tayo! For it has been my secret dream na lumaban kagaya sa movies. Like Kim Possible! Diba Cheerleader siya and magaling sa Martial arts? So me, right?"

Ay ganun! Kinompare niya talaga ang sarili niya kay Kim Possible. Eh di wow! Kung magaling naman pala siya nag martial arts, bakit di niya gamitin iyon? Kaysa nagpapahabol sa gagamba!

Muntik na ako umirap sa sinabi ni Ginger at mabuti na lang napigilan ko.

"Atsaka Gabby, I saw that you need help in here. Kaya naplanuhan ko na baback upan kita!" Sabi niya bigla

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon