TPD: Chapter 4.2 pt. 2

678 47 33
                                    

Thank you so much for answering the question from the previous chapter. Having to read those made my heart so glad. Thank you for appreciating this story ^^. And for the patience and understanding while waiting for the update. Lavyah all! ❤

Enjoy reading!

Gabby POV

"Bakit? Bakit? Bakit nandito ako! Nakng! I feel so betrayed!" pagdadabog ni Patrick habang paakyat kami sa third floor ng highschool building.

"Patrick, pwede ba itikom mo na yan bibig mo? Kanina ka pa nagrereklamo, di ba yan napapagod?" Saway naman ni Matrix sa gilid nito.

Mukhang naririndi na ito sa pag iinarte ni Patrick dahil simula nung nagrupo kaming tatlo para magsimula na magimbestiga sa multo, halos hindi na ito natahimik.

Tuloy tuloy ang pagrereklamo niya. For the reason, na kami ang kagrupo niya.

"Ang saklap ng buhay ko! Ang saklap, saklap! Bakit tayong tatlo ang magkagrupo?"

Napapailing na lang ako ng marinig ang kanyang hinaing. Ano ba talaga ang problema nito sa amin?

Bakit hindi ito matigil tigil sa pagreklamo? Ganun ba kasama na maging kagrupo kami? Parang di naman ah.Ang galing kaya namin ni Matrix.

Kaya naman dapat hindi mabahala si Patrick na nasa iisang grupo kami.

Ang Disadvantage lang naman sa pagiging grupo namin ay yung naka aassign kami sa third floor. Ang palapag na kung saan parati nakikita daw ang multo.

Kaya naman napagplanuhan kanina na ang may tatlong miyembro ang siya magiimbestiga dito. Para kung sakali maraming man power kung magpakita ang multo.

And luckily, kami iyon. Explanation ni Nyle dito kung bakit nasa iisang team kami. Dahil pareho soccer player sila Matrix at Patrick kaya naman mabilis sila makakatakbo upang mahabol ang multo.

Habang ako mabilis din naman ako tumakbo. Yun nga lang sa tingin ko mas mabilis si Kye sa akin. Dapat siya yung nandito kaysa akin. Sinuggest ko na iyon kanina. Pero hindi pumayag si Matrix at si Nyle.

Well hindi na ako nagtaka kay Nyle kung bakit ayaw niya pumayag. Ehem. As for Matrix...ugh, no comment.

Di na ako nakipagtalo sa kanilang desisyon dahil balak ko reserbahin ang energy ko sa multo. Wala lang sa akin kung pumayag o hindi sila, okay lang naman ako imbestigahan ito. Eventhough, there's a possibility we may encounter the ghost.

Mga bata lang naman iyon kaya naman kayang kaya lang ng powers ito.

Pero iba ang pananaw ni Patrick. Dahil para sa kanya kahit bata pa ito, multo parin daw iyon.

Haay naku, Patrick! Isang palaisipan sa akin kung kailan ba ang lalaki na ito masasanay. Mag iisang taon na kami sa paglulutas ng paranormal mysteries kaya naman dapat wala na sa kanya ito.

But then again, baka masyado pa din maaga para masanay sa isang taon paglulutas ng kababalaghan si Patrick. Maybe, he still needs a little more time, and hoping that in the near future he will have the courage to face paranormal entities without shaking in fear.

Kaya naman sa ngayon, dapat ko muna siya pakalmahin at aluin. Dahil bukod sa gusto ko siya kumalma, one of the reasons that I need him to stop being so nervous, ay dahil masyado na siya maingay.

Mahirap na matunugan kami na papalapit ng mga multo balak namin hulihin. Gamit namin ngayon ang infrared spirit glasses namin to check if its in this halls.

Pero so far, wala naman. This gadget functions as if may third eye ka. Kaya nito makakita ng multo, yun nga lang infrared style. You can't really see the ghost unless he/she will show itself to you.

Teenage Paranormal Detectives {Season 2}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon