PART VIII - PAGLIPAS

36 0 0
                                    

PART VIII - PAGLIPAS

By: Edcel O. Dela Cruz

Lumipas ang oras sa buhay ko.. Oras ay naging araw, araw ay naging buwan, buwan ay naging taon pero hindi na ako nakatanggap ng anu mang balita kay jane.

Dalawang taon na ang lumipas nang huli kong makita si jane. ang bilis lang ng panahon at 4th year college na ako. Hindi naging madali sa akin ang Mabilisang pagkawala nya. may mga araw noong hindi ko mapigilan ang sarili sa pagluha.

May araw ding un na halos di na ako kumakain at walang gana.. pero kahit ganun ay umaasa parin akong babalik si jane at hihintayin ko parin sya.

Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko. Kahit mga kapulisan ay minabuti kong puntahan. kahit sa school ay inireport ko ang pagkawala nya. May mga dokumentong naiwan si jane na doon nga sila nakatira. Ang ipinagtataka ko lang ay wala namang tao dun nang pinasok ng mga pulis. walang bahid na may tumira sa bahay na yon.. Kahit mga litrano o ano mang bagay na may koneksyon kay jane ay hindi ko nakita.

Naging malaking usap usapan sa skul at sa probinsya namin ang pagkawala nya. marami ang nagsasabi na baka matapos ginahasa ay itinago o ibinaon ang katawan ni jane..

Hindi talaga ako makapaniwala nung una pero wala na akong maisip pang dahilan kundi ang tanggapin sa sarili ko na wala nang jane sa aking buhay.

nasa kama ako nun tinitingnan ko ang mga litrato namin ni jane na magkasama. Masaya. napakasaya ko sa mga oras na ito.

Napaisip tuloy ako. Napakaikli lang ng mga oras na ibinigay sa amin. masyadong mapagbiro ang tadhana para sa aming dalawa. Di ko pa manlng nasabi sa kanya ang nais kung ipahatid..

Nagpatuloy ang buhay para sa akin, nagojt ako sa isang banko malapit sa kinatatayuan ng bahay nina jane. Nasa city lang din kasi ang bahay nila. kaya bago ako pumasok sa pinag oojthan ko ay dumadaan talaga ako sa bahay nila.

Naging focus ako sa aking OJT. naibaling ko nalang ang atensyon ko sa mga bagay bagay..

tatlo kaming magkakaklaseng magkasama sa bangkong ito. ako, si nikki at si jake.

"Dust, okay ka na ba?" tanong ni nikki na nagpprint ng ledger.

"okay ang ako nik. salamat sa pagaalala."..

"Bro, masyado ka nang stress dahil sa jane na iyon." dagdag ni jake.

"Kailangan mong kalimutan sya dust, un lang ang tanging paraan para maipagpauloy mo ang buhay mo" sabi ni nikki.

meju natauhan ako sa mga sinabi ni nikki.. tama sya. tama sila. bakit ko ba ito ginagawa sa sarili ko. pinaparusan ko ang sarili ko. Di ko parin maiwala ang pagaalala sa kanya.

"dust, matagal na tayo ng barkada, nagaalala na kmi sa iyo. kaya nga ginagawa namin ang lahat para lang maging okay ka." paliwanag ni jake sa akin.

Tango ang nalang naitugon ko sa pagaalala nilang dalawa.

Paguwi ko sa bahay ay nakita ko si mama sa sala kasama si papa.

"ma, pa andito na ako."

"Anak, halika maupo ka muna." sabi ni mama.

sa mga oras ding un ay maykinutuban ako. may kung ano akong naramdaman sa kanila..

"Nak, medyo nakikita namin ng papa mo na iba na iba ka na ngayon. Ang pagkawala ni jane ay hindi magpapahinto ng oras mo anak" sabi ni mama.

"marami pang ibang babae sa mundo anak" dagdag pa ni papa.

"Alam mo anak, Ang pagmamahal ay parang isang sugal lang yan. Kahit ilang ulit kang tumaya, Walang kasiguraduhan kung mananalo ka." sabi ni papa.

Kung tutuusin ay tama sila.. siguro nasabi lang nila yun para marealize ko din naman na ang buhay ay kailangan ipagpagpatuloy.

Hanggang sa aking pagtulog ay iniisip ko parin ang sinabi nila pareho sa akin.

pero sa loob ko, umaasa parin akong babalik si jane. babalik sya at ipagpapatuloy namin ang maganda naming pagsasama at sasabihin ko na ang nararamdaman ko.

Mayamaya ay bumangon ako sa kama at kukuha sana nang maiinom ng nakita ko si papa na nakaupo sa kusina.

"Pa, gising ka pa?"

"Oo anak. matutulog nadin ako. ikaw? bat gising ka pa? Iniisip mo parin ba si jane?"

Tango nalang ang naisagot ko kay papa.

"Alam mo anak my sasabihin ako."

"Naranasan ko narin ang mawalan ng minamahal. Ganyan na ganyan din ako noong kapanahunan ko. Oo masakit pero kailangan mong tandaan na maikli lang ang buhay anak. Bata ka pa at marami ka pang makikilala."

"Bakit ano po ba ang nangyari sa inyo pa?"

"Mahirap ipaliwanag anak. kinalimutan ko na iyon. Basta ngaun ay okay ako." seryosong sabi ni papa.

Naging maganda ang paguusap namin ni papa. Naikwento nya sa akin ang kanyang buhay pagibig bago paman sila nagsama ni mama. Kung tutuusin ay mas grabe pala ang naging karanasan ni papa.

Itutuloy..

BEFORE I CAME BACK (Completed)Where stories live. Discover now