PART VII - PAGKAWALA

46 0 0
                                    

PART VII - PAGKAWALA

By: Edcel O. Dela Cruz

Maganda ang pagkakasiging ko ngayon siguro dala narin ng pagiging inlove. yieks..

Kunuha ko ang aking Celphone upang tawagan sana si jane pero di nya sinasagot..

"haay. ano kaya ang nangyari sa magandang babaeng ito?" tanong ko sa sarili.

Maaga akong pumunta sa skul dahil me exam daw sa first period.

"Dust! nakita kita kahapon!" pagbubulalas ni nikki.

"Yea. at saan naman yon abir?"

"Sa museo kasama ng syota mo. Infairness. megende ang lola." nakakairitang biro nya.

"okay okay.. di lang un maganda. mabait pa."..

Nasagi tuloy sa isip ko kung asan nga ba talaga si jane sa mga oras ngaun.

Pagkatapos ng klase ay pinuntahan ko ang best spot ko. ang punong mangga malapit sa library.

Wala akong nakitang jane dun. kaya minabuti kung magpalipas ng oras nalang sa canteen.. pero nagbabaka sakaling makita ko din sya doon.

SA CANTEEN:

"Hi miss, you're jamie right? Kaklase ka ni jane dba? pwede bang magtanong kung asan sya ngaun?" tanong ko.

Alam kong hindi palakaibigan Si jane. wala syang masyadong close sa mga kaklase nya dahil narin sa bagong salta sa skul at tahimik. Naitanong ko lang baka nakita nya si jane.

"hmmm sorry dust pero hindi sya pumasok kanina.. baka may sakit dust"..

"ahh ganun ba. cge salamat nalang jame".

Meju nagalala na ako kung napano ba si jane pero iniisip ko nalang na baka nga di masyadong maganda ang pakiramdam nya.

KINAGABIHAN.

"Jane, ano ba. bakit ayaw mong sagutin ang telephono." inis na paguusisa ko.

Marami nang sitwasyon ang nasagi sa isip ko.. baka napanu sya. baka kailangan ako..

Maghahating gabi na at di padin ako makatulog. Di ko padin pinalampas ang pagtawag sa numero ni jane pero nawalan na yata ng signal. di ko na matawagan.

Nagpasya akong ipagpalipas muna ang gabing ito. Bukas ko nalang sya pupuntahan sa kanila. Sa puntong iyon ay positibo ang pilit na iniisip ko..

"Dustin, bukas nalang. walang mangyayari kay jane. okay sya."..

Pagkagising ko ay cellphone ko agad ang kinuha ko para tingnan kung may ipanadala bang mensahe si jane. pero nabigo ako. walang kahit ma anong txt na nang galing sa kanya kaya minabuti kong puntahan nalang sya bago ako pumasok sa skul..

"Tao po.."

"Jane!?"

"Tao po!?"

Nasa labas ako ng kanilang bahay pero walang may bumubukas ng pinto..

naghintay ako ng ilang oras..

Masyadong makaluma ang bahay na tila bahay pa ng sinaunang hapon. Makikita mo rin ang desinyo ng mga sinaunang bintana sa kanilang bahay.

Magandang bahay dahil malapit sa panay river ay makikita mo talaga ang tanawin ng syudad ng roxas.. Naisip ko tuloy na pwedeng pwede si jane magapply sa BIR nito. kung sakasakali ang lapit lapit ng bahay nila..

maya maya ay may isang mamang dumaan.

"Iho? kanina pa kitang nakikita. Sino ba ang pinuntahan mo sa abandonadong bahay na iyan?" tanong nya.

Di ko maintindihan ang naging reaksyon ng mama.. paanong abandonado dahil dito ang sinabing bahay ni jane sa akin noon.

"Abandonado ho po ba? pero dito nakatira ang kaibigan ko si jane"..

Ipinaliwanag ng mama sa akin na matagal ng walang tao dito..

sa pagkakaalam nya ay isang marangyang pamilya ang nagmamayari nito noon ngunit lumuwas nadin ng ibang bansa kaya naiwan ang bahay sa pangagalaga ng care taken na sumakabilang buhay na magihigit sa dalawangput taon na.

Halos di ako makapaniwala sa mga sinabi ng mama pero iisa parin ang nasa utak ko. ang pagaalala kay jane.. nasaan na ba sya? baka napanu na sya? Bakit nya kailangan sabihing dito sya nakatira kung hindi naman pala.

Maraming katanungan ang ngaun sa aking pagiisip. ano ba ang totoo at alin ba ang hindi?

Itutuloy...

BEFORE I CAME BACK (Completed)Where stories live. Discover now