PART XVI - MASASAYANG ALAALA

21 1 0
                                    

PART XV - Masayang Alaala

by: Edcel O. Dela Cruz

Maingay ang mga tao.. hindi ko alam kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Hindi ko makita ang mga nagaganap sa aking paligid. Ang alam ko lang ay namamanhid ang aking katawan na tila wala na ng kalas upang tumayo.

Naririnig ko ang pag tangis ng isang boses sa aking giliran.

Nagmamakaawa..
Humahagulhol..

Pinapalakas ang aking loob.

Si dustin..

Kay dustin ang boses na yun.. at hindi ako pwedeng magkamali.

Jane, jane.. makinig ka. Andito ako.. please makinig ka.. kaya mo to.. magiging okay rin ang lahat.

Sa aking pagkakapikit ay ramdam ko parin na binubuhat ako. Ramdam kong tila inilagay ako sa isang stretcher.

Habang tumatagal ay nararamdaman kong medyo namamanhid ang aking leeg..

Nangangalay ang aking mga binti..

Maya maya ay naririnig ko na ang malakas na ugong nang isang ambulansya..

yun nalang ang mga naalala ko sa mga oras na yun.

Nagising ako sa isang maaliwalas na silid. Hindi ko pa masyado maigalaw ang aking katawan. Nanakit parin ang aking likod sa mga nangyari sa akin. Pakiramdam ko ay sa tagal ng pag kakahiga ko ay nananakit na ang aking likuran.

Pakiramdam ko marami na ang nagyari na hindi ko alam. Nung nakahiga palang ako marami na akong naiisip at napapanaginipan. Hindi ko alam kung epekto lang bay un ng mga gamot na tinuturok sa akin.

Pagkalingon ko nakita ko si dustin. Hawak hawak ang aking kamay.

"Dust.. Dust.."

Nagising si dustin sa pagkakatulog.

" Jane, Gising ka na. Salamat sa dyos at nagising ka na sa wakas jane."

Nakita kong umiiyak sa saya si dustin.

"Dust, Okay na ako. Wag kang mag alala. Okay na okay na ako."

"Sa tagal ng pagkakahiga mo akala ko jane hindi ka na magigising. Si Tatay Rene kani kanila lang rin umalis at ako muna ang nagbantay sayo dito jane." Sabi ni dustin

"kumusta pala siya dust? Okay lang ba sila ni nanay paola?" tanong ko.

Tinawag ni dustin ang aking pangalan. Nagtitigan kami sa mata at kitang kita ko na parang may nais syang sabihin sa akin.

"jane, alam kong magugulat ka sa aking sasabihin. Jane. May nangyari kay nanay paola"

"ha? Anong ibig mong sabihin dust? Ano? Hindi ko maintindihan!" pagtatanong ko

"jane, wala na si nanay paola. Nagkaroon sya ng heart attacked nung nalaman nyang na aksidente ka. Nung oras ding yun binawian sya ng buhay habang ikaw naman ay dinala sa ospital" paliwanag ni dustin

"pero bakit dust? Bakit?" pahikbi kong tanong

"Jane, magiisang taong ka na nandito jane. Sadyang malubha ang aksidente sayo at nagkaroon ka ng brain injury"

"Halos araw araw kitang binibisita dito jane, gusto kung malaman kong ano na yung improvement sayo. Sa isang taon nay un jane marami na ang nagyaring"

Hindi ko talaga paintindihan bakit nagkaganito ang pagbalik ko. Gusto kong isisi lahat sa mga naging reaksyon ko. Sana kung hindi ako tumakbo at nasagasaan buhay pa si nanay paola. Hagulhol at iyak nalang ang nagawa ko.

BEFORE I CAME BACK (Completed)Where stories live. Discover now