PART XVII - WAKAS

28 1 0
                                    

PART XVII – WAKAS
By: Edcel Odquier Dela Cruz

Makalipas ang ilang buwan wala na akong ganang kumain. Nanghihina. Nangungulila. Nawawalan na ng pagasa. Nilapitan ako ni tatay rene sabay sabing..

“Jane, palagi kang pinupuntahan dito ni dustin. Hindi mo manlang sya kinakausap. At tingnan mo yung sarili mo. Nangangayayat ka na. ano ba talaga ang gusto mong mangyari sa sarili mo jane?”pagusisa ni tatay rene.

“Tay, parang hindi ko na alam kung ano ang gagawin sa buhay. Pilit ko mang itama ang mga pagkakataon pero hindi ko magawa. Kahit itama ko man may mga bagay na nadadamay. Mukhang nagiging mahirap pa sa amin ni dustin ang mga lumilitaw na epekto. Kaya mas mabuti nalang siguro mawala ako tay. Hindi ko na kaya”

“Iha, sana ay pakatandaan mo ito. Marami pang pagkakataon habang buhay tayo sa mundong ito. Gamitin mo itong oras upang magsimulang muli. Alam kong mahirap sa umpisa pero wala tayong magagawa kapag hindi kayo ang itinadhana ng panahon. May nakalaan na tamang tao para sayo iha. Manalig ka sa kanya. Wag kang mawalan ng
pagasa.” Ani ni tatay rene

Habang naguusap kami ay may kumatok sa pinto. Dinig ko ang tinig ni dustin. Kaya binuksan ko ito.

“Jane, sorry. Sa lahat ng nagawa ko sayo. Sana pwede ko pang maituwid ang mga kasalanang nagawa ko sayo. We can be friends jane at alam kong yun ang pangmatagalang relasyon ang para sa
atin”.

Niyakap ako ni dustin at sabay abot sa isang papel.

“jane, please accept this. Gagawin kitang ninang sa anak namin ni Jackie”.
Naiyak ako sa aking nabasa. Hindi ako naiyak dahil magpapabintag sila.
dahil dun ko lang nalaman ang ipapangalan nila sa kanilang anak ay...

DUSTIN PAUL SANTOS JR.

Doon ko lang napag tanto na kaya pala ibang iba si Dustin sa panahon na napuntahan ko. Dahil hindi
nga sya ang taong minahal ko, kundi ang ama nya. Sa bilis ng pagtakbo ng mga pangyayari ni hindi ko na namalayan ang oras. Nasa ibang oras pala ang
napuntahan ko kagaya nung nangyari nung bumalik ako sa amin. Nung bumalik ako upang Makita sina
mama at papa.

Lahat ng ito ay hindi ko na maibabalik. Hindi ko na maiiba ang panahong ito dahil nasira narin ang orasan na gamit ko. Siguro nga ito ang itinadhana
para sa amin ni dustin. Hindi man ako makababalik sa kasalukuyan at nakaraan. Ang kinakailangan ko
nalang ay tangapin na sa panahong ito. Hindi kami ang para sa isat isa. Hindi kmi ang nakalaan. Siguro nga ipinagtagpo pero hindi itinadhana at ang kailangan ko nalang gawin ay ipagpatuloy ang buhay.
Naging mabuti naman ang pakikitungo sa akin ni Jackie. Kinalimutan na naming ang nakaraan. Matapos ang isang taon ay nakahanap ako ng mapapangasawa at pumunta kami ng ibang bansa
upang doon na tumira dahil naka base rin yung pinagtatrabahuan nya sa US. Meron na kaming isang anak na babae.

MAKALIPAS ANG ANIM NA TAON

“Hi, ikaw lang magisa?”

“Hindi nandoon si yaya” itinuro ang cottage sa kiluran.

“Pwede ba kitang maging friend?”

“Sure naman”

“Ako pala si Dustin James, Ikaw? Anong name mo?

“Ako si Elisha Jade.”

“Tara, laro tayo nitong barko jade.”

“Sige ba. Pero natatakot ako sa dagat”

“Wag kang magalala, humawak ka lang sa akin.
Walang mangyayaring masama sayo.


---------W A K A S---------

BEFORE I CAME BACK (Completed)Where stories live. Discover now