ANG BAGONG SIMULA (Reincarnation)

8 0 0
                                    

Ang Nakaraang Buhay
By: Dustin James

Masasayang sandali ay pinagkait sating dalawa
Pinagtagpo pero hindi itinadhana,
Lumisan ka at ako'y nagiisa.
Sana sa pagbalik mo ako'y dalawin sana.

Ako'y naghintay ng matagal na panahon.
Iniisip yung matamis na kahapon.
Ako kaya'y naalala mo pa?
Dahil sa aking isipan ika'y nakatatak na.

Namulat ako isang umaga
Nasa ibang panahon, nasa ibang petsa.
Walang ikaw, walang kakilala
ngunit, bakit ika'y naaalala pa?

Binigyan nga ako ng bagong simula
ngunit, ang lungkot sa puso'y hindi kinuha.
Ang lupit satin ng tadhana,
Saan nga ba ako mag sisimula?

Makalipas ng ilang taon,
Nawawala ka na sa alaala.
Ang pinakamasakit ay
nakakalimutan ka na bigla.

Pangalan, mukha at boses mo ay hindi na matandaan,
Ang alam ko sa puso ko'y hindi ka lang dumaan.
Ang aking isipa'y, pilit kang inaalala.
Sino ka nga ba? Ano ba kita?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BEFORE I CAME BACK (Completed)Where stories live. Discover now