PART I - ALAALA

156 0 0
                                    

PART I - ALAALA

by: Edcel O. Dela Cruz

"May sasagip sa atin, maghihintay tayo. dustin tibayan mo ang iyong loob."

"Pero paano ka? Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya ito, ilang araw na tayo lumulutang sa dagat na ito."

"Wag kang mawalan nga pag asa dust, may tutulong sa atin. bukas o di kaya mamaya may tutulong sa atin. huwag ka lang bibitaw sa pagkakahawak mo." yan ang pilit nyang paalaala sa akin habang hinahawakan nya ang aking mga kamay na tila bang ayaw nya akong bumitaw sa aking pagkakahawak sa bagay na iyon..

Nararamdaman ko ang pagkahina ng aking katawan, pag kauhaw at gutom ang halo halong nararamdaman ko.

Maya maya ay namanhid na ang aking mga paa at di ko na halos ma hawakan ang malaking lalagyang ng tubig na nagsisilbing salbabida ko upang hindi malunod.

"Dust! wag! wag kang bumitaw please!.."

Di ako makahinga, parang may kung anong humihila sa akin pailalim ng madilim na dagat na iyon. Sa pagkakalubog ko ay dinig ko ang sigaw ng babaeng kasama ko. nagmamakaawang bumalik ako. gustuhin ko man ay hindi ko kaya pang lumangoy pataas..

mahina na ang mga katawan ko..

Naramdaman ko ang huling hininga na nailabas ko sa aking katawan..

Hudyat din iyon ng pagtatapos na ang aking buhay.

krriiiiinnnnnggg..

krriiiinnnggggggg...

kriiinnnggggggggggg...

Kinapa ko ang aking cellphone at bigla kung nakita na mag aalas otso na. nagmadali akong naligo at nag bihis.

"Kainis ohhh. late na naman ako."

Maaaaaa! nakita mo ba ung longsleeve ko?..

ehhh ung neck tie?

ung ojt uniform?

ma?! ma?! ma?!

"hay naku anak! anjan na naka handa na po!" sagot ni mama sa akin.

"salamat ma! ang bait bait talaga ng mama ko." lambing ko sa kanya.

"Hay naku! ikaw talagang bata ka manang mana ka nga sa papa mo!"

"ohh sya, bilisan mo na! ikaw kasi. late ka nang matulog tapos ngaun mag mamadali ka sa umaga!" sermon nya..

"ma naman, exam kasi mamaya e. kaya nagaral ako kagabi." depensa ko.

"cge na, magingat ka anak." sabay halik sa aking ulo.

"okay ma babye." paalam ko sa kanya.

Ako si Dustin Paul Santos Jr. "Dust" for short. akoy isang 2nd year college sa isang unibersidad dito sa amin sa Roxas City. Kumukuha ng kursong business administration.

Pagkadating ko sa skul ay pinatawag ako dahil may special meeting daw sa club kung saan akoy isang bisepresedente, dahil sa hinintay ko paman din ang mga kasamahan ko sa club ehh..  naisipan ko tuloy pumunta muna sa best spot na palagi kung tinatambayan upang magbasa ng libro at un ay ang malaking mangga na katapat ng aming library.

dahil sa ako lang ang palaging naka pwesto doon ay parang pagmamay-ari ko nadin ang lugar na un, walang may nangahas na agawin un sa akin. wala pa..

Malamig ang hangin. siguro dahil meju masungit ang panahon. nung papalapit na ako sa puno ay nakita ko ang isang kaaya ayang babae. maputi mejo mistisa at may maamong mukha. mahaba ang buhok at napaka ganda..

Nung una meju nagaalangan pa ako kung lalapitan ko ba sya o hindi.. 

Ewan ko ba sa magandang babae na yan sa tambayan ko pa sya nagbabasa ng libro nya.

"Dahil andito narin ako ehh.. sunggaban ko nalang yata eto. I mean, baka pwedeng sya maging kaibigan man lang." paguusap ko sa sarili.

Nung papalapit na ako ay bigla syang lumingon sa akin at ngumiti.

Nagtaka tuloy ako bakit sya ngumiti at tila bang namumukhaan nya ako.

Di naman ako masyadong pupular sa skul pero baka kilala nya ako kaya un.. nginitian ko sya.

"Hi, ang aga ahh.." sabi ko.

"Oo nga, maaga rin kasi first subject ko.. kumusta ka na?" sabi nya.

Di paman kami nagkakilala ng personal ay kinamusta na nya na ako agad.

"hmmmmm. okay lang naman ako. magkakakilala ba tayo?" tugon ko.

"Kilala kita.. ako pala si Elisha Jane. alam kong hindi mo na ako nakikilala."

Sambit nya na parang may kalungkutan na nakakubli sa kanyang mata.

(Dahil sa pagnanais kung maalala sya ngiti at kamot sa ulo nalang ang naitugon ko sa kanya sabay sabing..)

"Ganun ba, pasesya ka na jane.. meju malilimutin kasi ako.."

Pilit kong mang inaalala sya pero hindi ko talaga matandaan ang maamong mukha nya..

Naging maikli lang ang usapan namin ni jane dahil tinawag na ako ng kasamahan ko sa club kaya nag paalam muna ako sa kanya.

"Jane, mauna muna ako ha. Kita nalang tayo. See you, when I see you."

Gustuhin ko man na wag na syang iwan pero kinakailangan. Sa loob ko nagsasabing magkikita pa naman kami e. masyado namang maliit ang campus para hindi kami ulit magkita.

Nagkatitigan kaming dalawa na tila minumukaan namin pareho ang isa't isa.

Ewan ko ba, may kung anong kirot na aking naramdaman nung titigan nya ang aking mga mata.

Ngiti nalang ang naitugon nya sa akin matapos akong magpaalam sa kanya.

Itutuloy..

BEFORE I CAME BACK (Completed)Where stories live. Discover now