PART V - PINAGMULAN

56 0 0
                                    

PART V - ANG PINAGMULAN

By: Edcel O. Dela Cruz

Si Maria Concia Silawan, Sya ang kaisa isang anak nina Don Rafael Silawan at ang kanyang asawa na si Maria Consuelo Silawan.

Sila ang pinaka mayaman at may impuwensyang pamilya dito sa Roxas noong unang panahon.

Ang orasang ito ay pinasa pasa na sa ibat ibang hinerasyon at si Maria ang huling nagmamay-ari nito..

Walang nakakaalam kung sino ang unang gumamit nito at kung saan nanggaling pero marami ang nagsasabing may kapit na malas ang orasang ito.. Nung pagmamay-ari ito ni maria ay maraming nangyari sa kanya.

Isa na dito ang pagkawala nya mahigit sa tatlongpung taon.

Nagtulong tulong ang kanyang pamilya, kamaganak at mga taong nakakakilala sa kanya upang hanapin sya sa tatlongpung taong iyon. Ngunit lahat ay nabigo na makita sya..

Sa haba narin ng panahon ay sumoko na sa paghahanap ang pamilya ni Maria. Dala narin sa katandaan ay namatay na din ang kanyang mga magulang.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, Isang umuulang gabi ay nakita nalang sya sa bakuran ng bahay nila..  walang malay. Sa tagal ng pagkahandusay sa ulan ay kumukunot na ang kanyang mga balat sa lamig.

Malaking palaisipan sa mga taong nakapalibot sa kanya ang hiwaga ng kanyang pagkawala at muling paglutang..

Labing pitong taong gulang sya nung nawala pero kahit ang mga nakakilala sa kanya ay hindi sukat akalain na wala parin sa kanya nagbago..

Hindi nagbago ang kanyang mukha. kaaya-aya at kabigya bighani parin ang kanyang ganda.

Ngunit nagiba na ang lahat. Nung nagkaroon na ng malay si maria ay palagi syang umiiyak, balisa at may hinahanap na kung ano. May mga bagay syang gustong ipaabot sa mga bumabantay sa kanya ngunit hindi sya pinapaniwalaan.

Kinakailangan nya raw bumalik kung saan sya nanggaling. Makalipas ang ilang araw ay nawalan nadin ng sigla ang dalaga..

Palagi nyang hinahanap ang orasan..

Pero hindi na nila makita kung saan na ba napunta ito..

May mga oras din na nagwawala na si maria at tinatapon ang mga gamit na makikita nya.

Kahit ang mga taong nagaalaga sa kanya ay hindi na alam kung ano ang kailangan at gusto ng dalaga..

Marami din ang nagsasabing nawalan na sya ng bait at tuluyan nang nawala sa katinuan. Dala nadin siguro ng troma sa mga nagdaan sa kanya.

May mga taong mabuting loob na tumulong sa kanya para mapagamot pero walang pagbabago sa kanya.

May mga nagsabing doktor na minulestya sya at hinalay dahil may nakitang tamod sa kanyang pagkababae..

Matapos ang paggamot sa dalaga ay naging kakaiba ang lahat. Kahit sa gabi ay nagwawala sya..

Kaya ang ginawa nalang sa kanya ay ikinulong sa isang sementadong kwarto sa kanilang bahay para hindi na makapanakit ng iba.

Binibigyan sya ng pagkain araw araw at binibisita din sa kanyang silid.

Pero isang araw pumunta ang tagabantay nya at bibigyan sana sya ng pagkain nang laking gulat na sa di inaasahang pagkakataon ay muli namang naglahong parang bula ang dalaga..

Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa lahat kung saan si maria napadpad sa tatlongpung taong iyon..

Lahat nga tao sa bayan ng roxas ay hindi makapaniwala sa mga pangyayari kay maria..

Sa mga sabi sabi ay nasa kanya na raw ang orasang itong..

Pagatapos noon ay walang imik ang lahat na tila tutok na tutok sila sa aking ulat. kahit si prof ay nakatulala sa kantang nalaman.

Itutuloy..

BEFORE I CAME BACK (Completed)Where stories live. Discover now