PART XV - PAGIBA

18 0 0
                                    

PART XVI - PAGIBA
By: Edcel Odquier Dela Cruz

"Iha.. iha.. iha.. jane.."
(Sabay tapik sa aking likoran)

"Jane, hindi bat may pasok ka ngayon? Sige na at bumangon ka na. Late ka na yata" sabi ni tatay rene

Agad akong gumising at nagligpib ng higaan. Naalala ko tuloy meron nga pala kaming exam ngayon. Naku, napasarap yata yung tulog ko.

Habang nasa shower ay iniisip ko parin yung nangyari sa amin ni dustin kagabi. Napakagat labi tuloy ako at sabay hawak dito.

Ewan, hindi ko alam kung ano mamaya ang mararamdaman ko. Parang nahihiya tuloy akong magpakita sa kanya.

Pagkadating ko sa eskwelahan ay hinanap ko talaga si dustin ngunit wala sya ka silid. Ewan baka late nga lang...

Maya maya ay pumasok na si prof para magbigay ng pagsusulit sa amin. Hindi ko alam bakit wala parin si dustin. Sabay tanong sa kaklase na..

"Guys, nakita nyo ba si dustin?"

"Bakit jane? Na miss mo sya?" Sabay tawa..

"Hindi naman sa ganon, nagtataka lang ako bakit hindi sya kukuha nga exam ngayon" paliwanag ko.

"Baka naman nasa bahay ng girlfriend nya. Hahhaa.. bakit jane? Nagseselos ka ba?"

Sa punto ding iyon ay nanlumo ako sa aking narinig. Bakit naman nila nasabing may girlfriend si dustin?

"Okay class, thats enough for now so get your test papers here and kindly keep it silence while taking the exams okay?" Sabi ni prof na mukhang seryoso.

"You know what ms. Jane.. mr. Santos might be failed on my subject. So, maybe thats the reason why he doesn't attempt to take the exam"

Wala na akong imik kay prof pero di ko parin maalis sa aking isipan ang sinabi ni joshua..

Pagkatapos ng exam ay minabuti kong pumunta muna sa making puno kung saan doon palaging tumatambay si dustin..

Hinintay ko sya.. dadalawang oras na pero ni anino nya ay hindi ko nakita.

Maya maya ay nakita ko nang my papunta papalapit. Alam na alam kong si dustin na yun. Pero parang seryoso naman yata..

Habang papalapit sya ay minabuti ko nading humakbang patungo narin sa kanya sabay sabing..

"Dustin! Kanina pa kita hinihintay a" bati ko.

"Ah, ganun ba jane. May pununtahan lang kasi ako e." Malamig na sagot nya

"Dustin, may problema ka ba?"

"Wala jane, wag mo akong alalahanin. Wala akong problema"

"Pero bakit di ka kumuha ng exam kanina dust? Alam mo bang baka bumagsak ka sa subject na yun?"

"Jannneee. Ano ba?"

Natahimik ako bigla sa naging asal ni dustin. Hindi ko na sya kilala. Ngayon ko lang sya nakitang magalit. Magalit sa isang maliit na bagay kagaya nito.

"Jane. Ano ba kita ha? Ano ba tayo? Wala kang pakialam kung ano man yung gagawin ko sa sarili ko."

Masminabuti kong tumahimik nalang sa bench kesa naman sa kausapin at makipag sagutan sa kanya.

Umupo sya sa gilid at yumoko nalang.

"Ipagpaumanhin mo. Sadyang hindi lang ako okay ngayon jane." Wari nya.

Nilapitan ko sya at umupo narin sa gilid nya.

"Dust, andito ako. Pwede mo naman sabihin sa akin yun diba?"

"Iba kasi to jane. Ewan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin"

"Dustin, maiintindihan ko, sige try me!"

Hinawakan nya ang kamay ko at sabag sabing..

"Mahal na kita jane. Bawat oras gusto kitang makasama. Gusto kitang makausap pero bakit para sa akin mali itong ginagawa ko."

"Paanong mali dust, hindi ito mali. Mahal din kita dustin at sa mga oras na nagkasama tayo masasabi kong ikaw na ang gusto kong makasama"..

Nagtitigan kami sa isat isa. Nababasa ko ang mga mata nya na nagsasabing malulungkot sya.

"Jane, I'm sorry but this is being unfair in your part. Kahit ako rin iniisip ko na hindi to tama."

"I do have a partner jane."

"And i loved her more than everything"..

Ang mga katagang iyon ay naging masakit sa pandinig. Sa sobrang sakit ay halos hindi ko na maramdaman ang mahigpit na pagkakahawak nya. Paanong nayari na mayroon siyang katipan e halos parehong pareho ang oras na nilakbay ko patungo dito.

Maraming katanungan ngayon ang kinakailangan ko ng paliwanag.

Umiiyak ako sa gilid ni dustin habang mahigpit patin ang kapit nya sa aking kamay.

Sa pagpiglas ko ang nabitawan nya ang aking kamay. Tumakbo ako palabas ng campus. Habang papalabas ng gate sa campus ay hindi ko na tiningnan ang kalye.

Tunog ng isang malakas na busina ang nagpalingon sa akin..

Busina na kahit kailan ay noon ko palang narinig.

Tumilapon ako sa unahan ng pedestrian lane at dilim nalang ang naalala ko.

Itutuloy...

BEFORE I CAME BACK (Completed)Where stories live. Discover now