PART IV - ORASAN

47 1 0
                                    

PART IV - ORASAN

By: Edcel O. Dela Cruz

"anak!? anak!? gumising ka. anak!?"

ilang beses akong nakarinig ng boses ni mama na tila mina madali akong gisingin..

Isang malakas na sampal ang naramdaman ko at nakapukaw sa aking pagkabangongot.

Plaaaaakkkk!..

"Huh?! ma? anu ba?!".. sabay kamot sa ulo.

"nak, binabangongot ka na naman. ganun parin ba ang napapanaginipan mo?"

"oo ma, hindi parin maliwanag para sa akin ang mga napapanaginipan ko." sabi ko punas punas ang pawisan kong noo.

"ohh sya, magpalit ka na muna ng damit" sabay bigay ng tshirt sa akin.

Matapos nun ay hindi na ako nakatulog. madalas kong mapanaginipan iyon. parehong sitwasyon at parehong mga pangyayari..

Pilit ko mang alalahanin kung sino ang nagligtas sa akin sa panaginip pero wala akong naiisip.

May pinapahiwatig ang panaginip sa bawat tao. Ito ay nagsisilbing babala o di naman kaya nagsisilbing paalaala sa ating lahat..

Makaraan ang isang oras ay nakatulog nadin ako.

KINABUKASAN:

Ngayong araw kami pupunta sa museum kung saan kanya kanya kaming pipili ng kasangkapan upang pagaralan at i discuss sa klase.

Hindi na bago para sa akin ang pumunta sa museong ito. Palagi kaming pumupunta noon dito ni mama para bisitahin si tita rita.. ung kapatid ni papa. sya kasi ang nakabantay dito.

Matapos akong maglibot libot para pumili ng isang gamit sa museo ay nakita ko si jared na di mapakali sa pagpili..

"Jared, anong gamit ang napili mo?" tanong ko.

"Hmmm.. itong amerikana ng presedenteng roxas ang napili ko." sabay tanong..

"Eh sayo? ano ba?"

Isa lang naman ang nakita kong maaari kong piliin sa museo na iyon..

"hmmm.. itong nalang."

"Duh, at kaninong pagmamayari ba naman iyan Dustin?!" tanong sa akin ni Vickie.

Noong bata pa ako ay nakikita ko na ang gamit na ito. matagal na.. luma ang istilo pero nakakaakit sa mata. Naiiba. Siguro nga mahal kasi may desenyong pakpak ng anghel at may tatlong dilaw na dyamante na naka dikit sa unahan nito.

Di ko alam kung sino ang nagmamayari nito pero ito ang parte ng project namin. Ang alamin kung kaninong pagmamayari at ano ang naiambag nito sa ating kasaysayan.

Tinawag ko si tita at tinanong.

"Tita, sino po ba ang nagmamay-ari nito? hhmmmm.. isang kilalang bayani ba?"

"Hindi dustin."

"Anong hindi tita?" paguusisa ko.

Dahil hindi ko naman pwedeng dalhin ang gamit na ito kaya kinunan ko nalang ng litrato. kumuha ako ng magandang anggulo sa bagay na iyon..

"Hindi syang kilalang bayani, may nakakakilala pero hindi ganoon katanyag ang kanyang pangalan." paliwanay ni tita rita.

"Si Maria Concia Silawan ang may-ari ng mamahaling orasan na iyan dust."

(Kinuha nya ta pinahawak sa akin)

"Orasan to?.." tanong ko.

Binuksan ko ang gamit na un at nakita kong. orasan nga talaga..

Hindi typikal na orasan, sa bandang ilalim ay makikita mo na mayroong buwan, araw at taon.

"Pwede mo ring iset yan dust. pati ung date." sabi nya.

Nakaramdam ako ng kung anong kuryenteng dumaloy sa aking palad an tila tumindig ng aking balahibo. Nagulat ako.. Mabilis ang pangyayari na hindi ko namalayan at bigla kong na bitawan ang orasan na hindi sinasadya.

"Hala! nabasag mo dustin!" sabi ni jared.

Dali dali kong pinulot ang orasan.. gusto kong isaayos. pero huli na.

Ang mga kristal ay nabasag na.

"Naku. Akin na dust.." sabi ni tita

Binigay ko na sa kanya at Sorry nalang ang nasabi ko sa kanya..

"Sorry tita, di ko sinasadya. nabasag tuloy.."

"Okay lang, hahanapan ko ng magaaayos dust" sabay lagay sa isang maliit na lalagyan.

"Alam nyo ba na maraming pangyayari ang naranasan ni maria sa orasang ito?.."

Itutuloy..

BEFORE I CAME BACK (Completed)Where stories live. Discover now