PART XI - PAALAM

29 0 0
                                    

PART XI - PAALAM

BY: Edcel O. Dela Cruz

Nagising ako sa lamig ng dampi ng hangin. Nakita kong namumuti na si jane sa ginaw..

"Jane gising.."

"Jane.."

Pilit kong ginising si jane upang tanungin kung nasa mabuti ba syang kalagayan.

"Namumuti ka na jane, okay ka pa ba?"

Sa kahinaan na nadarama naming dalawa at halos namuti na ang aming balat sa pagkababad sa tubig.

Dahil sa pagkauhaw at gutom ay naghanap ako ng pwede naming maiinom o kaya makakain.

Nilangoy ko ang ibang bagay na pakalat kalat upang magbabasakaling may mga pagkain.

makaraan ang ilang minuto ay nakita ko ang isang lalagyan ng biscuit na may laman pa.

agad kong idinala kay jane ang lalagyan ng biscuit.

Di paman sumisikat ang araw pero naaninag ko na ang mga katawang palutang lutang sa malawak na karagatan.

Nakita ko pa ang iba kong kaklase na kanya kanyang hawak sa mga salbabida.

Nakita ko ang mismong galon ng tubig na kinakapitan namin ay may kaunting tubig pa kaya pinainom ko rin kay jane.

dala nga pagkapuyat at pagkalamig ay unti unti kong naramdaman ang pagkahina ng aking mga binti.

"Jane, pinulikat ako."

"Ha? ano dust? cge humawak ka lang sa akin."

"Jane, baka dito na tayo mamamatay, parang wala nang magliligtas sa atin"disperadong sabi ko.

"May sasagip sa atin, maghihintay tayo. dustin tibayan mo ang iyong loob."

"Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya ito jane."

"Wag kang mawalan nga pag asa dust, may tutulong sa atin. bukas o di kaya mamaya may tutulong sa atin. huwag ka lang bibitaw sa pagkakahawak mo."

Nararamdaman ko na ang pagkahina ng aking katawan, pag kauhaw at gutom ang halo halong nararamdaman ko.

Maya maya ay namanhid na ang aking mga paa at di ko na halos ma hawakan ang malaking lalagyang ng tubig na nagsisilbing salbabida ko upang hindi malunod.

"Dust! wag! wag kang bumitaw please!.."

Di ako makahinga, parang may kung anong humihila sa akin pailalim ng madilim na dagat na ito.

Naramdaman ko ang huling hininga na nailabas ko sa aking katawan..

Dear Jane,

Alam mo bang miss na kita?.. Halos araw araw ay hindi kita maiwasang hindi alalahanin. Kamusta ka na kaya? Ano kaya ang ginagawa mo sa mga oras na ito? ako heto, late nang matulog. medyo busy sa skul. maggagraduate nadin kasi.

Alam mo miss kita.. sana ganun kadin sa akin. sana nasa mabuti kang kalagayan. Mahal na mahal kita Elisha Jane.

Nagmamahal,
Dustin

Matapos kung basahin ang sulat nya ay bumuhos parin ang aking luha. Nakakainis kung alalahanin. Bakit sya pa? Bakit hindi nalang iba? Kung kailan kami muling nagsama ay ganun din ang pagkawala nya?

"Mahal na mahal ka ng anak namin jane. Nasabi nya sa akin lahat. Ang masasayang araw nyong magkasama. Ang tampuhan nyo kahit ang pagkawala mo.."

Niyakap ako ng mahigpit ni mama nya. Ramdam ko ang matinding pangungulila nya sa pagkawala ni dustin.

"Tita, mabait na anak si dustin. oo, mahal ko sya.. mahal na mahal. sadyang may mga bagay lang talaga na hindi kontrolado ng tao. Kagaya ng pagkawala ko at pagkawala nya."

Mabigat sa pakiramdam. Di ko halos maunawaan bakit ganun ang nangyari sa amin. Hindi naging sapat ang nagawa ko para iligtas sya.. Sa kasamaang palad isa si dustin sa mga biktima ng paglubog ng barko.. pilit ko syang inahon sa kanyang pagkakalunod ngunit huli na..

Pinilit kong maging kalmado sa mga pangyayari at bigla kong naisip ang mahiwagang relo na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"May magagawa ako para mabuhay si dustin.." sabi ko sa sarili.

Naibsan ang aking pagkalungkot nang maalala kong may magagawa pa ako para mailigtas sya sa kapahamakan na nagyari sa amin kaya minabuti kong pumunta sa isang kwarto kung saan walang may makakita sa ano mang gagawin ko.

kinuha ko ang relo.. Ito ang magiging solosyon sa lahat.

minadali kong iset ang araw at oras ng relo. maya maya ay na ramdam kong may kung ano ang humuhila sa akin pabalik ng oras.

napakabilis ng pangyayari at halos ramdam ko ang pagbalik ko sa mga sitwasyong na ranasan ko na.

Makaraan ang ilang minuto ay nandilim na ang mga paningin ko at halos di ko na maramdaman ang pagkamanhid ng aking katawan.

Itutuloy...

BEFORE I CAME BACK (Completed)Where stories live. Discover now