PART II - COULD IT BE TRUE?

91 0 0
                                    

PART II - COULD IT BE TRUE?

By: Edcel O. Dela Cruz

Pagpasok ko sa classroom ay gulat ang naramdaman ko nung sinita ako ng aming prof..

"Mr. Santos! alam mo kung anong oras ang klase natin?" tanong ni prof.

"Opo sir, may meeting po kasi kanina sa club, Ipagpaumanhin mo po sir.. di na mauulit." depensa ko.

"Apology accepted, sana hindi na ito mauulit dustin."

pagkatapos akong sabihan ni prof ay nagpatuloy sya sa kanyang diskasyon sa klase..

"As a part of your project class, nais ko kayong isama sa museum na malapit sa simbahan kung saan doon naka tago ang mga sinaunang bagay na ginamit ng ating mga ninuno at bayani. So, gagawa kayo ng research kung anu man ang mapipili nyong gamit doon." mahabang paiwanag ni prof.

KINAGABIHAN:

Magaalas nwebe na at di padin ako dinadalaw ng antok.

Napaisip ako, kay jane.. naiisip ko sya. ewan kung bakit..

May kung anong koneksyon na dumadaloy sa aming dalawa na hindi ko maintindihan parang matagal na kaming nagkakilala. Ewan kung saan at kailan pero napaka gaan ng loob ko sa kanya.

Dahil hindi pa ako dinadalaw ng antok ay minabuti ko nalang na buksan ang radyo..

eto ang stress reliever ko kapag puyat palagi sa skul at kung may mga bagay na nagpapagulo sa aking isipan, ang makinig ng mellow songs at meju pop..

Pag ka bukas ko ng radyo ay medyo mellow song ang saktong ipinapatugtog.

Di ko masyadong maintindihan kung ano ang nais ipaabot ng kanta dahil ngaun ko lang din ito nadinig..

"I met you just tonight
But I keep wondering why
It seem's I've always know
You all my life.."

"I held you only once
But I keep wondering why
It seem I've held you forever.."

"Can it be true..
Could I be wrong..
That somewhere in my past
I fell in love with you"

"Can it be true..
Could I be wrong..
That somewhere in my past
There was also me and you..."

ilang ulit ang pagbigkas ng mga linyang ito sa kanta at di ko natiis ang sarili na hindi sabayan ang magandang pyesa habang nakahiga sa aking kama.

Masyadong mahiwaga ang kanta, na kahit ako ay naitanong sa sarili kung totoo ba ang mga bagay na yun?

mga bagay na hindi maipaliwanag ng sensya. katulad nalang sa isinasaad sa kantang yun..

Makaraan ang ilang minuto ay nakatulog nadin ako..

Itutuloy...

BEFORE I CAME BACK (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora