PART VI - YAKAP

41 0 0
                                    

PART VI - YAKAP

Nailathala ko ng maayos ang aking presentasyon tungkol sa orasang napili ko..

naimpressed daw si prof sa aking nagawa.

MATAPOS ANG KLASE

Pumunta ako sa aking best spot at un ay sa puno ng malaking mangga..

kinuha ko ang aking aklat at nagbasa nang may na pansin ako..

Matagal na akong tumatambay sa malaking manggang ito ngunit bakit tila iba ang naramdaman ko sa mga oras na ito.

maya maya ay may nakita akong papalapit sa akin. Isang maganda at mestisang babae..

"Si.. jane?" tanong ko sa sarili.

"Ohh hi dust!" bati sa akin.

"Jane? kmusta ka pala?"

"okay naman ako. Pumunta ako dito dahil alam kung dito ka tatambay ehh."

"Hehe. siguro palagi mo akong nakikita dito no?" tanong ko.

Tango ang naging sagot nya sa aking tanong..

Mahaba ang naging usapan namin ni jane at tila nag kakamabutihan na kaming dalawa. Napagusapan namin ang tungkol sa pagaaral at buhay buhay. Sya pala si Elisha Jane Cruz isang Accountancy student  ng parehong skul na pinapasukan ko.

Nalaman ko rin na hindi pala ito ang 1st course ni jane. kaya irregular sya. Sa mahabang paguusap namin ay di ko maiwasang tanungin sya tungkol sa kanyang buhay pagibig.

Ani nya ay hindi pa sya handa sa mga ganoong bagay..

"Sa ganda mong yan wala bang nangahas na manligaw sa iyo?.." sabay ngiti sa kanya.

"Meron, pero ayaw ko.."

Nakita ko na tumamlay ang kanyang mga mata nung nasabi nya iyon sa akin..

Inusisa ko ang rason bakit ganun ang pagkakasagot nya at tila nalungkot sya bigla..

"Hmmmm. ayaw mo ba sya? o baka naman may napupusuan ka pang iba?"

"Mahabang istorya dust.."

Sa maikling sagot na iyon ay nakaramdam ako ng senyales na itigil ko na ang pagusisa pa..

Makalipas ang ilang araw ay sunod sunod na ang pagsasama namin ni jane..

Sa malaking punong mangga kami nagkikita kapag wala kaming klase pareho..

May mga oras na dun na kami nagtatanghali-an sa malaking punong iyon.

Di ko na halos maisip ang mga araw at buwan na magkasama kami. Di namin pinapabayaan ang aming pagaaral pareho.

Sa katunayan ay sya ang nagiging tutor ko minsan kapag nahihirapan ako sa aking accounting subjects.. Finance, Auditing at iba pa.

MAKALIPAS ANG ILANG ARAW

"Jane, salamat ha.." sabi ko.

"Para saan?" tanong nya.

"Para sa pagiging mabuting kaibigan sa akin."

"wala un. basta ikaw dust.."

Nagulat ako nung bigla akong niyakap ni jane.. mahigpit ang pagkakahawak nya sa aking katawan..

Ang gaan ng pakiramdam ko nung niyakap nya ako.. pakiramdam ko niyakap ako ng taong matagal ko nang gustong makita.

Pagkatapos nyang umakap sa akin ay tinitigan nya ako sa mata. Dun ko nakita na umiiyak pala sya..

"Bakit ka naman umiiyak jane?"

"Masaya lang ako dust.. masaya lang ako na nayakap ulit kita."

Kung ano man ang mga sinabi nya ay binali wala ko na. Pakiramdam ko ay bumagal ang takbo ng oras. Parang ayoko ko na tuloy matapos ang araw na iyon..

Inaamin ko na my nararamdaman na ako kay jane pero hindi ko pa sinasabi sa kanya. ayoko ko rin naman sabihin nya na pinagsasamantalahan ko ang kabutihang loob na pinapakita nya lalo pa't naging mabuti na kaming magkaibigan.

Pinangakuan ko si jane na hinding hindi ako mawawala sa kanya. hindi ngaun, hindi bukas at hindi kailan man..

Marami pa kaming hindi alam sa isat isa. kaya mas minabuti ko nalang na kilalanin muna sya.

MAKALIPAS ANG ILANG ARAW..

Sabado noon at napagplanuhan namin ni jane ang magsimba sa Cathedral chapel. pagkatapos mag simba ay binisita ko si tita rita sa museo..

"Tita! kmusta ka na?"

"ohhh, dustin.. okay lang ako. napadalaw ka?" tanong nya.

"Oo, nagsimba kasi kami. Si jane pala tita. matalik kung kaibigan" pagpapakilala ko.

"Ganun ba, hi.. ikaw na ba ang swerte babae sa buhay ng pamangkin ko?" biro nya.

"Hello po tita" Sabay halik sa pisngi ni tita rita

"Matalik kong kaibigan si Dustin tita."

"Alam mo jane, parang my naaalala ako sayo. pamiliar yung mukha mo. Nagkita na ba tayo dati?" tanong ni tita.

"Ahh.. parang sa pagkakaalala ko po ngaun lang din tayo nagkita tita e." Sagot ni jane.

"Sabayagay, baka may kamukha ka lang sa mga taong bumibisita dito sa museo."

"Sayang, akala ko pa naman girlfriend ka na ni Dustin jane.." Dagdag ni tita.

"Tita naman" sabi ko.

Bago kami umalis sa museong iyon ay naglibot libot muna kami upang tinggnan ang mga gamit na naka display.

Naalala ko tuloy ang orasan na nabasag ko noong huling pumunta ako dito..

"Tita, nasaan na ba ung orasang naka display dito noon? ung sinasabing may dalang malas?" usisang tanong ko kay tita.

"Ung nabasag mo?" ngiting tanong ni tita sa akin.

"Wala na dito dust. pagkatapos kong ipaayos yun ay may mga taong interesadong bumili doon. Nung nakaraang buwan lang.. may isang matandang lalaki ang pumunta dito at malaki ang naging offer nya sa amin dust. Ngayon ay naipaayos na namin ang sirang museong ito."

Di ko na inalam pa akung sino ang bumili nung orasang iyon. Sa loob ko, siguro masyado syang nagandahan at binili nya talaga.

Pagkatapos naming pumunta sa museong iyon ay naghiwalay na kami ni jane..

"Ohh panu jane, magingat ka paguwi ha." paalala ko sa kanya.

"Okay dust Ikaw din." sabay ngiti sa akin.

Itutuloy...

BEFORE I CAME BACK (Completed)Where stories live. Discover now