PART III - TRAHEDYA

73 0 0
                                    

PART III - TRAHEDYA

By: Edcel O. Dela Cruz

Sa aking pagkakahimbing ay dinig ko ang malakas na hampas ng alon.

Dinig ko din ang pagkulog at kidlat sa labas. maya-maya ay sigaw at kalabog ang pumukaw sa akin.

Nasa loob ako ng isang silid na hindi ko alam kung saan..

kung bakit ako nandoon ay wala akong kaalam-alam..

Dahil sa malakas na ang sigawan at kaguluhan sa labas ay minabuti kong buksan ang pinto sa aking kwarto..

Nagsisilabasan na ang iba at tumatakbo palabas..

Binuksan ko na ang pinto pero ang aking katawan ay nasa loob padin ng kwarto na parang naka dungaw lang sa labas.

Hindi ko alam ang gagawin..

nagsilabasan na ang iba sa kani kanilang kwarto at dun ako nag pasya na lumabas narin.

Pilit ko mang lumakad ng tuwid pero gumagalaw ang sahig na inaapakan ko..

Gitgitan at nagkakatulakan na. nakita ko sina jared, james at nikki na andoon din na pawang mga kaklase ko..

"jared! jared!.. ano bang nangyayari dito?!" tanong ko.

"Tol, malulubog na tong barko. kailangan na nating lumabas kung hindi sasama tayo sa paglubog nito!" takot na takot na paliwanag nya.

Di ko na inalam kung bakit ako nandito basta ang nasa isip ko lang ngayon ay makalabas sa papalubog na barkong ito.

Biglang napatanong ako sa sarili. Sina mama at papa, kasama ko kaya sila? at kung kasama ko man ay nasaan sila?..

Pagkalampas ko sa pinto ng labasan ay isang malaking sabog ang narinig ko malapit sa kwarto ng pinanggalingan ko.

Sa lakas ng pagsabog ay naitapon ako papalabas at nabangga sa isa pang pasahero.

nandilim ang aking paningin..

at isang nakabibinging tunog ang narinig ko at halos ikasira ng aking tenga.

Kinapa ko ang aking noo at halos mabalutan ng dugo ang aking palad. Hapdi at sakit ang nararamdaman ko sa oras ding yun.

Kahabag habag.. Nakakapangilabot.

Nang maaninag ko ang lugar ay nakita ko ang ibang pasahero na nakahandusay, wala nang malay at duguan.. katulad ng naramdaman ko ay iniinda din ng iba ang kanilang tenga sa lakas nang pagsabog.

Isang mahigpit na yakap ang naramdaman ko sa aking likuran. Di ko makita ang kanyang mukha. pero isa lang ang alam ko.. babae sya.

Nung oras ding un ay muli akong nakarinig ng malalakas na pagsabog galing sa loob ng barko at di ko na namalayan ang mga kasunod na nangyari matapos ang pagsabog na iyon.

Itutuloy...

BEFORE I CAME BACK (Completed)Where stories live. Discover now