SPECIAL CHAPTER✨

262 13 6
                                    

Saxia's POV

"Ericckkkkkk"
Malakas pa sa malakas kong sigaw!

Patakbo namang pumunta sa kwarto si Erick kasunod si Chrism na pareho pang nakatakip ang tenga!

"Mommy why you need to do that?"
nakanguso pa nitong tanong sa akin

Talagang ang hirap ipakita kay Chrism na galit ako kaya naman ang damuhong ito si Erick ay lagi nalang chill pag nagagalit ako palibhasa kasama lagi si Chrism

Hayst! paano ko ba makakalimutan na ng minsang umalis si Erick sa bahay ng gabi dahil nga maraming tinapos sa office ay hindi makatulog ang batang ito kaya kinailangan ko pang makipag video call kay Erick hanggang sa makatulog ito.

Parang sa lahat ng lakad ni Erick gusto niya kasangga ang Daddy niya!

"Im sorry baby, can I speak to ypur Daddy ha"
Malambing ko pang pakiusap dito

Nalingon pa muna ito kay Erick na iniilingan nitong wag siyang iwan.

Pero dahil masunurin ang baby ko tumango ito kay Mommy.

"okay Mommy, but please don't shout on him okay Mommy"
He said bago tuluyang lumabas ng kwarto namin

Sinundan ko ito ng tingin bago nagtapon ng tingin kay Erick na marahang naupo sa tabi ko

"sinabi ko bang tumabi ka sa akin ha?"
inis ko pang sabi dito

"love naman e, bakit ba kasi kung makasigaw ka wagas,may kailangan ka ba? Gustong kainin? May masakit ba sayo?"
Sunod sunod pa niyang tanong

Napikit ako ng mariin dahil naririndi ako sa boses niya!

"lo-ve inaantok ka?" anito

Tumungo ako bago namulat alam ko na kinakabahan na ito kaya natahimik siya

Nilandas ko ang aking kamay sa kabilang side ng bed habang nakatitig sa kaniya para sumenyas na mahiga doon

"love ang aga ha"
Maloko pa nitong sabi habang nag lalakad papunta sa kabilang side ng kama

Adik?

Naku sinasabi ko na nga ba madumi ang utak ng lalaking ito e!

"gusto mo makatikim nito?"
inis kong sabi ng itaas ang kamao ko

Hinalikan pa niya ang aking kamao ko bago pinakawalan ang ngiti niya

Sa hindi inaasahan napangiti nalang ako sa kaniya!

Bwisit talaga ang ngiting yun na napapalambot ako kahit gusto kong mag matapang sa kaniya minsan e!

"epal mo talaga Erick"
Naiinis kong sabi bago siya niyakap

"ayun gusto lang naman pala mag palambing ng asawa ko"
Malambing pa niyang sabi habang yakap yakap ako

Dalawang taon na kaming kasal ulit ni Erick and aaminin ko na gustong gusto ko pag tinatawag niya akong asawa ko.

The first time na tinawag niya akong ganun na kasal kami noon ay nung nakita ko ulit siya, oo wala ang ala ala niya pero kahit paano naramdaman ko ang pag mamahal niya sa akin pag tinatawag niya akong asawa ko.

Asawa ko is somehow became my favorite endearment.

"gusto ko kasi katabi lang kita, parang noon ng nag bubuntis ako kay Chrism lagi kitang hinahanap kaya siguro sobrang lapit niyo ni Chrism"
Naiiyak kong sabi

Ganun pala siguro kahit na antagal ng nangyari pero once na maalala mo parang ang hirap pigilan na maging emosyonal ka lalo pat sobrang daming nangyari bago kayo naging ganito, na punta sa tahimik na buhay.

I STILL LOVE YOU Where stories live. Discover now