37: NIGHTMARE

91 14 0
                                    

Rehina's POV

Nagising ako sa sigaw ni Saxia kaya kaagad ako na bumangon at tumakbo papunta sa kwarto niya na katabi lang ng kwarto namin.

"Saxia... Saxia wake up"
I yelled while waking her up

Kinabahan ako sa kakasigaw niya habang tulog hindi ko alam kung ano man ang napapanaginipan niya pero isa ang sigurado ako..... Its about Santi

"Mommy"
Takot niyang sigaw ng makamulat st fumamba ng yakap sa akin

"ssshhh panaginip lang yun anak"
Pag papakalma ko pa dito

"panaginip na totoo"
naiiyak niyang sabi

Medyo naguluhan ako sa sinabi niya kaya nakalas ako sa yakap at tiningala ang mukha niya

Marahan na pinahid ko ang pawis at butil ng luha na nag mumula sa kaniyang mata.

"An-ong ibig mong sabihin"
Nag tataka kong sabi

Naririnig ko ang kaniyang hikbi at matang pagod na sa iyak.

"Mommy... si Santi humihingi siya ng tulong pero wala akong nagawa. Mommy nahihirapan siya ng mawala siya ewan ko and si baby *sabay hawak nito sa kaniyang tiyan na pitong buwan na* kukunin daw siya ni Erick Mommy, ayoko na mawala din ito sa akin Mommy"
Natatakot at naiyak niyang sabi

Hindi ko alam kung saang lupalop nahukay ng panaginip niya ang ganoong scenario.

Yung takot na nabuo sa isang panaginip

"An-ak anak listen ok hindi mawawala ang baby na yan dahil aalagaan natin siya aalagaan kita kami ng Daddy mo pag lumabas ang baby and to keep the both of you safe aalis tayo ng bansa at pupunta sa bahay ng Daddy mo sa Singapore doon muna kayo hanggang sa maging okay ka."
Pag papakalma ko pa sa kaniya

Alam ko na mahirap kay Saxia, alam ko na kinakaya pa din niya hanggang ngayon kaya kahit ako hindi mawala sa akin ang takot na baka kung ano ang mangyari sa kanilang dalawa.

Yakap na mahigpit ang binigay niya sa akin at ganun din ako. Natabi nalang ako sa kaniya hanggang sa makatulog ulit.

"okay na ba siya"
Medyo nagulat naman ako ng umimik si Oscar na kakapasok lang ng kwarto

Natango ako at tinuon ulit ang pansin kay Saxia

She's too young to feel this pain.

"kung meron man akong gustong gawin Oscar yun ay ang kunin lahat ng sakit na nadarama ni Saxia"
naiyak kong sabi habang nakatitig dito

"i can't lose my daughter, I can't lose the baby. They're our treasure to be carried"
Dagdag ko pa

Isang buwan nalang ang hinihintay namin hanggang sa makapanganak si Saxia.

And after noon lilipad na kami papuntang Singapore gusto man niya o hindi dahil yun lang ang alam namin ni Oscar na makakabuti sa kaniya ang malayo ss mga bagay, lugar at tao na nakasama niya noong nabubuhay pa si Santi.

Sobrang hirap ng mawalan ng minamahal kaya alam ko ang hirap at sakit ng mawala si Santi dahil lahat ng pinagdadaanan ni Saxia ay naranasan ko ng malayo siya.

"we can't lose them Hon, lahat gagawin ko okay. Habang nasa Singapore kayo dito ako sa pinas hanggang sa matapos ko lahat ng kailangan kong ayusin."
Kunot noo naman akong napatingin sa kaniya muli

Ang usapan namin ay lahat kami nandun para mag kasama naming aalagaan si Saxia at ang magiging apo namin

" teka mag papaiwan ka? "
Galit ang tono kong sabi

I STILL LOVE YOU Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt