39: HAPPY 1ST CHRISM

97 15 1
                                    

Saxia's POV

"Alam niyo hindi ko inaasahan ito, being able to celebrate with all of you on the day that my son Chrism was born. I got a little confused about everything sometimes but my son gave me the opportunity to work with it. He gave me a reason to live a reason to continue my life. Well all of you knew what I've been through. Last year was the year that i hated the most because that year was the year that God take my future, my love, my husband. Akala ko noon tapos na din yung buhay ko, actually hindi naging madali hanggang sa my parents and friends made me realize that I am not alone in this battle kasi meron akong kayo, meron akong sila at lalo na sa lahat meron akong Chrism Erickson na nag papalakas lagi ng loob ko para lumaban sa araw araw"
Mahaba kong lintaya ng mag simula na ang program.

"And today we gather here to celebrate the special occasion the Christmas Eve and my Chrism Erickson's first Birthday"

Bumababa si Mommy ng hagdan habang buhat si Chrism sa suot ang damit na pinagawa ko.

He's wearing his Daddy's old polo na pinagawa ko para mag kasya sa kaniya.

Noong pinanganak ko si Chrism dito sa Singapore para bang kahit paano ay nabawasan ang lungkot sa puso ko. Sobrang kamukha siya ng Daddy niya at kung nandito lang sana si Erick matutuwa siyang makita at mabuhat si Chrism.

I named him Chrism dahil pinanganak siya ay Christmas Eve at Erickson dahil sa pangalan ng Daddy niya.

"He's super gwapo like his Daddy"
Mommy said ng kunin ko si Chrism sa kaniya

Oo naman gwapo talaga yan mana kay Mommy e pero pwede na din kay Erick baka mag tampo yun sa langit e.

Mahirap noong nawala si Erick sobrang hirap na halos ayoko siyang nagiging topic, pero ng mapaisip ako isang araw I realized that maybe it is God's plan for us though I still believe that he's not dead yet alive. I mean i know in my heart that Erick is still alive and pakiramdam ko lagi lang siyang nandiyan sa paligid kasama kami ni Chrism.

He is forever with us.

"Happy birthday sa gwapo kong inaanak"
Pag bati ni Yena kay Chrism na kaagad nanakaw sa akin at pinupog ng halik

"Yena baka umiyak sa halik mo".
Maloko ko pang sabi dito

Nakunot naman ang noo nito na tumingin sa akin

"Grabe to hindi ba pwedeng sobra ko lang namiss ang chichi ko kasi naman ano ang layo ko sa inyo buti sana kung ang singapore ay isang sakay lang mula sa pinas hindi ba baka lagi akong nandito"
Mahaba pang sermon nito

Blah blah blah andami kaagad nasabi grabe HAHAHA

"Oo na naku baka mag drama ka pa, don't worry miss ka din niya"

"talaga chichi miss mo si ninang?"
Kausap pa nito sa baby ko

Cute lang nila tingnan.... Sobrang lapit din kasi ni Yena at ate Cynde kay Chrism as in parang pag nandito sila laging pagod at kung ano ano ang binibigay kay Chrism pero mabuti at hindi na i-spoil. Syempre naman ako ang ina at sure kung nandito si Erick hindi niya gugustuhin na ganun si Chrism.

"Oo nga pala Saxia, ano na pinag kakaabalahan mo ngayon aba si Chrism ilang taon pa mag aaral na yan"
Tanong ni Ate Cynde

Nag lakad ako palapit sa malaking litrato namin ni Erick, nilagay ko talaga ito dito sa living room for Chrism gusto ko na makilala niya si Erick kahit wala na ito.

"Hmmm..."

"Ate Saxia"
Naputol ang sasabihin ko ng patakbong lumapit si Dave sa akin na kakadating lang

I STILL LOVE YOU Where stories live. Discover now