52: KEEP ME

146 16 3
                                    

Debbie's POV

Papunta ako ngayon sa tinutuluyan ni Santi, sana lang talaga tama ang lugar na binigay ni Reun sa akin dahil kung hindi, walang pag dadalawang isip na sasabihin ko ang lahat lahat kay Saxia.

"Mam okay na po ang sasakyan"
Ani ng driver ko

It's better to drive on my own.

"sige, ako nalang ang mag dadrive para sa sarili ko mag day off ka muna and take this as your bonus"

Kaagad na kinuha ko ang susi ng sasakyan at minaneho iyon.

I just can't wait to see him again. I want him back!

Nag lakad ako palapit sa gate pero napatigil ako ng marinig ang tawanan mula sa bandang kaliwa ng bahay and mula sa kinatatayuan ko kitang kita ng dalawa kong mata ang mga ngiti sa labi niya

Ang saya nilang tingnan, sobrang lakas ng bawat tawa niya habang nilalaro ang batang lalaki

Nakakaalala na ba siya?

I cleared my throat bago tuluyang mag doorbell

Hindi ako mag papatalo, dapat ang kasayahan na yun ay akin.

Ang mga tingin at tawa na yun ay dapat sa akin at sa future family namin hindi sa kanila.

"sandali"
Sigaw ng babaeng papalapit sa gate

Laking gulat pa neto ng makita ako pero hindi ko na siya binigyab pa ng atensyon

"De-bbie"

Walang emosyon ko siyang tiningnan at nag patiunang pumasok

Hahakbang palang muli ako ng hawakan niya ako sa braso

"hindi ka pwede dito, mabuti pa umalis kana"

Malakas na kinalas ko ang aking braso sa pag kakahawak niya

"you have no right to tell me what to do, hindi mo ito bahay kaya wala kang karapatan Morisse"
Matapang kong sabi dito

Tinalikuran  ko siya na kaagad ding sumunod sa akin papunta sa backyard kung saan nandoon silang lahat na nag sasaya.

isang tao lang ang hindi nahagip ng paningin ko, ang taong pinaka mamahal ng aking mahal.

"Sash"
gulat na tawag sa akin ni Santi

nangiti ako sa kaniya at mahigpit na niyakap isa lang ibig sabihin nito na hindi pa rin bumabalik ang ala ala niya at sana huwag na talagang bumalik.

"Sants nandito na ulit ako aalis na tayo, babawiin kita sa kanila"
naiiyak kong sabi habang yakap siya

"Anong aalis, he belongs here kaya hindi siya pwedeng umalis"

sino pa ba kung hindi ang nanay nanayan ni Santi.

like mother like daughter parehong malakas ang loob na agawin sa akin si Santi

akala ba niya na nakalimutan ko na kung paano niya ako pinalayas sa bahay ni Santi ng malaman niya ang nangyari, hindi ko yun makakalimutan dahil yun ang isang dahilan kung bakit hindi na talaga kami nag kabalikan ni Santi.

Aaminin ko na nag kamali ako pero hindi ko intensyon ang masaktan si Santi ng ganun. Ng time na yun wala akong ibang dahilan kundi baka hindi na niya ako mahal pero huli na ang lahat ng marealize ko kung gaano niya ako kamahal.

Anlaking pag sisisi ko noon kaya nga ito ako at bumabawi ngayon.

"why would I listen to you Tita Rehina, kung sa bagay hindi na ako mag tataka kung hindi mo ako matanggap para kay Santi dahil noon pa man against kana sa pag mamahalan namin"

I STILL LOVE YOU Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon