38: WHERE ARE YOU SAXIA

99 15 2
                                    

Yena's POV

Hinalughog ko na ang buong kwarto ni Saxia pero wala pa din akong makitang siya. Sabi naman ni Tita nandito lang siya sa loob nag papahinga.

Nag punta ako sa balkonahe dahil baka nag papahangin siya pero wala din kaya naman kaagad akong bumaba at sinabi kanila Tito at Tita.

"Tita Rehina Tito Oscarrrr"
Malakas ko pang sigaw habang nababa ng hagdan

"ano yun, anong nangyare?"
Sigaw ni Tita ng salubungin ako

Naiiyak at kinakabahan akong nalapit sa harapan nila miski sila Jon at Ate Cynde

"Yena anong nangyari bakit ka nag sisisigaw?"
Nag aalalang tanong ni Ate Cynde

"Asan si Saxia"
Tanong naman ni Jon

Naguguluhan ako sa mga tanong nila kaya napasigaw nalang ako na kanilang kinatahimik

"nawawala si Saxia"
Mahinahon kong sabi pero bakas na bakas pa din ang pagkakaba ko

Hindi ko alam kung saan na naman nag suot ang babaeng yun.

Ang alam ko ay okay na siya, dahil nag kausap kami kahapon sa telephono sabi niya excited na daw siya manganak at makapunta ng Singapore tapos nag kekwento pa siya ng mga pwede niyang gawin dahil nga hindi na siya kakanta.

"teka paano e nasa kwarto siya ng iwan ko"
Naguguluhan pang sabi ni Tita Rehina

"sigurado ka ba?"
Ani tito Oscar

Nag isip naman si Tita Rehina pagkuway tumango

"Oo sigyrado ako hindi naman siya nag paalam na aalis e"
Anito

Nasaan naman kaya ang babaeng yun?

Naku taraga kahit kailan ka Saxia manganganak nat lahat layas pa!

Baka kung mapano ka pa baka multuhin ako nito ni Santi e!

"sabi niya kahapon okay na siya e, handa na daw siya bumuo ng bagong mundo na kasama si baby Erickson."
Naiiyak ko pang sabi

"Oo sabi nga niya pero bago daw siya umalis may gusto daw siyang puntahan"
Ani Tita Rehina

"Hindi kaya bahay nila ni Santi?"
Suggest pa ni Jon

Tama bahay nila ni Santi yung malapit sa dagat na lagi nilanh pinupuntahan pag may time sila.

Tama tama!!!!!

"Gotcha alam ko kung saan yun"
Sigaw ko pa

"oh tayo na dali at baka kung mapano pa ang babaeng yun naku naman"
Natatarantang sabi ni Tita Rehina

Mag kakasunod kami na nagtatakbo papunta sa pinto ng biglang bumukas ito at iniluwa si Saxia na may dalang......

"Durian"
Sabay sabay pa naming sabi

"hmmm oo ang sarap, narinig ko kasi na may nag lalako kanina ng mapasilip ako sa bintana kays bumili ako. Mabuti nalang binigyan ako ng discount"
Nakangiti pa niyang sabi habang hawak ang dalawang maliit na durian na nakatali at may hawak na ice cream

Nanggigigil ako sa isang ito na natatawa sa itsura.

Yung nataranta kayo kakahanap sa kaniya tapos hinabol lang pala ang naglalako ng Durian at bumili ng ice cream sa labas.

SAXIA ANGELA TALAGA!!!!!

"hay naku anak pinag alala mo kami ha, sana nag pasama ka sakin baka mamaya madulas ka r kabuwanan mo pa naman"
Nag aalalang sabi ni Tita

I STILL LOVE YOU Where stories live. Discover now